Chapter Seven: I Miss You

2 0 0
                                    

Natawa nalang ako ng ginulat ni Ayesha si Zyren dahilan para mapatalon ito sa gulat. Para siyang tarsier dahil kumapit ito sa braso ni Kuya Aiden. Nasa hotel kami kung saan gaganapin ang reception ng kasal. Kasama ko si Kuya at Trix at ang mga pinsan ko pati na ri si Ayesha isinama ko na rin.

Pinapanood ko lang silang nagkukulitan habang ako rito prenteng nakaupo sa sofa. Kadalasan nagkukulitan sila ni Zyren at Steven at sinasali nila si Ayesha sa mga kalokohan nila.

Pag yan si Ayesha nagloko silang dalawa talaga ang mapapatay ko.

Napailing nalang ako ng biglang pinisil ni Ayesha ang pisngi ni Steven. Napahalagapak naman ng tawa si Zyren dahil sa ginawa ng bata. Habang si Steven naman ay hindi na maipinta ang mukha. Napapatingin na ang mga bisita sa kanila pero wala lang itong pakialam sa mga mata na nakatingin sa kanila. Ang kakapal talaga ng mukha.

"Ayesha! Hali ka nga rito! Wag ka diyan sa mga tarantado mong mga tiyuhin baka mahawa ka." Agad namang lumapit si Ayesha sa akin at tumabi. Napasimangot ang dalawa dahil wala na siguro silang mapaglilibangan.

Humiga si Ayesha sa hita ko at ipinikit ang mga mata nito. "Pinagod ka na naman ng mga yun?" Tanong ko na nakatingin sa kanya at dahan-dahang hinahaplos ang mahaba nitong buhok. Dahan-dahan naman niyang iminulat ang kanyang mga mata

"Puwede po ba akong matulog dito napagod po ako eh?" Mahina akong natawa saka pinisi ang tungki ng ilong ni Ayesha

"Oo mag pahinga ka muna. Para may lakas ka mamaya bibili pa tayo ng damit. Okay?" Tumango lang ito saka uli ipinikit ang mga mata. Hinele-hele ko siya para makatulog ng hindi ko namalayan dinalaw na rin pala ako ng antok.

Nagising nalang ang diwa ko ng maramdamang para akong nakasakay sa sasakyan. Agad kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang dalawa kong pinsan na nasa harapan ng kotse. Paano ako napuntarito.

"Gising kana pala. Ang haba ng tulog mo." Bungad na tanong sa akin ni Steven. Napatingin ako sa batang katabi ko kasalukuyan itong nanonood ng- what the? Anime? Seriously? Sino ang nagrekomenda sa kanya na manood ng Anime? Don't tell me na si Zyren? Ang lalaking yun talaga.

"Papaano ako na punta rito?" Tanong ko saka tinignan ang buong paligid. Kotse pala 'to ni Zyren.

"Binuhat ka ni Zyren kaya napunta ka rito. Alangan namang nagsleep walk ka?" Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi ni Steven.

"Ano ang lalaking 'to ang bumuhat sa akin?" Di ko makapaniwalang takong sa kaniya.

"Oo si Ayesha ang binuhat ko kan-"

"Si Kuya Aiden nalang sana ang inutusan niyo. Wag lang ang lalaking 'to!" Sabay turo kay Zyren na kasalukuyang nagmamaneho.

"Ang choosy mo insan. Pasalamat ka binuhat kita. Ang bigat mo pa naman." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ewan ko sa inyo." Napahalukipkip ako saka tumingin sa labas. "Saan pala tayo pupunta? Nasaan na si Kuya Stephen bat hindi yun nakasunod sa atin?" Wala kasi ang kotse niya na palaging nakasunod sa amin. May kotse naman akong ginagamit kaso ang gusto ng dalawang 'to sa kanila ako sumakay. Masaya daw pagmarami eh. The more the merrier. Mabatukan nga ang dalawang 'to.

"Umalis sinundo si Ate Tyra sa airport." Tipid na sagot si Steven na iginagulat ko.

"U-uuwi si Ate Tyra?" Hindi
makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Alangan namang manatili lang siya doon sa London. Ikakasal ang kapatid niya kailangan niyang um-attend." Napatango-tango nalang ako saka itinuon ang pansin sa labas.

Sa bagay kailangang um-attend ni Ate Tyra sa kasal nila ni Trix. Ang samang ate naman niya kung hindi siya a-attend.

Si Ate Tyra ang nakakatandang kapatid ni Trix at ang asawa ni Kuya Stephen. Mga one year na silang kasal pero wala pa itong anak pero ang sabi ni Kuya Stephen ay nagdadalang tao raw ito mas nauna raw ito ng apat na buwan sa akin. Kung ganoon magkakaroon na ng bagong henerasyon ang angkan ng mga Vasquez.

Love In PainWhere stories live. Discover now