Chapter 6

3.8K 41 2
                                    

“Kuya, bilisan mo na. Baka mahuli tayo sa flight natin,” naiiritang pag-apura ni Lara kay Rian na nagbibihis pa. Muli siyang kumatok sa pinto nito. Nang hindi pa ito magbukas ay bumalik siya sa kanyang kwarto na katapat lamang ng kwarto nito.

Naupo siya sa gilid ng kama habang abala naman si Shane sa pagche-check kung kumpleto na ba ang kanilang mga gamit. Napabuntong-hininga siya sa inis. Niyakap na lamang niya si Christopher, ang shih tsu na ibinigay sa kanya ni Shane. Hinaplos haplos niya ang balahibo nito. Then Christopher lied on her lap.

“Okay na, Ma. Sa sala nalang natin antayin ang kuya mo,” sabi ni Shane nang matapos ito sa ginagawa. Isinukbit na nito sa balikat ang varsity bag at binuhat ang maletang pinaglagyan ng kanyang mga gamit. Sumunod na siya rito habang karga si Christopher.

Pagdating nila sa sala, naka-abang na doon sina Madeleine at Manang Flor na naiiyak dahil aalis sila. Kinuha ni Madeleine si Christopher sa kanya at inalo naman niya ang mga ito.

“Wag po kayong mag-alala. Saglit lang po kami doon. Pinakamatagal na po ang dalawang linggo,” nakangiti niyang sabi. Tumango-tango lamang ang mga ito. Maging siya ay mabigat ang kalooban na iiwan niya ang mga ito. Ngunit kailangan dahil nais niyang ipakilala si Shane sa mga magulang niya bilang kanyang minamahal.

Napalingon silang apat nang patakbong bumaba si Rian dala ang mga gamit nito.

“Akala ko, hindi ka na lalabas eh,” iritado niyang sabi dito. Agad naman nitong inilapag ang mga gamit at lumapit sa kanya.

“Ito naman, ang sungit. Dumating na best friend mo ano?” tanong nito na ang ibig sabihin ay ang buwanang bisita niya. Masuyo siya nitong niyakap.

“Che! Naiirita ako sa’yo dahil ang bagal mo,” asik niya dito at saka pwersahang inalis ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya. Sabay lang tayo ng schedule, kuya. Nasaisip niya. Nagtungo na sila sa sasakyan at ikinarga dito ang kanilang mga gamit. Nagpaalam naman siya kina Manang Flor at Madeleine. Nagpaalam na rin siya kay Christopher at ibinilin ito kay Madeleine.

“Bye, baby,” paalam ni Shane kay Christopher. Nagpaalam na rin ito kina Manang Flor at Madeleine.

“Wag kang masyadong mag-alala, Shane. Mababait ang mga Betancourt lalo na ang mga magulang nina Ma’am Lara,” sabi ni Manang Flor kay Shane.

“Kaya siguradong hindi ka mahihirapang makuha ang matamis nilang oo para sa inyo ni Ma’am Lara,” kinikilig namang dugtong ni Madeleine.

Nilapitan niya si Shane at hinaplos ang likod nito. “Tama sina Manang, Pa. Wag kang masyadong mag-alala,” sabi niya dito.

“Kami’ng bahala sa’yo ni angel, dre,” pagsang-ayon naman ni Rian sa sinabi niya.

“Salamat po, Manang Flor. Wag po kayong mag-alala,” inakbayan siya nito. “Iingatan ko po si Lara,” sabi nito at hinalikan siya sa noo. Nginitian naman niya ito.

“Aasahan namin yan, Sir Shane. Sige na at baka ma-late pa kayo sa flight ninyo,” pag-aapura ng matanda sa kanila. Muli silang nagpaalamanan at tuluyan nang umalis papunta sa airport.

Abala si Doña Veronica sa paglalagay ng mga bulaklak sa vase nang tawagin siya ng kasambahay nilang si Celine.

“Madam, pinapatawag po kayo ni Don Jaime,” nakayukong sabi ni Celine. Nilingon niya ito.

“Bakit daw, hija?” malambing niyang tanong dito. Nakangiti siyang naglakad papunta sa opisina ng kanyang asawa. Sumunod naman sa kanya si Celine.

“Tumawag daw po si Sir Rian,” nakangiti nitong sabi.

Napangiti siya. Tumango-tango siya at saka nagpatuloy sa paglalakad. Nagtungo naman ito sa kusina.

Pagpasok niya sa opisina, nakita niyang nakadungaw sa bintana ang kanyang butihing asawa.

Butch and Femme (Book 1): My Fragile PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon