Prologue

8 0 0
                                    

"Im so sorry, Aizen." Di ko na napigilan ang mga luhang nagbabadyang lumabas sa mga mata ko.

"B-bakit? M-mahal mo ba siya kesa sa akin? Mas emportante ba siya k-kesa sa akin?" Nauutal kong tanong. Umiling naman ito saka nagasalita.

"How many times do I have to remind you? Kailangan kong panindigan si Irish." Napapikit ako sa sinabi niya at pinilit ang sarili sa magsalita muli.

"O-okay... I-I understand... I-I'm sorry... P-pero I just wanna make it clear?" Humugot muna ako ng malalim na hininga saka uli nagsalita. "Minanahal mo ba ako?" Ito ang nagiisang tanong ko simula noong maghiwalay kami. Wala akong lakas na loob upang tanongin siya. Napabuntong hininga muna ito bago nagsalita.

"Of course..." Kumalma naman ang sestema ko dahil sa sinabi niya. "But I'm so sorry for leaving you. Kailangan ko siyang panindigan at kapag hindi, tiyak na masisira ang pangalan ng pamilaya namin. I'm so sorry, Aizen and... goodbye." Tumalikod na ito at sumakay sa kotse niya at pinaandar iyon. Muli na namang nagsilabasan ang mga luha ko. Di ko mapigilan, ang sakit-sakit parin kahit alam kong hindi ako ang pipiliin ng mga magulang niya para sa kanya.

Napaupo nalang ako sa gilid ng kalsada na animoy nawawala.

Itinago namin ang relasiyon namin for almost two years. Pero hindi ko inasahan na ganito nalang pala ang mangyayari. Dahil sa nabuntis niya si Irish ay kailangan niya itong panindigan. Agad namang nalaman ng mga magulang ni Irish ang nangyari kaya ayon. Pumunta sila sa mansion ng mga Ruiz at sinabi ang nangyari. Si Brylan ayaw na ayaw niya na pahabain pa ang usapan kaya agad nalang siyang umo-o. Ayaw rin niya na masira ang pangalan ng mga magulang niya dahil sa kapalpakang nagawa niya. Wala naman akong magagawa mahal ko siya eh kaya naiintindihan ko siya. Isa pa, 'di rin niya ako kilala.

Kung itinago namin ang relasiyon namin. Ako naman ay itinago ang pagkatao ko sa kanya. Ang alam niya lang ay isa akong empliyado sa kumpanyang pinapasukan ko. Ang alam niya ay nagiisa lang ako sa buhay at walang kasama. At si Kuya Aiden naman ay sinabayan ang larong sinimulan ko nagpanggap lang siya na kaibigan ko.

Di niya kilala ang mga magulang ko pero ang mga magulang ko ay kilalang-kilala siya. Buong angkan namin ay kilala siya.

Napaangat ako ng tingin ng may biglang humintong sasakyan. Si Kuya Aiden.

"Aizen, let's go home." Napatingin ako sa kanya na nakatayo sa harapan ko. Agad naman ako tumayo at niyakap siya. Doon na ako napahagulhol ng sobra. Inalalayan ako ni Kuya na sumakay ng kotse niya. Umiiyak parin ako habang nasa biyahe.

Si Kuya lang at ang mga magulang ko ang nakakaalam sa relasiyon namin ni Brylan. Muntik na nga niyang mabug-bug si Brylan noong nalaman niyang nakipag hiwalay ito sa akin. Sila ni Kuya lang ang nakakaalam kung gaano ko kamahal si Brylan. I love him so much. Pero ito na rin siguro ang panahon na kailangan ko na siyang pakawalan.

Isang linggo na simula noong naghiwalay kami pero sariwa parin ang sugat na nandito sa puso. Hindi lang talaga ako makapaniwala na hindi niya ako ipinaglaban. Bakit 'yun ba ang rason niya na ayaw niyang masira ang pangalan ng pamilaya niya. Naniniwala naman ako sa ganoon. Hindi rin ako maka paniwala kung bakit niya nabuntis si Irish. Nang babae ba siya noong kami pa? Akala ko ba ako lang? Bwisit!

Itutuloy...

Love In PainWhere stories live. Discover now