Chapter 2

34.2K 497 14
                                    

L I L I A N

Ano nga ba ang meron sa mga mata niya? Sa lahat ata ng parte ng katawan niya ay ito ang pinaka nag-marka sa akin. Palagi na lamang itong parang nakatingin sa akin at pakiramdam ko ay sinusundan ako nito kahit saan at magpunta. Hindi ko rin alam kung gaano katagal na iniisip ko ang tungkol doon at hindi ko alam kung bakit.


His blue-gray eyes...

This question always strikes me—when will I see him again?

I bit the tip of my ballpen and crossed my legs. "Lily?"

I stood up quickly. "D-Dad..." Iniyuko ko ang ulo ko, hindi pa kasi ako masyadong sanay na tawagin siya ng ganyan.

Narinig ko ang marahan niyang pagtawa. "Nice to hear that from you." I lifted my head and see him smiling at me.

"Are you currently adjusting on your new environment?" Tumango ako. Hindi ko naman maitatanggi iyon. "Sabihin mo lang sa akin kung may ginagawa si Lauren sa 'yo. You know, I can warn her. She's adjusting too because of you."

Umiling ako ng mabilis. "Hindi naman kailangan Dad, s-sanay na ako."

He looked at me, worried. "Pagpasensiyahan mo muna. Sanay kasi na only girl sa pamilya 'yan."

"A-Ate ko naman ho siya," sambit ko.

He tapped my shoulder. "The blood of Del Valle runs in you, so don't feel out of place, I am always here." He sighed. "Handa akong bumawi sa 'yo, anak."

I smiled slightly. "Nakikita ko naman po 'yon."

"I mean it, anak." His face was soft. "I must give an equal trait for the four of you now..."

"Hindi na po kailangan. Sila na lang po, ayos lang naman po sa akin, eh," sabi ko kaagad. Ayaw ko namang makihalo pa sa kanilang tatlo.

Ayoko nang dumihan pa ang pangalan nila. Ayoko nang maging dahilan kung bakit iinit pa ang ulo nila. Ayokong maging sanhi ng hindi nila pagkakaintindihan dahil nandito ako, panira lamang sa kanila.

"But you deserve to be—"

I gently stopped him. "Tanggap ko po, D-dad. Hindi na ako dapat makisipsip pa sa kanilang tatlo."

He smiled bitterly. "I hope your mindset will change."

Ngumiti lang ako bilang tugon. Umalis na rin siya sa opisina ko at ako naman ay patuloy na sinasabi sa sarili ko na: sana hindi na lang ako ipinanganak sa mundong ito.

Huminga na lang ako ng malalim at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Sa tuwing nakikita ko ang mga kapatid ko ay hindi ko maiwasang mainggit sa kanila. Kumpleto kasi ang pamilya nila at ako ay tanging sabit lang talaga sa pamilya ng mga Del Valle.

Kahit nga sa loob ng DVG ay sinasabihan akong gold digger o 'di kaya'y baka hindi daw talaga ako anak ng boss nila.

Bumukas muli ang pinto at iniluwa do'n si Naomi sekretarya ko, na gano'n din ang trato sa akin. "First major meeting for today will start in fifteen minutes. Major clients, investors, stockholders and engineers will be there."

"Meeting place?" Kahit paano ay sinabayan ko siya ng katarayan paminsan-minsan. Dahil dati naman ay ganito ako.

"At the VIP Conference Room, on the fifteenth floor, Ms. Lily," she completed.

"Okay. Thanks, Naomi." Kahit simpleng ngiti lang 'yan ay alam ko namang peke ito.

Bago ako pumunta sa conference room ay nagtimpla muna ako ng maiinom. Hindi ko na lang inutusan si Naomi ay baka magtaray pa. Imbes na pansinin ko ang pagiging mataray niya ay tinatawanan ko na lang.

Hurts So... Good (The Architects Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon