Chapter Three: Ayesha Winter

12 0 0
                                    

Nakahinga talaga ako ng maluwag dahil hindi nila ako senermonan pero mas sumikip naman ang dibdib ko ng sabihin ni Lolo na kailangang panindigan ni Brylan ang bata pero ako na mismo ang nagsabi sa kanya na huwag na kasi kasal na si Brylan sa ibang babae. Pasalamat naman ako dahil na kumbinsi ko sila.

Nandito ako ngayon sa isang malawak na taniman ng mga mangga. Ang dami ng bunga nagugutom tuloy ako. Ako lang magisa ang nandito. May mga magsasaka naman na namimitas ng mga bunga. Si Trix at Kuya ay umuwi na ng Manila dahil kailangan pa nilang asikasuhin ang kasal nila. Nanatili lang sila rito ng isang linggo saka umalis. Sila Mommy at Daddy umuwi na rin. Nagtanong rin sila kung hindi ba ako sasama pero tumanggi ako mas gusto ko kasi ang tanawin dito.

"Boo!" Napahawak ako sa dibdib ko ng may biglang humawak sa balikat ko. Agad ko itong nilingon.

"Walanghiya ka ba't kaba nanggugulat?! Ha?!" Pinag hahampas ko siya sa braso. Buwisit kailangan ba talagang manggugulat siya ha?!

"Wow baby girl calm down." Panay sangga naman ang ginagawa niya para mailagan ang mga hampas ko sa kanya.

Huminto na rin ako dahil napagod na ako kakahampas sa kanya. "Bakit kaba nandito?!" Sigaw ko sa kanya kaya napanguso naman ito.

"Hala wala manlang bang hello o hi diyan? Mga babae talaga mainitin ang ulo." Nakangusong sabi nya. Napangiwi naman ako dahil sa imbis na sagutin niya ang tanong ko iba ang isinagot niya.

"Hoy Zyren sagutin mo nga ang tanong ko!" Inirapan ko nalang siya saka naglakad pabalik sa bahay nila ni Lolo.

"Hoy! Nabalitaan ko kasi ang nangyari kaya pumunta agad ako rito."

"Oh? Tapos?"

"Namiss kasi kita."

"So?"

"Nagmadali akong pumunta dito. At nabalitaan namin na magiging ninong na pala kami." Hulagapak naman ito ng tawa kaya binatukan ko. Para siyang baliw sa daan na tumatawa ng walang dahilan. "Aray ko naman!"

"Umayos ka nga diyan." Sabi ko sakanya saka ibinaling ang tingin sa daan. Nakita ko na nasa may palengke na pala kami. Marami ang mga maliliit na tindahan na nakatayo sa gilid ng daan. Wala rin masyadong sasakyan na dumadaan dito dahil sa liblib ang probinsiyang ito.

Napatingin ako sa isang tindahan kung saan may nagtitinda ng mga tinapay. Gusto kong bumili kaso nakalimutan kong magdala ng pera. Malas! Bakit ba ang dali ko ng magutom? Ganito ba talaga pagbuntis o sadyang matakaw lang ako.

"Bili tayo?" Aya sa akin ni Zyren pero nanatili lang akong nakatayo at nakatingin sa tindahan ng tinapay. "Bakit may problema ba?" Tanong nito ng mapansing hindi ako umimik.

"Wala kasi akong dalang pera." Napanguso nalang ako ng humalagapak na naman ito ng tawa. "Walanghiya ka talaga noh?!" Sabay batok ko sa kanya. Napatingin naman ang mga tao sa paligid. Well sinong hindi maaagaw ang atensiyon mo kung si Zyren ang tumatawa. Maganda kasi ang boses niya kahit tawa lang ito para itong musica sa pandinig mo. Hindi lang boses ang kaakit-akit sa kanya pati rin mukha niya puwede na nga siyang mag model dahil sa itsura niya eh.

"Sino 'yung babaeng kasama ni sir Zyren?"

"Di ko rin alam eh. Pero ang ganda niya kamukha niya si madame Rose."

"Oo nga noh."

"Hoy 'wag nga kayong maingay baka marinig kayo ni ma'am Aizen."

"Ma'am Aizen?"

"Oo apo siya nina Madame Rose."

"Ano?!"

Love In PainWhere stories live. Discover now