Chapter One: Vocation

6 0 0
                                    

Isang buwan narin pero hindi parin ako nakaka-move on sa kanya. Ang hirap palang magmove on. Kapag nakikita mo siya. Hindi naman kami nasa iisang kumpanya nagtatarabaho, magkaiba ang kumpanyang pinagtatarabahoan ko. Pero sandyang mapaglaro ang tadhana.

Noong isang araw nakita ko siya at si Itish na namimili ng mga gamit para sa baby. Mabuti nalang hindi nila ako nakita. Noong nasa park ako para mag-jogging, malas nakita ko rin sila. Ang sweet nilang tignan. Pero okay na sa akin 'yun masaya na ako pagnakikita ko siyang masaya. Pero sa kabilang banda nadudurog noon ng pinong-pino ang puso ko.

"Aizen, back to earth please!" Nabalik nalang ako sa riyalidad ng may biglang sumigaw sa harapan ko. "Naman oh, tulala ka na naman. Gurl kailangan mo ng magbakasyon gurl." Inirapan ko nalang siya. Itong babaeng 'to kung ano-ano nalang ang pinag sasabi. "Pero seryoso gurl kailangan mong magpahinga, kailangan mong magrelax, kailangan mong mag-hike, at kaila-" Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng may narinig kaming katok sa pinto. "Naman oh." Nakasimangot nitong sabi. Kaya napailing nalang ako.

"Come in." Sagot ko saka bumukas ang pinto at iniluwal noon si Nica.

"Ma'am, pinapatawag po kayo ni Sir Aiden." Napasimangot naman ako dahil sa sinabi ni Nica. Ilang beses na ba akong pinatawag ni Kuya ngayong araw?

"Sige sabihin mo na pupunta ako bukas." Natigilan naman ito dahil sa sinabi ko.

"Po?" Natawa na naman ako sa naging reaksiyon niya.

"Sige susunod na ako." Napatango naman ito saka lumabas ng upisina ko. Napatingin naman ako sa babaeng nasa harapan ko. "Nga pala Trix wala kabang photoshoot ngayon?" Tanong ko. Umiling naman ito.

"Wala may five months vocation kasi ako. At kailangan ko pang asikasuhin ang kasal namin." Napatango-tango naman ako.

"Sige alis lang muna ako. Maupo ka muna diyan sa sofa o 'di kaya manood ka nalang. Ba'la kana diyan, Okay." Tumango lang ito saka pumunta sa sofa at umupo. Tumayo na ako saka naglakad palabas sa opisina ko at pumunta sa opisina ni Kuya Aiden.

"Kuya." Tawag ko sa kanya sa labas ng opisina sabay katok ng pintuan. Narinig ko naman itong magsalita kaya pumasok na ako at pumunta sa harapan ng table niya. Nakatutuk lang ang paningin niya sa kanyang laptop kaya agad na rin akong nag salita. "Kuya ano ang kailangan mo?" Walang ganang tanong ko. Napatingin naman ito sa akin saka sumandal sa swivel chair niya.

"Tumawag sila ni Lolo." Ani nito. "Nabalitaan na rin nila ang nang yari sa inyo ni-" Hindi na nito na tuloy nang pumikit ako at nag-sign ng 'stop' sa kanya.

"I don't want to hear that name ever again, okay?" Iminulat ko ang mga mata ko na agad namang naintindihan ni Kuya 'yun kaya nagpatuloy nalang ito sa kanyang sinasabi.

"Gusto nila ni Lolo na mag bakasyon na doon sa probinsiya ng ilang buwan." Kumunot ang noo ko. Bakasyon seryoso. Kahapon pa ako kinukulit ng mga 'to ha? Gusto ni Trix na magbakasyon ako, at ngayon sila ni Lolo naman? Naman oh!

"Ano?! Pero paano ang trabaho ko rito?" Tanong ko sa kanya na nginitian lang ako.

"Si Nica na ang bahala sa mga trabahong iiwan mo rito. You need some time to move on, Aizen. It's been one month since mag break kayo ni- argh! basta. Kaya you need some fresh air to breath at isa pa na miss kana nila ni Lolo doon." Napasimangot nalang ako dahil sa naging speech ng kapatid ko. May punto ka Kuya. Siguro ngayon gagawin ko na ang mga pinagsasabi ninyo.

"Sige. Kailan ba ako aalis? Isasama ko sana si Trix eh." Ibinalik na nito ang atensiyon sa laptop niya. Kaya napairap nalang ako.

"Bukas." Napangiwi ako dahil sa sagot niya.

"Bukas kaagad ang bilis naman?" Nagkibitbalikat lang ito at ipinag patuloy ang ginagawa. Kaya padabog akong umalis sa kuwartong iyon.

"Ba't nakasimangot ka?" Bungad na tanong sa akin ni Trix.

Love In PainWhere stories live. Discover now