2

72 4 0
                                    

"Bet mo noh?" Sabi sakin ni Nikka noong nakaalis na si Bruce.

Tiningnan ko ang aking palad at pinunas ito sa akin damit.

Ang tanga, naging pasmada bigla?! Shet na malagkit talaga.

"Tama lang," Sagot ko sakaniya. "Wala naman kayang jowa?" Dagdag kong tanong.

Tumango siya, "Sa pagkaalaman ko, oo. Matagal na ata silang break ni Ate Dana,"

"Ex-girlfriend?"

Tiningnan niya naman ako, "Ay interesado?"

Umirap naman ako, "Sagutin mo nalang kasi,"

"Malamang, ex-girlfriend! Long time sila,"

Ngumuso naman ako noong narinig iyon.

Sana all.

Nagpaalam na rin si Nikka sa akin dahil uuwi pa siya para mag ayos. Kaya naman kasi pinuntahan siya ni Bruce sa classroom dahil may pinapasabi si Kuya William na mag d-dinner daw sila kasama na rin sila Bruce na long time friends pala ni Kuya William.

Sobrang dalang kasi umuwi ni Kuya William dito sa Davao dahil nga busy siya sa Manila sa pagiging modelo. Isa siya ngayon sa pinakasikat na modelo sa bansa.

"Ingat ka ha!" Sabi sakin ni Nikka. Tumango naman ako at nangiti lang sakaniya bago siya tuluyang nag iba ng daan papauwi.

Umupo muna ako sa bench na nalalapit sa field at pinagmasdan ang iba't ibang tao na nadaan.

Ito siguro yung paraan ko para makaramdam ng payapa kahit sandali. Yung tipong nag iisa ako pero 'di talaga ako nag iisa dahil may tao sa paligid ko,  'di na ganoon kaingay dahil uwian na at 'di rin nakakamatay ang init kundi napakaganda na ng langit dahil palubog na ang araw.

"Aine!"

Iyon ang ikinasira ng aking munting kapayapaan.

Tiningnan ko siya ng masama, "What do you want?" May inis kong sabi.

"Chill babe," Sabi niya habang inakbayan ako.

Agad kong tinanggal ang kaniyang braso sa pagkaka akbay sa akin, "Chris,"  Mariin kong sambit.

"Inom naman tayo oh! Now na. My treat," Masigla niyang sabi.

"Wala ako sa mood," Walang emosyon kong sabi

Natayo na ako at nagsimula maglakad papalayo.

"C'mon! As if 'di tayo nag make out last time ah?" Sabi niya habang nakasunod sa aking likod.

Humarap ako sakaniya kaya natigil siya sa paglalakad, "Don't you want more?"

"'Di porket nakipag laplapan ako saiyo ay gusto ko na rin makipag sex ha? Trial yon. Laplap pa lang 'di ka na masarap," Inis kong sabi at natalikod na ulit ako at mas binilisang lumakad ulit.

Etong mga lalaki, porket naka laplapan mo o ano 'kala na nila may karapatan sila para diktahan ka sa kung ano gusto nila!

Na isang sabi lang nila na makipag sex ka sakanila ay parang obliged to comply ka na.

Aminado naman akong malandi ako pero 'di ibig sabihin non sex toy na nila ako.

"I'm not a fucking sex toy," Mahina kong sabi sa aking sarili.

Pumunta na ako sa labasan ng school kung saan nakahilera ang mga streetfoods, mangilan ilan nalang rin ang estudyanteng kumakain dahil 5:30pm na ng hapon. Nagsi uwian na rin siguro sa takot na maabutan ng traffic.

Nagsimula na akong kumuha ng chicken skin at ng kanin. Sa isa kong kamay ay kanin, ang kaniyang plastic wrap ang nagsisilbing gloves ko at sa isa ko namang kamay at stick na may tinuhog na chicken skin. Isinawsaw ko ito sa maanghang nasuka.

When the Sun RisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon