Chapter 1

5 0 0
                                    

-1-

Hindi pa kami nakakalayo nang habulin uli kami ni Khalil. Nag suggest si Khalil na ihatid kami, pero tinanggihan namin ito.

Pinilit pa kami ni Khalil na ihatid, pero syempre kahit gusto namin ay tumanggi kami kasi sobrang nakakahiya naman na kakameet lang namin tas papahatid agad kami.

"Sayang talaga alok ni Khalil, edi sana hindi na tayo nag lalakad diba." Inangat pa nito ang bag niya.

"Hala 'to si Zion! Nakakahiya kaya." Inirapan ko ito.

"Alam ko Harper, kaya nga tumanggi rin ako. Nanghihinayang lang talaga ako. Siguro pag niyaya niya tayo next week hindi na ako tatanggi, sapat na naman ata yung pitong araw na pinagsamahan namin para hindi tumanggi." 

"Ewan ko sayo. Pero, nung sinabi niya na nakuha mo ang atensyon niya... Tingin ko natripan ka nun."

Binalingan ako nito ng tingin. "How?"

Agad ko 'tong binatukan.

"May pa how how ka pang nalalaman, asan na yung pag mamahal mo sa bansang Pilipinas?!"

"Triny lang eh. Tsaka anong connect ng 'how' ko sa bansang Pilipinas diba." Ngumuso ito at hinaplos yung parte na binatukan ko.

Oo nga naman, walang konek.

"So ayun nga, nung dumating si Karma sinabi nun na hindi lumalapit sa mga babae si Khalil pero lumapit siya sayo tapos sa classroom sinabi niya na nakuha mo yung atensyon niya."

"Ganun talaga pag maganda. Tsaka diba kung tipo talaga ako edi mas bet kasi makakapag asawa ako ng mayaman which is pangarap ko, gwapo rin naman diba? Hindi na lugi." 

Kung iisipin mo nga naman. Swerte talaga kung bet siya ni Khalil kaso natatakot ako para sa kaibigan ko. Oo maganda siya pero kasi marami pang mas maganda at mayaman na babae kagaya ng mga kaklase naming mga babae dahil sobrang gaganda ng mga yun.

Bet ko ring mag asawa ng mayaman pero impossibleng mangyari iyun at tsaka ampanget naman na 'yung lalaki lang ang mayaman.

Nasaan kaya 'yung huling sinabi ni Zion na 'tangkilikin ang atin'?

"Mag ingat ka lang sa mga desisyon mo, I already saw how many times your heart got broken."

"Wag ka ngang ganyan! Nag mumukha kang matalino 'di mo ko pwedeng pag iwanan!"

"Ewan ko sa'yo! Ansakit mo sa braincells!"

"Meron ka ba nun Harper?"

"Tig-!" Naputol ang pagsasalita ko ng mag ring ang cellphone ni Zion.

"Yes po?" Tumanggo tanggo si Zion at ngumiti ng pang panalo.

"Wednesday? Sure ka ba? Walang bawian, ah!"

Sino kaya kausap nito?

"Hala weh? Yes walang pasok! AHAHAHAHA!" Nangigigil pa itong humalakhak.

"Sige sige, babye!" Kumaway pa ito kahit wala naman sa harap ang kausap.

"Sino yun?"

"Si Khalil." Kalmadong sambit nito.

Napahinto ako sa pag lalakad dahil sa pagiging kalmado niya. Lumingon ito sa akin na nagtataka at iginilid ang ulo.

Paano ka naging kalmado? Kailan pa sila nag palitan ng number?

Sobrang bilis naman!

"Bakit ka nahinto?" 

"Sobrang bilis niyong dalawa! Baka bukas mag jowa na kayo tas sa susunod na araw kasal na kayo tas kinabukasan may anak na kayo! Kakameet niyo palang dalawa tas may bigayan agad ng number?! Marunong ka bang mag text? Mag load?!"

Captivating Eyes (Serendipity 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon