Marcos
"Tori!" sigaw ni Bella at kumaway sa amin.
Nandoon na silang lahat at nakaupo sa sofa. Tumayo si Bella para magbeso sa akin.
"Guys this is my bestfriend, Via" pinakilala ko si Via sa kanila kaya nakipagkamayan naman sila isa isa.
"Oh, I know you" kilatis ni Noah kay Via kaya napangiti nalang ako habang si Via ay nalilitong nakatingin sa akin.
"Kasama siya ni Stell nagbuhat sayo papuntang kotse ko" bulong ko sa kanya at biglang nanlaki mata niya sa sinabi ko.
"Thank you nga pala for.. you know" nahihiyang sambit ni Via kay Noah kaya napahalakhak ako.
"No problem" kinindatan nito si Via habang yung iba naming kasama ay litong lito na nakatingin sa amin.
Nagkwentuhan kami habang umiinom. San Mig Light muna ininom namin para hindi magkalasingan agad.
"So, Tori, may jowa ka ba?" Bella asked while wiggling her eyebrows. Sasagot na sana ako nang biglang sumingit si Trina.
"Naku! 'Di yan pwede mag jowa Bella! Kinuha siya mismo ng company kaya may kontratang pinirmahan yan. Hindi tulad sa atin na nag audition talaga" aniya habang umiinom ng Tequila.
Natigilan ako sa sinabi niya at napatingin kay Via na napatigil na din sa pag-inom ng San Mig Light.
"Hala! Ang sad naman n'yan? 'Di ka magkakajowa?" sambit ni Bella.
"It's always career over love Bella" I faked a smile and drank.
E ano naman kung 'di ako magkakajowa? Career over Love muna 'to. Yun nalang ang inisip ko buong gabi habang umiinom.
"Let's dance! Come on" hinila ako ni Via.
We went in the middle of the crowd to dance. May tama na kaming dalawa pero wala na kaming pakialam dahil gusto lang namin sumayaw. We danced and danced until a man went behind me.
"Hey! You look familiar. Have we met?" tanong nito sakin. Gwapo siya, mapupungay ang mga mata at yung mamula mula yung labi niya.
"I think we haven't" patuloy parin ako sa pagsayaw at isinabit ang aking kamay sa kanyang leeg.
"I'm Felix and you are?" he said and placed his hands on my waist.
"Victoria" sambit ko habang sumasayaw kaming dalawa.
"Wanna come with me?" his hooded eyes looked at me.
"Where?" unti unti niyang nilalapit ang mukha niya. Maglalapat na sana ang mga labi namin nang biglang sumama pakidamdam ko.
Tinalikuran ko siya at naglakad paalis sa dance floor. Hinanap ko ang restroom at sumuka. Nasobrahan at ako, di kinaya ng sikmura ko. I gargled my mouth with water tsaka lumabas ng restroom.
"Having fun with boys?" sambit ng pamilyar na boses kaya lumingon ako.
Nagulat ako nang makita kung sino ito. It was Sejun. Inismiran ko ito at naglakad pabalik sa table namin ngunit hindi pa ako nakakalayo ay hinila niya ako.
"You're drunk. Let's get you home" aniya at inalalayan ako sa paglalakad ngunit tinulak ko siya.
"I can walk" I rolled my eyes at him and walked. 'Di maayos ang paglalakad ko, muntik na ako matumba buti nalang at nasalo ako agad ni Sejun.
"Ang tigas ng ulo mo" hinawakan niya ako sa bewang at naglakad papuntang table namin.
Pagkadating namin ng table ay tahimik ang lahat kaya napatingin ako sa kanila. Mukha silang gulat.
YOU ARE READING
Behind the Spotlight [#SB19_SEJUN]
FanfictionSejun, one of the most successful idols under ShowBT Entertainment, mentors Victoria - the new trainee under the same company. With her under his care, he develops feelings for Victoria. What if the company itself served as the biggest obstacle they...