Chapter Four: Back to Manila

6 0 0
                                    

Tatlong buwan na rin ako nanatili rito sa probinsiya kasaman si Ayesha at Zyren. Kung saan-saan na kami napapadpad dahil na babagot daw si Zyren sa bahay. Palagi lang daw akong tulog at ang lakas ko raw lumamon ng pagkain. Pero ang sabi niya nababagot siya pero noong nakaraang araw ay ang aga niyang ginising si Ayesha kaya nagalit ako, kulang pa ang tulog ni Ayesha tapos gagambalain pa niya. Ang dahilan pa niya ay gusto niyang makipaglaro kay Ayesha. Kailan pa naging bata si Zyren?

Araw-araw na silang naglalaro sa may garden minsan pagumuulan ay naglalaro silang dalawa. Minsan naisip ko na puwede ng maging ama itong pinsan ko kaso hindi pa nakaka-move on sa first love niya kaya ayan sa anak ko nalang nakatuon ang atensiyon niya.

"Tito-dad naman eh akin na po iyang mansanas! Mamitas nalang po kayo!" Kasalukuyan akong nakaupo sa ilalim ng puno at pinapanood kung paano mag talo si Ayesha at Zyren dahil lang sa mansanas.

"Akin nalang to baby Ayesha." Itinakbo ni Zyren ang mansanas kaya hinabol naman siya ni Ayesha.

"Ayaw!"

"Please baby Ayesha."

"Mamitas ka nalang po! Akin na po iyan!"

"Baby Ayesha naman!"

"Akin na po iyan!"

"Baby Ayesha...please!" Napangiwi nalang ako dahil nagpout si Zyren kaya napahalagapak ako ng tawa. At nakuha ang atensiyon nilang dalawa.

"Anong nakakatawa, Mommy?" Inosenteng tanong sa akin ni Ayesha pero hindi parin ako tumitigil sa pagtawa. Nasa isip ko parin ang mukha ni Zyren para siyang bebe.

"Hoy! Baby girl anong nakakatawa?" Humugot muna ako ng malakas na buntong hininga saka pilit na humarap sa kanila habang pigil na pigil ako sa pagtawa.

Pakiramdam ko makukunan ako nito!

"Hali ka baby Ayesha punta tayo sa taniman ng ubas at doon tayo mamitas." Aya ko sa bata saka nilingon si Zyren na nakatingin ngayon sa kanyang telepono.

"Mauna nalang kayo susunod nalang ako mamaya. I need to answer this call." Paalam niya saka kami tinalikuran. Dahan-dahan akong tumayo na inalalayan naman ako ni Ayesha. Ang laki na kasi ng tiyan ko, ang bigat pa.

Bit-bit nanim Ayesha ang isang maliit na basket habang ang isang kamay ay nakahawak sa kamay ko. Papunta kami ngayon sa taniman ng ubas. Di naman ito malayo sa taniman ng mansanas kung saan kami tumambay. Nakagawian na namin ang pumunta sa rito. At mamitas ng mga prutas may pahintulot naman kami sa mayari nito. Well si Tito Zander ang nagmamayari ng lupang ito. Ang ama ni Zyren.

Nang makarating kami ay agad na kaming nagsimulang mamitas. Habang namimitas kami ay hindi ko maiwasang maalala ang mga alaala na matagal ko ng ibinaon at nilimot. Pero heto ako ngayon inalaalala ang aming nakaraan. Inaamin ko na mahal ko parin siya hanggang ngayon. Kung gaano kadaling mahulog sa isang tao ganoon naman kahirap ang pakawalan siya.

Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Palagi nila akong pinipilit na pumunta sa Manila. Kasi sa buwan na ito ikakasan si Kuya Aiden at Trix at gusto nila na kumpleto kami. Hindi na rin ako nakatanggi kasi si Kuya at Trix ang pinaguusapan. Mahal ko kasi ang dalawang yun.

"Mommy ano po ang itsura ng Daddy ng magiging kapatid ko?" Napahinto ako sa pagpipitas ng mga ubas ng tanongin ako ni Ayesha. Napabuntong hininga nalang ako saka ako yumuko at hibaplos ang kanyang mahabang buhok.

Pilit akong ngumiti saka nagsali. "Ano ang Daddy ng kapatid mo. Well isa lang ang masasabi ko he's weak." Kumunot na man ang noo ng bata na halatang hindi nito naiintindihan ang ibig kong sabihin ko. Mahina akong umiling saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi naman na nagtanong si Ayesha na ikinagaan ng loob ko. Balang araw masasabi ko rin sayo anak pero 'wag muna ngayo.

Love In PainWhere stories live. Discover now