Chapter 1

42.9K 560 18
                                    

L I L I A N

Natatandaan ko na naman kung gaano ako nagkasala sa mata ng tao, sa mata ng batas at higit sa lahat sa mata ng Diyos. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko sa mga panahon na 'yon kaya nagawa ko na ang kasalanan na 'yon. Naging mahina ako noon at naging matigas ang ulo kaya't hindi ako nakinig at pinagpatuloy pa rin na gawin ang nakakahiyang bagay na 'yon.

Oo, naibigay ko sa isang estrangherong lalake ang pinapahalagahan ng karamihan ng mga babae. Kahit na hindi ko alam ang pangalan niya ay kabisadong-kabisado ko pa rin ang mukha niya. Naging mapusok ako ng gabi na iyon dahil gusto ko lang ay kahit papaano ay makalaya ako sa mga problema ko—sa letseng buhay na 'to.

Ang gusto ko lang naman ay minsang makalaya, kahit pansamantala lang.

Isa sa mga hindi ko malilimutan ay ang pinaghalong asul at kulay abo niyang mga mata. 'Yon ang mga matang palaging napapaginipan ko tuwing gabi. 'Ni hindi nga ako nakakatulog kaagad nang dahil sa kanya, na parang bang sinasakop niya ang buong pagkatao ko ulit. 'Yung pakiramdam na ginagawa namin ulit ang isang gabing pinagsamahan namin—maiinit na haplos na iginagawad sa bawat isa, malalakas at mararahas na ungol at kung paano naging iisa ang mga katawan namin...

Bakit ba ganito? Ilang taon na ang nakalipas pero ang epekto niya sa akin ay parang noong una ko pa siyang nakita.

❈ ❈ ❈

Tumama kaagad sa mga mata ko ang mga ilaw sa maingay at mausok na lugar na ito. Naghihiyawan ang mga lalake sa mga babaeng nasa entablado at halos lahat sila ay nakahubad na at pinagpiye-piyestahan na. Nasa club ako sa isang tagong lugar sa Makati at hindi mo aakalain na may ganitong lugar pala. Mahal ang entrance fee dito pero gusto kong maranasan ito kahit minsan lang.

Sirang-sira ako ngayon, kailangan ko ng panandaliang saya. Kahit ngayon lang.

Kahit na mismo ang suot ko ay sang-ayon sa kung ano ang tema ng club na ito. Isang manipis na damit na halos lahat ay pwede nang makita sa akin. Intensyon ko talaga ang magsuot ng ganitong damit para dito.

Mabuti na lamang ay agad akong nakahanap ng pwesto, kahit na nasa sulok ako basta medyo malayo sa nagaganap sa harap. Mukha namang nanonood lang ang ibang kasama ko dito na malayo-layo sa akin.

"May I have your order, ma'am?" Isa sa mga lalaking empleyado ang kaagad na tumugon sa akin.

Ngumiti ako. "I'll just take the most expensive wine in this place please."

Agad na tumango ang lalaki. "Coming right up!"

Sumandal ako sa aking upuan at tinignan ang buong lugar. Rinig na rinig ko ang mga hiyawan nilang lahat at nakataas pa ang mga kamay nila habang winawagayway ang libo-libong halaga ng mga pera nila.

I grinned while looking at them. Halos lahat sila ay matatanda na. For what—to find the perfect mistress for them? Stupid.

"The waiter said this one's your order," some strange voice caught my attention.

Tinignan ko ang hawak-hawak niya. "Yes it is, why?" Takang tanong ko.

"I paid it for you."

Blangko ko siyang tinignan. "I have money. Hindi mo na kailangang gawin 'yon," mataray kong sinabi at inagaw mula sa kanya ang baso.

I even showed him my Mouawad's 1001 Nights Diamond Purse pati na rin ang mga pera na nandoon.

"Hindi mo naman kailangang ipakita sa akin 'yan."

Inirapan ko siya at kinuha rin ang bote ng wine mula sa kanya. Nagsimula na akong maglagay ng wine sa baso ko. Pero hindi pa rin siya umaalis. Ano'ng gusto niya?

Hurts So... Good (The Architects Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon