FIRST DAY OF SCHOOL
SAM'S POV.
"Dan, I love you... I-I hope you feel the same..."
Nagising ako matapos kung marinig ang linyang yan. Sobra akong nagtataka kung bakit hindi ko makita ang mukha nya, lalake sya, 'sino sya'?
Tumingin ako sa orasan... 6:18am. Ang aga ko! Gosh! 8:30am pa pasok namin first day of school ko ngayon.
May pagtataka paring ngumiwe ang bibig ko habang nakaupo sa sariling kama at nag-iisip.
"Ba't ganon? Ngayon lang yun nangyari ah, di ko makita mukha niya..." sabi ko.
Di ko maalis sa isip ko ang naging takbo ng panaginip ko, parang hindi ko alam kung sino siya at ano ang pinagsasasabi niya. Weird.
Agad naman akong bumaba sa kama at nag stretching. Pagkatapos kung gawin yun ay umupo ako sa study table ko at isinulat ko sa sticky note ang naging panaginip ko ngayon.
Actually sinusulat ko lahat ng mga napanaginipan ko sa sticky notes at dinidikit ko sa Freedom wall ko sa loob ng kwarto.
"Dan, I love you... I-I hope you feel the same..." sabi ng isang lalaking hindi ko makita ang mukha dahil blurred ito sa panaginip ko. Bago ito.- sinulat ko sabay dikit sa freedom wall.
Ilang segundo akong napatitig sa mga sticky notes at nagpakawala ng isang malakas na paghinga.
"Kung realidad lang sana kayo, siguro hindi ganito kalungkot buhay ko." sabi ko at sabay tumingin sa relo.
7:30 na at kailangan ko ng maligo.
Pagkatapos ay nagbihis saka bumaba na. Pagbaba ko ay kita ko na agad ang mommy ko sa salas namin, nakaupo sya sa sofa habang humihigop ng kape at nagsusulat. 'Siguro meron na namang siyang hearing ngayon...' naisip ko lang.
By the way my Mommy is Lily Verceles, 46 year old, a Private Lawyer. Siya ang nag mamay ari ng 'VERCELES & ASSOCIATES LAW FIRM'. Meron rin kaming mga businesses sa ibang lugar dito sa Pilipinas. Walang husband ang mommy ko, single mom lang siya, I'm her only child and to inform you all, gamit ko apelyido niya dahil hindi ko kilala ang tatay ko and she never told me about him when I asked.
My Mom is always busy and focused on being a lawyer, and nagbabalak rin siyang maging politiko. Hindi kami masyadong close kase madala niya lang akong kausapin, tungkol sa tuition ko pa. Hehe. Hindi niya rin alam ang buong pagkatao ko, hindi ko kase feel mag open up sa kanya dahil takot ako baka hindi niya ako tanggap. Cold ang personality niya pag ako ang kausap niya, hindi ko alam kung bakit pero inisip ko na lang na baka stressed lang siya sa work niya kaya siya ganon. Pero kahit na ganyan siya mahal na mahal ko patin ang mommy ko hehe😔"Good mornig mom" bati ko at di man lang siya tumingin. Sanay na rin naman ako hehe.
"Oh, Samsam iho, halika na dito at kumain baka ikaw pa ay mahuli sa pasok mo." Sabi ni Manang Betty. Siya ang palagi kong nakakausap sa bahay at halos siya na rin ang nagpalaki saakin. "Niluto ko paborito mong adobong manok para marami ang makain mo sa agahan." Dagdag niya pa.
"Salamat ho manang hehehe" usal ko habang pilit na ngumiti at nagsimulang kumain.
"Advance payment mo to para sa whole year tuition mo, eto rin allowance mo for a month" sabi ni mommy sabay abot sa dalawang sobre saakin. "Ayusin mo ang pag aaral mo, because I hate failures." Dagdag niya pa.
"Y-yes Mom" pilit na ngiting sagot ko sa kanya habang bahagyang nakatungo.
"I'll go ahead, Manang? Please take care of the house and everything, I'll be home late, I have a meeting to attend after the 4 hearrings today" sabi ni mom at deretsong umalis.