Chapter 3

5 0 0
                                    

-3-

Sinabi sa akin ni Zion na 6:00pm daw magsisimula yung party.

It's only 10:00 in the morning nung nagising ako. Lumabas na ako sa kwarto para mag luto ng lunch.

Si Mama kasi talaga ang nagluluto kapag almusal, nagpepresinta lang ako na mag luto minsan para mabawasan kahit papaano ang gawain niya.

Wala na si Papa at umaalis 'yun ng 6:00am. 

May pinggan sa mesa na may isang itlog. Kinuha ko 'yun at nilagyan ng kanin para 'di ako gutom na magluluto.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ito at dumeretso sa ref para tignan kung anong pwedeng iluto.

Nang makita ko yung baboy ay nilagay ko muna sa lababo at nilagyan ng tubig.

Kinuha ko yung walis sa likod ng pinto at winalisan na yung lapag.

Ansipag ko gagi.

12:10pm tapos na akong magluto kaya dumiretso ako sa kwarto nila Mama para yayain na siya. Hindi ako kumatok at diretsong binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin si Mama na nagkukumahog na itabi ang papel na hawak niya sa aparador at hinarap akong nakangiti.

"Ma, kain na." Yaya ko sakanya pero nakamasid parin sa aparador.

"Tara na." Lumapit ito sa akin at nilagpasan ako para makababa.

Tinignan ko si Mama na papunta sa hapag bago binalingan ang aparador na pinagtaguan niya ng papel.

Nilingon ko uli 'yung dinaanan ni Mama bago lumapit sa aparador.

Alam kong mali 'tong ginagawa ko pero parang hindi talaga ako mapapakali kung hindi ko malalaman yun.

Malihim si Mama lalo na kung tungkol ito sa nararamdaman niya. Hindi niya sasabihin kung may masakit sakanya dahil takot siya sa mga bayarin.

Agad kong hinalungkat ang aparador at nang may makita akong papel ay kinuha ko ito.

It's a short bond paper at may logo ng hospital sa itaas. Nakalagay din ang pangalan ni Mama.

Halos hindi ko maintindihan ang mga nakasulat doon pero tumatatak sa akin na hindi bumubuti ang pakiramdam ni Mama.

May nabasa pa akong heart transplant na hindi talaga ma-absorb ng utak ko.

Gaano na ba kalala si Mama? Kailangan niya ba mag pa-heart transplant?

Hindi ko alam kung gaano kalaki ang ipon ni Papa pero hula ko ay hindi ito sasapat sa mga gamot na kakailanganin ni Mama.

"Anak!" Sigaw ni Mama na papalapit sa kinaroroonan ko.

I quickly put the paper back to where it was at nagmamadaling pinuntahan si Mama.

"Ma." Hingal kong salubong sa kanya.

Nagtatakang tumingin muna sa akin si Mama bago mag salita.

"Bakit ba antaggal mo?" 

"W-wala po Ma, tara na po at kumain." Dumeretso na ako sa hapag para kumain habang si Mama ay nakasunod.

"Ansarap talagang mag luto ng anak ko!" Magiliw na saad niya habang hinahati yung baboy.

Hindi ako makangiti nang maayos kay Mama, bumabagabag parin sa akin yung nabasa ko.

"Ma, ok lang po ba kayo? May masakit po ba sainyo?" A dumb part of me asked.

Nagulat siya sa tanong ko at nagtataka akong tinignan.

Captivating Eyes (Serendipity 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon