Chapter 4

4 0 0
                                    

-4-

May babaeng lumapit sa kanya at may sinabing kung ano, sinulyapan niya lang ito at muling binaling ang tingin sa akin. Nakita ko ang pagsimangot ng babae bago umalis.

Bakit ba 'to nakatingin sa akin? Feeling ko tuloy ang ganda ko.

Ibinaling ko ang mata ko sa lamesa kinuha ko yung baso na may lamang juice at ininuman ng unti. Napatingin ako muli sa dako niya at nakatingin talaga siya! 

Pasimple kong inipit sa kanang tenga ko ang buhok at lumingon sa likuran ko. Puro naman majujunda yung nasa likuran ko. Sa side niya kasi 'yung kaedaran lang o medyo matanda ng unti sa akin.

I can't really handle his intense gaze kaya iniharang ko ang palad sa noo at yumuko para mabawasan yung epekto ng titig niya.

Nabawasan naman, mga 3 percent nga lang. 

Hindi ko alam kung swerte ba ako kasi may nakatingin na gwapo sa akin o malas kasi ako ang trip niya.

O baka naman bulag siya? Kasi sa direksyon ko lang siya naka tingin.

Oo, baka nga bulag siya!

Inalis ko yung palad na nakaharang sa aking noo at tinignan siya. Confirmed! Bulag nga, sa akin parin siya nakatingin.

Nakakaawa naman 'to, sobrang sayang kasi ang gwapo kaso bulag.

Tsk tsk.

Naaawa ko siyang tinignan at may lumapit na naman na babae sakanya. Gwapo nga kasi. Kagaya ng una ay hindi niya ito pinansin, pero this time, mas matibay ito kesa sa nauna at mukhang porsigido sa sadya niya.

Siguro hindi rin alam ng babae na bulag yung gwapong lalaki.

Pailing-iling ako na bumaling kanila Zion. Siguro ang hirap ng pinagdaanan niya. I just can't imagine how hard it is to not be able to see the world.

Humiwalay si Khalil at nag paalam sa amin na pupunta lang sa table ng magulang.

"Hoi, nililigawan ka ba ni Khalil?" Usisa ko sa kanya.

"Uhmm... Pano ba 'to?"

Wow, artista ka gurl?

"Medyo, actually, hindi ko alam, pero tingin ko ay oo base on his action?" 

"Kala ko ba 'tangkilikin ang atin'? Itsik 'yan si Khalil, oh."

"Half Filipino naman, atin parin yan." Tumawa ang loka.

Sinerve na sa amin ang appetizer at sobrang sarap niya! Grabe compliment namin ni Zion sa appetizer, unti nalang ay sambahin namin ito.

Natigil ako sa pag nguya nang maramdaman kong may nakatitig sa akin, hinanap ng mga mata ko ang pinanggalingan at nahinto ito sa gwapong bulag. 

Tahimik itong sumisimsim ng wine habang nakatingin sa akin.

Uminom ako bago siya binalingan ng tingin. Bulag naman siya diba?

Tumingin muna ako sa paligid bago ituloy ang plano. 

Clear!

Nag pacute ako sa kanya. Kinindatan ko siya then I bit my lips, hindi tumagal ang pagkakakagat ko sa labi ko dahil natatawa ako sa ginagawa ko. Umiiling akong ngumiti.

Parang tanga lang.

Kumunot ang noo nito at ipinaling ang ulo sa kanan. Kinagat niya ang labi niya habang nag pipigil ng ngiti.

Teka, ngumiti siya? Paano kung hindi pala talaga siya bulag?

Tinakasan ako ng dugo sa mukha at tulalang nakatingin sa kanya. Paano kung mali ang hinala ko?

Captivating Eyes (Serendipity 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon