-Prologue-
"Zion!" Tawag ko sa kaibigan ko na naliligaw sa canteen.
Nakita naman ako nito kaya nilapitan niya ako dala ang tray na may dalawang burger, fries at float.
"Grabe no? Anlaki pala talaga nitong Wong University, halos hindi na tayo mag kitang dalawa." Manghang sabi nito with action pa.
"Ganun talaga ang buhay." Kinuha ko ung tray na hawak niya at ibinababa sa mesa. Kinuha ko na rin ung isang burger, fries tas float.
"Thank you sa libre mahal kong Zion!" Nginitian ko ng wagas si Zion na kumakagat na sa burger niya.
Kababata ko si Zion kaso nahiwalay ito sa akin kasi lumipat sila ng bahay. Parehas lang kami ng estado sa buhay pero mas nakakalamang siya dahil may business sila.
"Walang anuman."
Harper Larson, 18 at grade 12 sa Wong University Bago lang kami rito ni Zion kasi hindi naman talaga namin kaya mag aral dito, kaso dahil nag tatrabaho ang Papa ko sa isang Chinese Company na may share rin sa paaralan na 'to ay nakapasok kami ni Zion.
Hirap na hirap kami dati sa buhay at halos mabaon sa utang pero simula nung natanggap si Papa ay mas guminhawa ang buhay lalo na kay Mama na may sakit. Hindi na kailangan mag trabaho ni Mama dahil malaki ang sahod ni Papa.
Pag dating namin dito sa Wong University, halos lahat ay hinahatid ng sasakyan. Kami lang ata nag commute pero ano ba ieexpect ko? Mayayaman naman mga nag aaral dito.
Sa period ay hindi kami halos makahinga ni Zion dahil kailangan namin mag english at mag pakilala.
"Grabe ansarap ng pagkain dito kahit medyo pricey, sa sobrang sarap nakalimutan ko ung mga pangyayare kanina na ngayon naaalala ko nanaman." Tinakpan ni Zion ang mukha niya na namumula.
"Bakit mo pinaalala?!" Napatakip nalang din ako ng mukha kasi naalala ko rin!
"Ako p-" Naputol ang pagpapakilala ni Zion sa harap nang nag salita ang adviser.
"Please speak in english, they aren't good with Tagalog."
Tumango naman si Zion at ngumiti.
"Well then, Hello I'm Zion Narra, 19 and virgin since birth." Ngumiti pa ito ng wagas hanggang sa may isang lalaking tumawa sa pinakalikod.
"We don't want that information, miss."
"Tangina, Harper tulong gago!" Bulong nito sa akin na nag hyhysterical na.
Sino ba kasi nag sabi na mag lagay ka ng extra information!
"Mahal kita Zion, pero minsan kailangan mong harapin ang ibang bagay na mag isa." Agad akong lumayo ng kaunti kay Zion.
Sorry agad nang sagad. Ayaw ko madamay.
Huminga ito ng malalim at ngumiti ng pang contest. "For your information sir, that info of mine is important because... You like me!" Tinuro pa nito ang lalaki at nilakihan ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Captivating Eyes (Serendipity 1)
RomanceMata ang ginagamit para makita ang ating kapaligiran, pero iba 'yung kwento kay Harper. Mata ang nagsisilbi niyang sandata para tignan pabalik ang mga mata ng lalaking uhaw sa babae. Walang sasantuhin sa pakikipagtitigan na kahit 'ata manikin ay pap...