5W1H #1: When the Sun Rises (COMPLETED)
"Aine, pwede bang makisuyo? Pwede bang ikaw mag tapos netong mga papeles? Konti nalang naman ito." Nahihiyang sambit ni Nikka habang napapakamot sa kaniyang batok.
"Hinahanap na kasi ako ni Britney," Dagdag pa niya. Nakita ko ang ekspresyon sa kaniyang mata na hindi mapakali.
Kinuha ko ang mga papeles sa kaniyang kamay, "Sige na." Sagot ko at nangiti sa kaniyang.
Nanlaki ang aking mata at bahagyang natawa noong niyakap niya ako bigla.
"Salamat!" Masigla at paulit ulit niyang sambit.
Nagsimula na siyang magligpit ng gamit at naghanda na ring umalis.
"Paki kamusta ako kay Britney at sa asawa mong si Ivan!" Pahabol ko na sambit bago siya tuluyang lumabas ng opisina.
Napabuntong hininga ako bago inilagay ang mga papeles sa aking desk. Nakita ko na tambak pa ako sa gawain.
Napamasahe ako sa aking noo habang naupo, "Bakit ba naman kasi ginusto ko maging accountant?" Mahina kong sabi sa sarili ko.
"Tapusin ko na nga ito nang makauwi na rin ako,"
Matapos ang mahigit dalawang oras na pag eencode ng mga naging transaction ng buong kompanya nung nakaraang buwan at prinoof read ko pa iyong mga in-encode ni Nikka para sa Engineering Department dahil siya ang naka assign doon ay natapos na rin ako sa trabaho.
Napasandal ako sa aking upuan at napikit. Maya't maya ay natayo na rin ako at niligpit lahat ng gamit ko para makauwi na rin ako.
Kinuha ko na ang aking shoulder bag at inayos ko na rin ang aking mga gamit. Napatingin naman ako sa aking relo
"5pm na pala, nako. Matatagalan na naman ako neto sa traffic," Napailing iling na lang ako at dinalian na ang pag ayos sa aking mga gamit.
Nagpaalam na ako sa aking mga kasamahan sa opisina at nalabas na ng building ng kompanya.
Paglabas ko ay huminga ako ng malalim.
Kay sarap naman talaga ng sariwang hangin na may halong polusyon ano?
Tumingala naman ako sa langit. Saktong palubog na ang araw.
Naging pink, violet, orange at yellow ang kulay ng langit. Iba't iba pero napakaganda
Kahit gaano kaganda ang langit ay nakaramdam ako ng pag iisa.
Habang ako'y manghang mangha sa langit ay mayroong dumaan na eroplano.
Biglang bumigat ang aking puso.
Malungkot akong nangiti habang pinagmamasdan ang eroplanong nadaan sa napakagandang langit.
Huminga ako ng malalim at pumikit
"Mahal ko,"
***
DISCLAIMER:This is a work of fiction. Any names, characters, places, businesses, events, incidents and etc. are products of imagination of the author and/or fictitious use.
Any resemblance to actual people, living or dead, or actual events are coincedental.
Some mature contents will be included, please be advised and read at your own risk.
BINABASA MO ANG
When the Sun Rises
Teen Fiction(COMPLETED) May mga taong dumadating sa ating buhay na nanatili at dumadaan lang. May pag ibig na hindi natin inaakala na dadaan kaya hihilingin sa mga tala na sana'y manatili pero nasa pagsikat ng araw ang sagot. Aileen Sabrina Ramirez was living...