-6-
Pagod akong sumalampak sa sofa. Ihinilig ko ang aking ulo sa sandalan at pumikit ng mariin. Hilong hilo na ako sa pinag gagagawa ko, pero wala pa ito sa sakripisyong ginawa nila para sa akin. Dapat ko pang pag butihan.
2 weeks na ang nakalipas simula nang masugod si Mama sa hospital. 2 weeks na rin akong nag tatrabaho sa isang fast food restaurant. At 2 weeks na ring hindi nakakapagpahinga ng maayos si Papa.
Tuwing umuuwi si Papa ay unting pahinga lamang ang nagagawa nito. Mga 3 oras na tulog bago umalis uli.
"Alam mo ba, 'yung fast food na malapit sa atin ay mag sasara na bukas."
Gulat akong napalingon kay Frank.
Si Frank pala 'yung mabait na cashier na napagtanungan ko nung nag hahanap ako ng trabaho. Sobrang bait niya at maunawain.
"Huh? Ano raw nangyari?"
Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi sa nangyari. Sa malapit kasing fast food ako napahiya at hindi ko alam kung makakalimutan ko ang panyayaring iyun.
"Hindi ko alam, basta kasalanan daw nung manager."
Tinanguan ko nalang siya at bumalik na sa counter.
This past few days, sobrang naging komplikado na ang mga subject namin. Hindi ko alam lagi kung anong uunahin ko, lagi akong nagagahol sa oras dahil sa sobrang hirap i-manage.
"Ano pong i-"
Naputol ang pag bati ko nang makita kung sino ang nasa harapan ko.
Si Karma!
Naka uniform ito at magulo ang buhok. Bakit kaya magulo lagi ang buhok nito? Wala ba silang suklay?
"Hi!" Ngumisi ito sa akin.
"Hello, ano order mo?"
"Dalawang order ng Chicken, then dalawang order ng pizza, tas 2 drinks, kahit ano. Samahan mo na rin ng fries na large tas pahatid doon sa table na yun." Itinuro niya ang table kug saan nakaupo si Reese at Alice!
Tag dalawang order pero tatlo sila? Hindi ba silang dalawa ni Alice, bakit parang sineset up 'to ni Karma?
Ngumiti ito at mahinang tumawa. "Kailangan lang ng unting tulong ni Reese. May daan pa ba rito palabas?" Nilinga niya ang likod ko.
"Meron naman."
"Good."
Binayaran niya na ako tsaka nag pa-guide papunta sa isa pang daanan.
"Pag tinanong ka sabihin mo nalang na hindi mo alam."
Nag paalam na ito sa akin at ako naman ay bumalik sa counter para ayusin ang inorder nila. Pag tapos ay dinala ko ito sa table nila Reese.
"Where is he?" Tanong ni Alice.
"Malay ko." Patay malisyang sabi ni Reese.
Nilapag ko na ang pagkain at bahagya pa silang nagulat sa akin.
"San galing ito?" Tanong ng babae sa akin.
"Hindi ko po alam."
Tanga!
"Panong hindi mo alam, hinatid mo nga samin?" Usisa ni Alice.
Napatingin ako kay Reese na naka tingin din pala sa akin na para bang sinisiyasat. Dahan dahang umawang ang labi nito ng may mapagtanto.
"Alice, bago kasi tayo pumunta rito inorder ko na yan." Paliwanag ni Reese.
Nag talo pa sila kasi hindi naniniwala si Alice. Iniwan ko nalang sila at bumalik sa counter.
BINABASA MO ANG
Captivating Eyes (Serendipity 1)
RomanceMata ang ginagamit para makita ang ating kapaligiran, pero iba 'yung kwento kay Harper. Mata ang nagsisilbi niyang sandata para tignan pabalik ang mga mata ng lalaking uhaw sa babae. Walang sasantuhin sa pakikipagtitigan na kahit 'ata manikin ay pap...