Chapter 10

25 3 0
                                        

Chapter 10

Friday night, paulit-ulit si Gold sa kapapa-alala samin! Halos sumabog na ang cellphone ko sa kakachat niya.

Gold Radium Tan

Siguruhin niyong ayos ang mga itsura niyo, huwag magpapakabog!

Shennel Veloso

Opo, Nay! Ang tanda mo na hahahaha.

Gold Radium Tan

Hoy! Months lang ang tanda ko sayo! Dapat maganda ka sa party para mapansin ka ni kuya Silver.

Shennel Veloso

Hmmp! Hindi naman talaga siya namamansin.

Angela Joy Sajana

Pangit ka raw kasi! Blehhhhh!

Shennel Veloso

Bad! Marunong ka pa pala magreply? Puro ka kasi seen.

Angela Joy Sajana

Syempre naman, tao ako e!

Gold Radium Tan

Guys! 7:00 pm ang start nga party, baka dumating kayo ng 10:00pm.

Angela Joy Sajana

Pang-ilan sabi mo na 'yan! Paulit-ulit ka. Oo na oo na! Hahaaha, hindi namin sisirain party mo.

Naglog-out na ako para magbeauty rest. Syempre dapat maganda ang lola niyo no?. Baka magmukha akong katulong dun.




***************

Kinabukasan ay maaga akong nagising sa pambubulabog ni Shen at pumasok pa sa kwarto ko. "Girl! Gising na! Kailangan pa nating bumili ng gifts para kina Gold at Silver."pang-gigising ni Shen sakin at hindi pa siya nakuntento't niyugyog niya pa ako.

"Hmm! Ang aga aga pa! Wala pang bukas na tindahan no? Hello?! Alas sais y media pa lang."sabi ko sa kaniya saka bumalik sa higaan ko at nagtalukbong ng kumot pero hindi siya tumigil sa pangungulit niya.

"Bilis na! Bumangon ka na diyan."sabi niya sakin sabay hablot ng kumot ko kaya no choice ako kundi bumangon na.

Nag-inat inat pa muna ako bago bumangon. "Tsupi! Mag-totoothbrush lang ako't maliligo."pagpapaalis ko kay Shen.

"Baka bumalik ka pa sa pagtulog?" tanong ni Shen habang nakapameywang ito na akala mo naman siya ang nanay ko.

"Hindi kaya! Gising na ako. Ingay ingay mo!" busangot na sabi ko saka kumuha na ng damit ko at pumasok na sa banyo.

Kahit kailan talaga! Masyado siyang atat, ehh gusto niya lang naman magpa-impress kay Silver sus! mga padali nitong si Shen.

Naligo na ako at nag-toothbrush. Isang plain na white croptop ang sinuot ko at pinarisan ng ripped jeans. Sinuklay ko ang hanggang bewang kong paalon-alon na buhok at saka itinali nang ponytail.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Shen na nakaupo sa kama ko't nagbabasa ng magazine. Nang napansin niya lumabas na ako ay nagsalita siya, "Napaka-outdated naman ng magazine mo!"reklamo niya.

Noong December pa yata 'yong magazine na 'yon kung di ako nagkakakamali. Hindi naman kasi ako mahilig diyan e.

"Hindi ko naman kasi binabasa yan nî tignan nga lang e"sabi ko sa kaniya.

"Tara na, kumain ka na muna!" sabi ni Shen.

"Huwag na, mamaya na lang, sa labas."sabi ko sa kaniya.

"Hindi ka manlang ba magliliptinit? O pulbo?" tanong ni Shen.

Stars and Beyond (Tan's Series#1) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon