L I L I A N
Ipinaalam ko na hindi muna ako papasok ngayong araw.
Hiyang-hiya ako sa sarili ko at nahihiya ako para sa sarili ko. Hindi ko pala kaya ang magiging hamon para sa akin dito sa loob ng mundo ng pamilya ng ama ko. Umpisa pa lang 'yung kahapon at siguradong madadagdagan pa ng mas marami ito kung mas lalong magiging matunog ang pangalan ko sa kanila.
Malaking kumpanya ang pagmamay-ari nila kaya hindi malayong mabilis kakalat ang tungkol sa akin. Saktong pag-anunsyo ng aking ama ang tungkol sa akin ay nagsi-datingan na kaagad ang mga interisadong mga reporters na parang langgam sa dami.
Pinili ko na lang na hindi umiyak buong gabi dahil alam kong wala namang magagawa ang paghagulhol ko, dahil alam ko, na wala namang magbabago kung buong araw akong magmukmok sa kwarto. Nonsense lang.
Hanggang kalian ba ito? Hanggang kailan ako makakatanggap ng mga masasakit na salita mula sa mga taong katulad ng mga babae kahapon? Meron din naman akong maihaharap sa kanila kahit bilang isang Arkitekto, ah.
I feel like crying but I can't. Gusto ko na lang sana pagtawanan ang mga bagay-bagay na nasa paligid ko kaso, hindi ko naman kaya.
Halos malaglag pa ako sa higaan ko nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito kaagad at iritableng sinagot iyon, "hello?!"
"Lily, I am worried-sick about you, saan ka na nagpunta kahapon?"
My Dad's sincere voice approached me. "I'm okay Dad. I'm sorry if I walked out yesterday," I apologized and played with my nails.
"No, they should be the one who will say sorry to you, anak. Hindi dapat sila kaagad manghusga sa 'yo," sabi niya pa.
Umiling na lang ako. "Kaya ko pa po, Dad. Pasensya na ho kung pinag-alala ko pa kayo."
"It's okay now, nasagot mo na rin ang tawag ko dahil naka-ilang tawag ako sa 'yo simula kahapon at wala kang sinagot 'ni isa." Totoo 'yon, magdamag kong tinitigan lang ang cellphone ko at pinatay para hindi na siya tumawag muli.
"Pasensya na ho talaga," sabi ko na lang.
"Anyway, we will held a party for you, anak." Napaawang ang bibig ko. "Alam kong biglaan ito. Pero, para sa 'yo din naman ito dahil karapat-dapat ka nilang makilala. Ayokong tabunan ka nila ng kanilang mga maling paratang."
"P-Po?" Hindi makapaniwalang tanong ko."K-Kailangan po ba talaga?"
"You must not refuse, Lily."
Nasapo ko ang noo ko. "Hindi naman po kailangan, eh."
Sa huli, pumayag na lang din ako. Ilang beses pa kasi akong pinilit ni Dad tungkol doon at wala na rin akong nagawa kahit na umayaw pa ako ay sa tingin ko ay hindi na rin ako pwedeng mag-dahilan dahil nasabi na sa akin ay inaayos na ang lahat.
Hindi ko pa nga alam ang isusuot ko.
Agad naman akong tumayo nang may nag-doorbell mula sa baba. Dali-dali akong bumaba at inayos ang sarili ko. Tumakbo pa ako papunta sa pinto at agad na ipinihit ang seradura at mabilis na binuksan 'yon.
"Delivery po!"
"Delivery?" Bulong ko.
Tumango-tango siya. "Pakipirmahan na lang ho at ito na ho ang package n'yo."
Nakakunot ang noo ko nang tanggapin ko iyon at pinirmahan na lang. Wala na akong choice kung hindi ang kunin na lang. "Sige, salamat." Ngiti ko at bumalik na rin siya sa kanyang motor at pinaharurot na 'yon.
Isinarado ko na ang pinto at inilapag sa center table ang isang kulay asul na kahon. "Ano naman kaya ang laman nito?" Tanong ko sa sarili ko.
Inalis ko na rin ang ribbon nito at mabilis na binuksan. May selyo pa ng DVG at paniguradong galing ito kay Dad. Inalis ko na ang puting crepe paper na bumabalot doon at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko.

BINABASA MO ANG
Hurts So... Good (The Architects Series #4)
General Fiction(COMPLETED) [The Architects Series #4: Lilian Del Valle] Lilian Del Valle grew up without the presence of a father. Growing up, she already knew what kind of activities her mother would do in the purpose of her education-being a prostitute. She alr...