Chapter 7

3.6K 41 2
                                    

Matapos kumain, nagkuwentuhan pa sila at pagkamaya-maya ay nagsiesta sila. Tututol sana siya pero napilit din siya ng kanyang ama.

Inihatid ni Shane si Lara sa pinto ng kwarto nito. “Pahinga ka ha. Para gumanda na pakiramdam mo,” sabi niya dito. Tumango naman ito.

“Te amo,” nakangiting sabi nito. Nginitian din niya ito.

“I love you more Ma,” sabi niya. Masuyo niya itong hinalikan sa labi.

“Ehem!” tikhim ni Rian na kanina pa pala nakamasid sa kanila. Nakatayo ito sa pinto ng kwarto nito na katapat lang ng kwarto ni Lara.

“Bakit kuya?” natatawang tanong ni Lara dito. Nginitian lamang nito ang kapatid at bumaling sa kanya.

“Diyan ka na sa kwarto ni angel magpahinga, dre. Hindi rin ako mapapakali kung siya lang mag-isa,” nakangiti nitong sabi sa kanya. Napangiti na rin siya at tumango.

Nang magpaalam ito at magsara ng pinto, pumasok na rin sila sa silid ni Lara.

Dumerecho ito sa walk-in closet. Pagbalik ay may dala na itong mga bihisan at face towel. Nilapag nito ang mga damit sa gilid ng kama. Pupunta sana ito sa banyo para basain ang towel pero pinigilan niya ito.

“Upo ka nalang dito,” sabi niya dito at tumayo. “Ako na’ng magbabasa nito. Relax ka lang dyan ha,” nakangiting sabi niya at saka nagtungo sa banyo na nasa loob din ng kwarto nito.

Pagbalik niya, nakita niyang nakatulog na ito sa kama. Inilapag niya ang basin na pinaglagyan ng towel sa dresser nito at iniayos ito ng higa. Halatang pagod ito dahil hindi man lang nagising. Kinuha niya ang basin at inilapag sa side table.

She gulped when she realized she needs to change Lara’s clothes. Tinitigan niya ito na mahimbing nang natutulog. Mabilis niya itong binihisan at saka binanyusan.

Whew! Hirap nun ah. Pilyong nasaisip niya. Humiga na siya sa tabi nito. Niyakap niya ito at natulog na rin siya.

“Wake up, sweetie,” malambing na sabi ni Shane na nakahiga sa tabi niya. Nagmulat siya ng mata at nag-unat. Umunan siya sa braso nito at yumakap dito. Hinalikan siya nito sa labi. “Sa pool side daw ang dinner sabi ni Rian,”

Bumangon na siya. Pagtayo niya sa kama, nagtaka siya nang makitang iba na ang suot niyang damit. Tiningnan niya si Shane na bumubungisngis.

“Wag kang mag-alala, Ma. Binihisan lang kita at pinunasan para gumanda ang pakiramdam mo,” sabi nito na kinindatan siya.

Nilapitan niya ito at palambing na kinurot ang magkabilang pisngi nito. “Siguraduhin mo lang Mr. Shane Fernestein. Kung hindi –”

“Kung hindi ano? Ha, Ms. Lara Betancourt?” nakangisi nitong tanong sa kanya.

Para naman siyang batang natalo sa laro na nag-“bleh!” kay Shane at humarap sa salamin ng kanyang dresser. Tumawa ito. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya mula sa likod.

“Ma, hindi ko gagawin yun...”sabi nito. Hinalikan siya nito sa pisngi. “...nang wala kang laban,” dugtong nito at bumunghalit ng tawa. Humarap naman siya dito at kiniliti ito. Umatras ito ng umatras habang nakayakap sa kanya at tawa nang tawa kaya napaibabaw siya rito nang mapahiga ito sa kama.

Nagkatitigan sila. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at unti-unting naglapit ang kanilang mga labi.

Masuyo siyang hinalikan nito sa labi habang nakahawak sa magkabila niyang pisngi. Tumugon naman siya sa halik nito.

 “Lika na?” sabi nito nang magkahiwalay ang kanilang mga labi. Hindi nakaligtas sa kanya ang buntong-hiningang pinakawalan nito. Tumayo na siya at tinulungan itong bumangon.

Butch and Femme (Book 1): My Fragile PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon