Chapter 22

99 9 0
                                    

t h o u g h t s

Pagkabukas ay nagbihis na agad ako ng maaga dahil may early training kami ngayon kasama si Teacher Hong. I took my keys and went out of my unit. Dumaan ako ng drive thru to buy some coffee before heading to ShowBT.

Nagmamadali akong maglakad papuntang elevator. Sasarado na sana ito nang biglang harangan ni Stell yung pasukan.

"Get in" he pointed the elevator.

"Thanks Tey" naglakad ako papasok ng elevator.

"Ito yung unang beses na nakikita kitang nagmamadali" napailing iling siya.

"I woke up late" hinihingal kong sambit habang hawak hawak yung dibdib ko.

"Hinga lang ng maayos" he tapped my back.

"Thanks Tey" sambit ko.

Nauna na akong umalis dahil nasa 4th floor pa gawi ni Stell. Nagmadali akong maglakad papuntang Practice Room. Napansin kong wala pa si Teacher kaya nakahinga ako ng maluwang.

"Tori!" kaway ni Bella sakin.

"Bat parang natagalan kang pumunta dito? Ayos ka lang ba?" sambit ni Trina.

"Ayos lang ako, salamat" I smiled and placed my bag beside me.

Nagusap na muna kami ng mga kasama ko. Pakonti ng pakonti na kami habang tumatagal ang panahon. Parang kailan lang labing lima kami dito ngayon ay walo nalang.

Nang dumating si Teacher ay nagsimula na rin kaming mag training. Naging busy nanaman kami ulit dahil may special performance kami nina Bella sa mall tour ng Se Eon.

Parati kaming late nakakauwi at maaga nagsisimula. Kinakailangan namin ayusin yung performance namin dahil live coverage yun sa TV. Araw-araw ay ganun ang ginagawa namin.

Ngayon ay Sunday ngunit naisipan parin namin training dahil ayaw namin mapahiya ang ShowBT. Sejun even called me before I left my unit.

"Babe nood tayo sine?" sambit niya sa kabilang linya.

"Sorry babe, I can't. May practice kami, e" nagmadali akong pumasok sa sasakyan.

"But it's Sunday and it's supposed to be your rest day. You've been training hard for the last two weeks" naramdaman ko yung pag-aalala sa boses niya.

"I'm okay. I'll be okay babe" sagot ko at sinimulan kong buksan ang makina ng sasakyan.

"Just call me when you need anything alright? Send me the details about your whereabouts okay?" I can feel the reassurance in his voice.

"Yes babe. Will text you later okay? I'm driving" sambit ko sa kabilang linya.

"Okay. Stay safe babe. I love you"

"I love you too" sagot ko agad at binaba ang tawag.

Nagtungo na ako sa dance studio na nirentahan ni Noah. Nakita ko agad si Trina pagkadating ko. Before getting out of the car, I texted Sejun the address of the dance studio.

Nang makumpleto kami ay nagsimula na kaming mag practice ng sayaw. Okay na siya hindi tulad ng mga nakaraang araw. Synchronized na talaga kami ngayon at mas smooth ang routine ng sayaw namin.

"Ang galing naman natin" sambit ni Bella at umupo sa sahig.

"Hindi ko din aakalain na ganito na tayo ngayon" sambit naman ni Noah.

"Makakaya din namam natin lahat para sa pangarap natin diba?" tiningnan ko sila isa isa.

"Alam mo, naaalala ko si Ivy sa'yo" sambit ni Bella.

Ivy. Yun yung pangalan na narinig ko sa CR nung nakaraang mga buwan.

"Oo nga! You look just like her" singit naman ni Calvin.

"Sino si Ivy?" I asked out of curiosity.

"Hindi ko rin siya naabutan, e" sagot ni Trina sakin.

"Ay oo nga. Bago lang pala kayo" pagaalala ni Noah.

"Sige Bella. Kwento mo na, ikaw nauna sa aming lahat e" binangga ng mahina ni Calvin si Bella sa braso.

Umayos ng upo si Bella bago simulan ang kwento.

"Ganito kasi yan," panimula niya.

"Nung nagsimula akong maging trainee under ShowBT, nandun na si Ivy. Isa siya sa mga pinakamagaling na trainee. All-around talaga siya as a trainee, the typical idol kumbaga" sambit niya.

"Kung ano yung kinagaling niya, yun naman kinapangit ng ugali niya. She's a goody two-shoes herself. Ibang iba yung ugali niya pero nung nakilala niya si Mr. Nase, nagbago lahat nang yun" she smiled.

Umupo ako ng maayos at naging seryoso sa pakikinig.

"Ready to debut na yung grupo nina Mr. Nase that time pero naudlot dahil umalis yung iba niyang kagrupo. Si Mr. Ajero at Mr. Nase nalang yung natira sa kanilang lima dahil yung tatlo ay tinahak ang gusto nila sa buhay"

"Si Josh, Ken at Justin yung tatlong kagrupo ni Mr. Nase na umalis" sulpot naman ni Calvin at napatango naman si Bella sa kanya.

"Nung mga panahon na yun ay ayaw ng ShowBT masayang ang talent ni Mr. Nase at Mr. Ajero kaya pinagdebut sila as Solo Artists"

"When Mr. Nase debuted, Ivy was always the opening act during his mall tours. Siguro ay doon nagsimula ang pagiging malapit nila sa isa't isa dahil nagsimulang magbago ang ugali ni Ivy at naging mabait ito sa kapwa trainees niya" pinaglalaruan ni Bella yung mga daliri niya.

"Naging mabilis ang pangyayari dahil pinaalis si Ivy sa ShowBT nang malaman na may relasyon sila ni Mr. Nase, dahil nilabag niya ang kontrata. Naalala ko pa dati na nalulungkot si Sir Robin dahil sayang ang talento ni Ivy pero wala, e" nagkibit balikat siya.

"Matapos nun ay nagsimula na maging ganyan ang ugali ni Mr. Nase. Dahil siguro sa paghihiwalay nila ni Ivy, kaya siya nagka ganyan"

"Wala na rin kaming balita tungkol kay Ivy matapos ang araw na iyon" malungkot na sambit niya.

"Pero malay natin, makikita natin siya ulit at makikilala niyo na rin siya" Bella smiled and stood up.

Diretso na ang sayaw namin hanggang sa umabot ng hapon.

Alas kwatro na ng hapon nang napagdesisyunan namin na tapusin ang sayaw. Pagod na pagod na kaming lahat pero dahil sa dedikasyon namin ay natapos na rin namin yung sayaw.

Nang pauwi na ako ay hindi parin maalis alis sa isipan ko si Ivy.

Minahal ba siya ng sobra ni Sejun?

Kung sino man siya, sinayang niya lang si Sejun. She already found a gem but she threw it away.

My thoughts were disturbed when my phone rang and Sejun's name flashed on the screen.

"Hello" pagbati ko.

"Are you done? I'm at your place and I'll be cooking some food" bungad ne'to sakin.

"I'm on my way home. Ingat ka jan" binaba ko na yung tawag at nagmaneho na pauwi.

Hanggang ngayon, di ko parin maalis sa isipan ko si Ivy. She's like a bubblegum stuck in my head.



——————————————————
Like. Comment. Share

Behind the Spotlight [#SB19_SEJUN]Where stories live. Discover now