Chapter Two: Result

9 0 0
                                    

"Gurl malayo pa ba ang biyahe?" Kanina pa 'to si Trix tanong ng tanong.

Nasa biyahe na kami papunta sa probinsiya namin. Kahapon pagkalabas namin ng C.R. ay nandoon pa sina Brylan pero bilalewala ko lang ang kanyang presensiya. Kahit na ganoon mahirap paring magpigil ng nararamdaman. Marami ako nabili ng mga damit para sa mga bata pati na rin sa mga matatanda. Bumili rin ako ng mga chocolate's at cookies. Bumili rin ako ng napakaraming biskits.

"Nga pala tungkol kahapon?" Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya. Kumirot na naman ang puso ko.

"Please Trix not now." Pakiusap ko sa kanya. "Sige mamaya nalang i-e-end ko na itong tawag." Paalala ko saka pinindot ang ang end sa cellphone ko.

Nakasakay kami ni Trix sa sarili naming mga sasakyan. Ilang oras nalang at makakarating na kami sa probinsiya. Di na ako makapaghintay, gusto ko ng makita sina Lolo at Lola. Pati na ang mga bata doon, ilang taon narin akong hindi nakakapunta doon. Nakapunta na rin doon si Trix. By the way si Trix siya pala ang fiancè ni Kuya Aiden. Matagal na sila mga four years na ata? At isa pa pala si Kuya he is my twin brother. Mas nauna nga lang siya ng five minutes. Gusto ko ang relationship nila ni Kuya kasi si Kuya sinusuportahan niya si Trix sa modeling carrier nito at ang gusto ko kay Kuya hindi siya seloso kasi alam niya na siya lang ang lalaking mahal ni Trix. Kung may mga kasamang lalaking model si Trix balewala lang 'yun kay Kuya pero pagsinaktan mo talaga o binastos si Trix lalabas talaga ang pagkademonyo ng kapatid ko.

Sa wakas andito na kami sa probinsiya. Pagkabukas ng gate ay agad na naming ipinasok ang kotse namin. Agad naman kaming sinalubong ng mga katulong.

"Paki kuha nalang ng maleta at mga paper bag ko at saka ipasok mo sa kuwarto ko, okay. Salamat." Utos ko sa katulong na sumalubong sa akin nakita ko si Trix na may sinasabi sa katulong. Kaya agad nalang akong pumunta sa loob ng bahay.

Malaki ang bahay nina Lolo at Lola. Para na itong mansion pero mas malaki ang mansion doon sa Manila. Dito na sila tumira ni Lolo dahil nag-retired na siya sa kompanya, sila ni Mommy at Daddy na ang nag-aasikaso ng kompanya ngayon habang kami ni Kuya ay may inaasikasong kumpanya rin.

Pagkapasok ko ay agad na akong binungan ng matamis na halik ni Lola. Kahit kailan talaga mahilig mang halik 'tong si Lola.

"Sa wakas apo pumayag kana ring magbakasyon dito." Ani nito. Na nginitian ko lang.

"Hi po Lola." Napalingo kami sa nagsalita. Si Trix

"Oh Trix nandito ka pala na miss ko kayong dalawa ha." Saka lumapit kay Trix para humalik.

"Kami nga rin Lola eh. Buti nga po pumayag si Aizen na magbakasyon muna dito." Ani ni Trix saka inalalayan si Lola na maupo sa sofa.

"Si Lolo po?" Tanong ko. Wala kasi dito si Lolo eh at hindi ko ang kanyang presensiya.

"Ay andon sa kubo tumulong sa paghahanda. Magpapa-welcome party raw." Nagulat ako dahil sa sinabi ni Lola. Welcome party? Talaga?

"Eh talaga po?" Di rin makapaniwalang tanong ni Trix. Minsan lang kasi kami bumibisita rito at hindi rin mahilig si Lolo ng masyadong malaking handaan.

"Oo. Marami ang kanyang inimbitahan, dito daw kakain pero doon lang sa kubo naghanda kasi tradisyon na 'yun ng mga tagarito ang magbayanihan.". Napatango naman kami dahil sa sinabi ni Lola. Mukahang lahat ng nagdito sa probinsiya ay iimbitahan ni Lolo? Maliit lang kasi itong probinyasiya kaya mukahang lahat ay makakapasok dito.

"Sige po mag bibihis lang po kami." Pagpaalam namin kay Lola saka pumapasok sa kanya-kanyang kuwarto.

Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay wala parin itong pinagbago puro itim lang ang makikita mo rito. Para nga raw akong bampira dahil sa kulay itim pero wala lang 'yun sa akin.

Love In PainWhere stories live. Discover now