3

61 4 0
                                    

Binuksan niya ang pintuan sa kotse at napasok na rin ako. Siya rin ay umikot para pumasok na sa driver's seat.

Nasa ibang kotse sila Kuya William pati na rin mga kaibigan nila dahil may sarili silang mga kotse.

Kaming dalawa lang ni Bruce dito at nababalot kami ng katahimikan.

"You sure na 'di ka pa sleepy?" Pag babasag niya sa katahimikan.

Tiningnan ko naman ang oras sa aking cellphone.

10:35pm

Tiningnan ko naman siya at nangiti, "Yeah,"

"You drink, right?" He asked as he started the engine and drove.

"Yeah?" May pag aalinlangan kong sagot.

Syempre..oo

"'San ba tayo pupunta?" Tanong ko sakaniya.

"MTS," Sagot niya. "William wants to drink,"

"Wala kang classes bukas?"

Umiling naman siya, "I have to go to the farm."

Tumango na lamang ako sakaniyang sagot.

"And you?" Pag tatanong niya. Ngayon ay in-on niya ang music pero hininaan ito ng bahagya dahil nga nag uusap pa kami.

I just shrugged, "A-absent nalang siguro sa morning class,"

Tumingin naman ako sakaniya dahil natawa siya, "Iba ka rin talaga noh?"

Mabilis rin naman kaming nadating sa MTS dahil gabing gabi na at wala nang traffic. Nauna nadating sila Kuya William dahil napakabilis mag maneho, pagbaba namin ni Bruce ay naroon sila sa may parking lot nag uusap usap.

"Bakit hindi pa kayo nahanap ng upuan?" Bungad sakanila ni Bruce noong nakalapit kami sakanila.

Lumapit rin naman agad sa akin si Nikka at kumapit sa aking braso.

"Miss mo naman ako agad," Pabiro kong sabi kay Nikka.

"Hinintay namin kayo," May halong asar na sabi ni Kuya William.

Napunta muna kami sa Jickong's, nagulat kami dahil hindi namin inaakala na maraming tao dahil Tuesday palang.

"Baka maganda yung banda na tu-tugtog ngayon?" Saad ni Kuya Oliver, kaibigan nila Kuya William.

"Baka," Sagot naman ni Bruce.

Nakahanap kami ng long table kahit masikip. Papaupo na sana ako noong may dumaan sa likod ko at nawalan ako ng balanse

Malapit akong tumumba noong may humawak nang mariin sa aking braso pag lingon ko ay nakita kong si Bruce ang humawak sa akin.

"Careful," Mahinang sambit niya sa akin. Agad naman akong naayos ng upo at umiwas ng tingin na tila walang nangyari.

Be careful with my heart kamo.

"Wil, lipat nalang kaya tayo?" Sabi ni Bruce kay Kuya William.

"Doon nalang tayo sa Taboan baka mas maluwag doon. Tsaka, mas kita natin yung mag b-banda." Sagot naman ni Kuya William kaya natayo naman rin kami lahat para lumipat sa Taboan.

Naunang mag lakad sila Bruce at kami naman ni Nikka ay nasa may likuran nila. Nakita ko namang nalingon si Bruce sa aking kinaroroonan pero agad ring ibinalik ang kaniyang pansin kela Kuya William.

Ang weird? Kelangan ba talaga malingon sa akin? Parang gandang ganda naman sakin 'tong si Bruce. Iba talaga siguro kamandag ng isang Aine. Chos, ayokong mag assume.

When the Sun RisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon