(14)

13 3 0
                                    

Chapter 14: PARTNERS

Crystal's P.O.V

"Let's go? They're waiting....", I just gave Laisa a nod.

Hindi parin mawaglit sa isip ko ang napag usapan naming kani-kanina lang. Nanatili akong tahimik habang naglalakad kami pabalik sa kanila. Marahang nag uusap pa ang magpinsan pero nang makita nila kami ay atomatikong tinigil nila iyon.

"Anong pupuntahan natin?", ani Laisa ng makalapit kami.

"It's up to you, young lady. Where do you want to go?", kitang kita ang lawak ng ngiti ng pinsan ni T-jay. Kung hindi ako nagkakamali Nick ang binanggit nito kanina.

"Bakit ako ang tinatanong mo, aber? Hindi ba't ikaw ang nagsabi kaninang ililibot mo kami sa iba pang lugar na meron 'tong resort nyo?", mataray na asik naman ni Laisa.

"Haha! Easy, young lady.", natatawang ani Nick.

"Tss! Young lady mo mukha mo! Bilisan mo ng mag-isip at naiinip na ko!", muling inis na tugon ni Laisa.

Infareness, bagay sila. As in bagay na bagay! Yung tipong parang sila na talaga ang inilaan ni God para sa isa't isa. Ang cute nilang tingnan magbangayan. HAHA! Just saying the truth.

"Ano bang lugar ang napuntahan niyo na?", tanong ni Nick.

"Medyo marami na at ayokong isa-isahin pa!", muling asik na naman ni Laisa.

"'Tigilan mo nga ang pagsigaw sakin. Hindi naman ako bingi!"

"Tss! Paki mo?!"

"Tigilan niyo na nga yan.", sumabat na ko baka makagawa ng kung anong eksena 'tong dalawang to.

"Yang kaibigan mo kasi Ms. Mendez eh!", Nick.

"At bakit ako?!", Laisa.

"Eh alangan namang ako diba? Sigaw ka ng sigaw dyan akala mo naman ikinaganda mo na yan....HAHA!", Nick.

"Tse! Laitero akala mo naman pogi!", Laisa.

"Coz' tigil na babae yan oh?", T-jay.

"Babae? Pero mukhang lalaki, huh?", Nick.

"Tse! Eh ikaw? Lalaki pero daig pang babae kung patulan ako?!", Laisa.

"Patulan? Asa ka naming papatulan kita, 'young lady'?!", Nick.

"Alam nyo, bagay kayo eh...."

"Kami? Never!", sabay nilang sigaw.

"Never say never, par..."

"Coz' mas mabuti pang kayo na lang dalawa ang magsama para naman magkasundo kayo...", T-jay.

"What a brilliant idea, T-jay!"

"No!", Nick.

"No way!", Laisa.

"Let's go?", T-jay.

"Hmm."

Mabilis naming nilisan ang dalawa nang akmang tututol pa sila. Pansamantala kong nakalimutan ang mga bagay na nangyari kanina. Huli na ng mapagtanto kong pumayag akong makasama si T-jay. Yung kabang kanina'y pansamantalang nawala ngayo'y heto na nama't bumabalik ng dahan-dahan.

"Where do you want to go?", ani T-jay sa kabila ng katahimikan.

"I don't know.....maybe in L-Leaning Tower of P-Pisa?", kahit anong pigil ko bigo akong hindi mautal sa pagsasalita.

I fell inlove with HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon