-5-
Tahimik ang kwarto ni Mama, tanging makina nalang ang tunog na maririnig. Nasa tabi ako ngayon ni Mama habang si Papa ay nasa labas na kinakausap ng Doctor.
Naabutan daw kasi ng magulang ni Zion si Mama na nakahandusay sa sahig
Nag madali kami agad ni Zion na makapunta rito nang malaman ang balita. Sa pamamagitan ni Khalil, ay mabilis kaming nakarating. Naabutan pa namin si Papa na umiiyak at hindi mapakali, nangangatal pa ang labi nito.
Tinignan ko si Mama, maraming nakakabit sa kanya at sobrang sakit sa puso tignan ang kalagayan niya. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Pumasok si Papa at mukha 'tong problemado.
Sino ba namang hindi magiging problemado pag nakita mo 'yung mahal mo sa buhay na nakahiga at walang malay.
"Ano raw po sabi?" Lapit ko kay Papa.
Nilagpasan ako nito at dumiretso kay Mama. Hinawakan niya ang kamay ni Mama na may nakakabit na kung ano at hinalikan ang likod ng palad. Nilapitan ko si Papa at tinignan silang dalawa.
Saksi ako kung gaano kamahal ni Papa si Mama. Nung bata ako, may maramdaman lang na unti si Mama ay gusto na niya itong isugod sa hospital. Pero hindi nangyayari 'yun dahil ayaw ni Mama na mapagastos pa si Papa.
Umupo siya sa upuang malapit kay Mama. Yumuko ito habang hawak ang kamay ni Mama. Tatanungin ko na sana siya ulit ng makita kong umalog ang balikat niya.
Gulat akong napatingin sa kanya nang humagulgol ito. Nakita ko na siyang umiyak pero 'yung hagulgol na ganito, hindi.
Nilapitan ko siya at hinaplos ang likod. Ilang sandali pa bago siya kumalma at tumingin sa akin.
"Anak, pasensya ka na. Nahihirapan kayo ng Mama mo kasi kulang ako sa pagsusumikap."
Umiling ako at inalo siya. Pag may times na hindi na talaga kinakaya ng katawan dati ni Mama at nasusugod ito sa hospital, laging wala si Papa at nagbabanat ng buto.
"Anak, Kakailanganin daw mag pa heart transplant ng Mama mo. Kung hindi siya mapapaoperahan mas lalala ang sitwasyon niya at ang malala, baka tuluyan siyang mawala sa atin."
My tears fell. Naalala ko 'yung nabasa ko sa papel. Ayun pala 'yun, kailangan niya talaga mag pa heart transplant.
Sobrang bigat sa dibdib na nakikita silang nahihirapan.
"Milyon anak, milyon." Halos piyok na pagkasabi niya.
Milyon. Kahit ata mag trabaho ng todo si Papa ay hindi paring iyun sasapat. Kung tutulung man ako sa pagtatrabaho ay hindi parin talaga sasapat yun. Hindi pa ako graduate at pang part time lang ako.
"Pa, hindi muna po ako mag aaral. Susubukan ko po maghanap ng mapagtatrabahuhan para makat-" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Hindi, hindi ka titigil." May pinalidad ang kanyang tono.
"Tingin mo ba matutuwa ang Mama mo kapag nalaman niya yan?"
Napayuko ako sa sinabi niya. Gusto ni Mama na makatapos ako at sobrang magiging masaya raw siya run.
"Edi, hindi nalang po muna ako papasok bukas. Ta-try ko pong maghanap ng trabaho." Ulit ko.
Isa lang ang naiisip kong paraan para kahit papaano ay makatulong naman ako. Iyun ay ang magtrabaho para may pang dagdag sa gastusin. Maliit man ang maging sahod ko at least may pang bili kami kahit pagkain man lang.
"Mag aral ka nalang ng-" Pinutol ko ang sasabihin ni Papa.
"Hindi po, kaya ko po mag working student. Hindi ko papabayaan ang pag aaral at mag tatrabaho ako."
BINABASA MO ANG
Captivating Eyes (Serendipity 1)
RomanceMata ang ginagamit para makita ang ating kapaligiran, pero iba 'yung kwento kay Harper. Mata ang nagsisilbi niyang sandata para tignan pabalik ang mga mata ng lalaking uhaw sa babae. Walang sasantuhin sa pakikipagtitigan na kahit 'ata manikin ay pap...