Chapter 4

29.5K 470 20
                                    

L I L I A N 

I felt like I've been haunted by my past again that was being put to grave almost eight years ago. At kung sakaling siya nga 'yon ay hindi ako magdadalawang-isip na takas an ulit siya dahil pakiramdam ko sa tuwing titingin ako nang diretso sa mga mata niya ay naaaninag ko ang madilim na aura at sa tingin ko, hindi ko kakayanin ang mga gano'ng tinginan.

It felt like strong and indeed a powerful stare when he stares at me. Funny, that I just realized it this night.

Hindi ko na pinatapos ang sayaw at kanta dahil sa sobrang gulat ko. Hindi ko na rin makita si Zaira para sana humingi ng sandalan, kaso hindi ko na siya makita kanina sa buong venue. Kaya tumakbo na lang ako sa likod at nahanap ko naman ang napakalaking green house ng mga Del Valle.

Tinanggal ko na ang heels ko at mabilis na tumakbo doon. Malamig na hangin kaagad ang tumama sa balat ko na agad ko namang ininda para lang makapunta doon. Wala na akong pake kung hanapin pa ako muli ni Dad, ang importante, gusto ko nang tumakas pagsamantala.

Dito ako magaling, ang tumakas.

Hingal na hingal pa akong binuksan 'yon at awtomatikong nagbukas ang mga makikinang na mga ilaw. Kuminang na rin ang mga mata ko sa ganda ng tanawin na sumalubong sa akin. Kusa na akong gumalaw para tignan isa-isa ang lahat ng mga malulusog at magagandang mga halaman na nakapaligid doon. Sa gitna naman ay may makikita kang mini-waterfalls na may mga isa pa na tumatalon-talon... Napangiti ako, ang ganda!

Naglakad pa ako at nasa bahagi na ako kung saan may hagdan paakyat. Inilapag ko muna ang sapatos ko at mabilis na umakyat. Unti-unti ko namang inaaninag ang mala-paraiso na tanawin na kahit gabi na ay parang kakasinag lamang ng araw dahil sa kumikinang na ilaw sa buong siyudad.

Lumanghap ako ng sariwang hangin at matamis na amoy ang sumalubong sa akin.

"Hindi ako nakaranas ng ganito..." bulong ko at umupo sa sahig at wala akong pake kung madumihan 'man ito o hindi.

Iba rin pala kung may pera at may ari-arian ka. 'Yung sa isang pitik at sabi mo lamang ay nandyan na kaagad para sa pagsamantalang kaligayahan. Pero mas maganda naman kung ang pamilya mo ang nandyan para sa 'yo dahil doon mo naman talaga mararanasan ang tunay na kaligayahan.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at dinama ang preskong hangin. Gabi na kaya ang lamig ng simoy ng hangin ang humahampas sa balat ko.

"At last, I found you!" Napadilat ako at agad na tumayo.

"B-Bakit ka naman napadpad dito?!" He was still wearing his mask and his piercing blue-gray eyes hits me big time again!

"Mr. Del Valle is looking for you; I guess, you should go back—"

"Oh, fuck them all!" singhal ko bigla. "Hindi nila alam ang pinagdadaanan ko bilang isang anak sa labas ni Dad! Puta, hindi ba sila nagsasawa sa mga putanginang mga sinasabi nila tungkol sa akin? Gusto ko sanang silang sabunutan ng todo! Kaso, masyado akong mabait para gawin 'yon!" Siguro nga, hindi ko na napigilan ang sarili ko para masabi 'yon sa harapan ng lalaking ito ngayon na napagkamalan ko pang kinuha ang virginity ko!

After all I said—that's what I get from him—a chuckle? Just a fucking chukle? "A lot of curses, sweetheart." Oh god, there is the sexy voice of his again! Alam ko, narinig ko na talaga 'yan dati pa.

"What's funny?" naiiritang tanong ko.

"You've been rejected by many people since Mr. Del Valle officially announced you in public." Lumapit siya sa akin at naglakad patungo sa railings ng rooftop ng green house. "Of course, it will hurt."

Hurts So... Good (The Architects Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon