Chapter 7

1 0 1
                                    

-7-

Nag paalam na ako kay Zion na maaga akong uuwi at sinabihan ko rin si Frank na 'di ako makakapag duty. Nag mamadali akong sumakay ng tricycle at pina-special ito para makaalis na. Ito na rin ata ang pinakamatagal na byahe na naranasan ko.

Pagkarating sa hospital ay dali akong tumakbo sa palapag ng kwarto ni Mama. Muntik pang matumba yung matandang lulugo-lugo nang mabungo ko ito. Buti nalang at may mga nakabantay na nurse para maiwasan ang pag tumba nito.

Pag kapasok sa loob ng kwarto ni Mama ay binagsak ko na ang bag ko sa kung saan at nilapitan siya. Naka-yakap si Papa rito at umiiyak. 'Yung kamay naman ni Mama ay hinahagod ang likod nito.

"M-Mama." Halos bulong nalang na sabi ko.

Humiwalay si Papa kay Mama para mabigyan ako ng space. Nakita ko si Mama na nakadilat at medyo maluha-luha. Tinakbo ko ang distansya naming dalawa at niyakap ito.

It's been months. Nung araw na pumayag ako sa offer ay sinimulan na agad ang opera kay Mama. 

Binigyan ako ni Madam ng 3 months para maging malaya at maging handa. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong pag handaan pero, sinabi ni madam na  ayaw niya akong biglain sa magiging bagong buhay ko.

Ti-tira raw ako sa 'mapapangasawa' ko at bumisita nalang daw ako kanila Mama. Wag ko na rin daw dalin ang mga damit ko dahil bibilan daw ako ng bago. Tumanggi ako kaso hindi pumayag si Madam.

Bukas na ako aalis. Hindi naman ako masyadong problemado kasi mabibisita ko parin sila Mama at ang pinaka magandang ambag nito sa akin ay naoperahan si Mama. Nakausap ko na rin si Papa, siya na raw bahalang mag paliwanag kay Mama. 

Mag s-stay pa kasi si Mama ng ilang buwan sa hospital may nilagay ding private nurse si Madam kay Mama para mabantayan ito ng maigi.

INAYOS ko na ang ilang t-shirt ko kahit sinabi ni Madam na wag mag dala ng damit. Nakatayo si Papa sa pintuan habang namumugto ang mga mata. Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit.

"Pasensya na anak ko. Kinailangan mo pa itong gawin kasi 'di kaya ng Papa na ibiga-" 

"Pa, naman. Ginusto ko 'to, tsaka wala naman sigurong magiging problema." Lumayo ako ng bahagya.

"Pero, kasi dapat 'yung mahal mo ang papakasalan mo. Hindi yung kung sino lang." 

Kung iisipin mo, tama si Papa. Mas masarap siguro kung sa mahal mo ikaw ikakasal. 

"Iba naman po kasi 'yung kwento sa akin. Ginawa ko 'to kasi mahal ko kayo." 

"Basta pag nahihirapan ka sabihan mo ako, ah." Tumango ako at lumabas na.

Sa labas ng bahay namin ay may nakaparadang black van. May lumabas na lalaking naka suit at binuksan ang pinto ng van. 

Hinarap ko uli si Papa at nginitan bago tuluyang pumasok.

Mabilis ang naging byahe. Halos hindi ko na namalayan na naririto na kami kung hindi tumigil ang sasakyan sa isang malaking gate at hinintay itong mag bukas. Umusad na ang sasakyan at ang nakikita ko lang sa gilid ay puno at lamp post.

Huminto ito sa tapat ng isang engrandeng bahay, no, scratch that. Engrandeng mansyon.

Halos malula na ako sa sobrang laki ng bahay. May mga bato ito sa sa paligid at mga puno.

Lumabas na ako sa sasakyan habang bitbit ang bag ko. May lumapit sa akin na nakauniform na pang maid at ginaya ako sa loob. Kung maganda ang labas hindi ko na alam kung paano i-dedescribe itong loob! Parang bawat gamit dito ay nag kakahalagang milyon.

"Iha, hello!" Bati ni Madam galing hagdan.

"Hello po, Madam."

She snorted. "Oh, come on! Call me Mommy." Hinila niya ang kamay ko pero tumigil din.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Captivating Eyes (Serendipity 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon