1

110 7 0
                                    

"Nikka, come on! Male-late na tayo," Irita kong sabi kay Nikka dahil napakabagal niyang maglakad.

"Sorry na," Inosente syang nangiti sa akin at kumabit sa aking braso. "Mapapatawad pa ba?" Dagdag pa niya.

Natawa naman ako, "First day na first day, male-late tayo."

"Naninibago lang naman kasi ako." Pagmamaktol niya at nanguso naman ito.

"Wag kang mag alala, mas malaya na tayo ngayon oh. Pwede na sa mature roles. More chances of landi na rin!" Masigla kong sabi.

"Ikaw lang," Sagot niya.

"Edi ikaw na may jowa," Sabi ko at nairap.

"Sorry, pinagpala lang ni Lord," Sagot niya.

Napa-'aray' naman siya noong kinurot ko ang kaniyang tagiliran rason kung bakit natawa kami ng malakas sa gitna ng hallway.

"Ito na siguro yung classroom natin, Aine," Sabi ni Nikka at itinuro ang silid.

'D-15'

Iyon ang nakalagay. Classroom nga naman kung kaya't napasok na kami sa silid.

Tiningnan ko ang buong kapaligiran, hula ko ay nasa 15-20 lang kami na estudyante.

Di rin naman nakakapagtaka dahil BS Accountancy ang kinuha namin ni Nikka na course.

Di ko nga rin alam kung kakayanin ko 'tong course 'to. Palagi kong naririnig na matira matibay dahil baka sa susunod na sem ay kalahati na lang ang matitira o mas konti.

Matibay naman ako. May malandi bang 'di matibay?

Naupo na rin kami ni Nikka sa may bandang gitna dahil sabi ni Nikka gusto niya mag mukhang good student sa professors namin. First impression lasts nga naman

Kami ni Nikka ay magkaibigan na mula pa noong nag Senior High kami, parehas kaming ABM kinuha at hanggang college ay parehas kami ng course dagdag pa na magkaklase kami.

Maya't maya nag dumating na ang aming unang prof kaya naman umayos na kaming lahat.

"I will tell you now before it's too late... If you do not have the burning passion for this course, you may shift." Agad na bungad sa amin ng aming prof.

Tila mas nanahimik ang buong silid dahil sa bigla ng kaniyang sinabi.

"You will have 3 seconds to stand up and leave," Dagdag niyang sabi at tiningnan niya kami isa-isa sa mata.

"1..2..3" Pag bibilang niya.

Ngunit walang tumayo sa amin. Nanatili kaming lahat na nakaupo at walang imik.

Tumaas naman ang kilay sa aming prof, "Okay, let's see." Iyon na lamang ang kaniyang sinabi bago nag simula mag discuss ng kaniyang requirements sa kaniyang subject ngayong semester.

"Parang ayoko na," Sambit ni Nikka habang papaupo at ibinigay sa akin ang pinabili kong pagkain dahil ako ang nag hanap ng mauupuan namin dito sa cafeteria.

"Agad agad? First day pa lang natin, Nikka." Sagot ko naman habang binubuksan mula sa wrapper ang aking sandwich.

Nayuko si Nikka at nilaro laro ang kaniyang pagkain

"Don't play with your food, Nikka." Sabi ko sakaniya.

She groaned tapos tumingin sa akin na mukhang dehado, "Why did we choose Accountancy again?"

"Para may CPA tayo sa pangalan, gaga." Sagot ko at nagsimulang kumain.

Hindi na rin siya nasagot at nag simula nang kumain.

When the Sun RisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon