Prologue

57.6K 535 18
                                    

The Architects Series:

Lilian Del Valle

Sampung taon na gulang ako noon nang maulila ako ng kaisa-isang taong inaalagaan ako at sinikap na pag-aralin. Kahit na iligal ang ginawang pamamaraan ng aking ina para makaraos lamang sa araw-araw na pangangailangan namin, alam kong para sa ikakabuti ko iyon.

Lumaki ako na nakilala kong nagbebenta pala ng katawan ang aking nanay.

Sa una, hindi talaga ako naniniwala sa mga kwento-kwento ng mga kapitbahay. Pinanindigan ko ang paniniwala kong 'yon dahil alam kong hindi gano'ng klaseng babae si Mama. Noon nga, tinutukso pa ako ng mga kaklase ko dahil kalat na kalat na nga talaga sa buong paaralan namin na gano'ng babae nga si Mama.

Nakumpirma ko nga 'yon nang maalimpungatan ako noong isang gabi at nakitang nag-aayos si Mama. Puno ng kolorete ang kanyang mukha at ang kapal-kapal ng lipstick niya. Sinundan ko siya palabas ng bahay nang makitang isang foreigner ang sumundo sa kanya sa isang magarbong sasakyan. Hinalikan niya pa ito sa labi ang foreigner na 'yon at inamoy naman sa leeg si Mama. Nasaktan ako ng malaman ko 'yon at pilit na tinatanggap ang katotohanan.

Tinanong ko din isang araw kung sino ang Papa ko, ang sagot lamang niya: "Mayaman ang Papa mo, anak. Kaso, hindi niya tayo pwedeng makasama kasi may pamilya siya—may tunay na pamilya siya."

Noong namatay si Mama, hindi ko makakalimutan ang tagpong 'yon sa buhay ko.

May lumapit sa akin noon na lalaki, mayaman at pormal ang dating. Nagulat pa ako nang bigkasin niya ang buong pangalan ko.

"Lilian Eve, ikaw na ba 'yan? Anak, ako ang ama mo..."

Hindi ko inaasahan na si Philip Del Valle pala ang ama ko. Pinangarap ko maging isang Arkitekto at magtrabaho sa kumpanya nila balang araw. Sa murang edad, kilalang-kilala ko ang pamilya niya.

Simula noong araw na 'yon, itinago ako ni Papa mula sa kanyang tunay na pamilya. Nakakalungkot nga lang kasi hindi ko pwedeng makilala ang mga kapatid ko dahil balita ko, tatlo daw sila.

Pinakain ako ni Papa, binihisan at pinagtapos ng pag-aaral. Hinintay ko ang mga panahon na ipapakilala niya ako sa tunay niyang pamilya. Hindi nila ako natanggap dahil hindi sila makapaniwala na anak pala ako ng isang puta na tinikman lamang ni Papa.

Masakit. Alam ko namang kailangan kong masanay dahil simula bata ako ay nakakatanggap na ako ng ganyan pero, iba pala kapag sa mismong mga kadugo mo pala maririnig.

❈❈❈

Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin sa Pregnancy Test na hawak-hawak ko, dalawang linya... kumpirmado, buntis nga ako. This is the result that I had a one-night stand with the man who I didn't even know.

Isang gabing pakiramdam ko ay tatakas muna ako pansamantala sa problema pero, bibigyan naman pala ako ng panibago. 

Tinignan ko ang tatlo pang mga pregnancy test na sinubukan ko kanina pa at tumulo nang paunti-unti ang mga luha ko. Pare-pareho silang positibo.

"Z-Zaira... Zaira!"

Tinawag ko ang kaibigan ko at agad naman niya akong sinamahan dito sa loob ng banyo. "Ano'ng resulta, Lily?"

Unti-unti kong ipinakita ang mga Pregnancy Test. Napasinghap siya at niyakap ako. "Buntis ako, Zai... buntis ako..."

"Keep the child, Lily... palakihin mo siya."

Umiling ako at pinunasan ang luha ko. "Hindi ko alam ang gagawin ko, Zaira. I still don't know what will my future is, if I will be able to keep this child!"

"Think a lot of times, Lily. Hindi basta-basta pwedeng gumawa ng pagsisisihan mo rin sa huli." She cupped my face and looked at me—pleading.

"The people will think I am like my mother! Bababa ang tingin sa akin ng mga tao, Zai! Dahil baka isipin nila na isa rin akong puta!"

"Look at me, Lily. Hindi dahilan 'yon para ipalaglag mo ang bata na nasa sinapupunan mo. Every child is a precious gift from Him. You need to take care of it," she advised.

Paano na lang ang magiging tingin sa akin ng mga tao kung nalaman nila ang tungkol dito? Malamang, makakasama na roon ang tingin nila sa akin na isang pagiging dakilang puta ko at ihahalintulad din nila ako sa aking ina.

Hindi malayong mangyari ang lahat ng 'yon.

I stood up and made my decision. "Buo pa rin ang desisyon ko, Zai. I... I will a-abort this child."

Hinablot ni Zaira ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya. "Lily, just please, don't do this! Think about it over and over again!"

Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at tinignan siya ng mataimtim. "I've made up my mind, Zai..." 

I left her standing there and pushed through with my decision... alam kong hindi na pwedeng talikuran ito.

❈❈❈    

Hurts So... Good

Written By: zx_scealta 

Written By: zx_scealta 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hurts So... Good (The Architects Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon