NOTE: Ang mga pangalan at ang mga karakter ay kathang isip lamang ng tagapagsulat, anumang pagkakahawig sa mga pangyayari, at mga lugar ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Plagiarism is a Crime that is punishable by the law.
PROLOUGE
I prefer the story that my dream created. Hindi ko maintindihan eh, mas gusto ko pang matulog at managinip kaysa magising sa umaga at maging malungkot na naman.
In my dreams, I am happy,
I am loved,
I am... ME.
It is interesting because I am controlling myself in my dream. Alam kong nananaginip ako kaya ginagawa kong masaya ang mga pangyayari dito.
Reality always deceives me. Hindi ako masaya, hindi ako minahal, at hindi ako MALAYA. And my Lucid Dreams makes me escape the reality, and help me taste happiness and freedom.
Hi, I am Sam Aerex Verceles, 20 years old, male. A 1st year Psychology student.
16 years old ako nun nung naging aware ako sa mga panaginip ko. Nakakalakad ako, nakakapagsalita ako, nagagawa ko ang gusto kong gawin, kase nga aware ako at kontrolado ko ang panaginip ko.
Ang hindi ko lang alam ay kung bakit sa totoong buhay ko ay ibang iba ang pagkatao ko doon. Bakit? Kasi... BABAE ako doon. Bakla po kasi ako, but I am not that kind of gay na nagsusuot ng mga pambabae at hindi ako masyadong ladlad, at may pagka demure po ako, tahimik lang, kasi takot ako sa judgement, ngunit di ko itinatangging may pagka mabiro ako at mabilis akong mainis. I never experienced being in a relationship because of my gender orientation, and besides, sino ba namang lalake ang magkakagusto sa isang bakla? 😌Kaya ganun nalang ako ka excited tuwing mananaginip ako, dahil masaya na naman ako.
Halos araw araw ako kung managinip at masayang masaya ako dahil dun. Hanggang pagdating ko ng 20 anyos, tila ay nagtataka na ako sa mga kasama ko sa panaginip... parang unti unting nagbabago ang lahat...