Chapter 19

2.8K 34 5
                                    

Makalipas ang isang buwan, nagsimula nang maghanda ang magkasintahang sina Lara at Shane. Maging sina Ice at Ashley ay naghahanda na rin dahil sabay ang kanilang magiging kasal. Madalas magkasama ang apat dahil sa preparasyon.

Dahil sa preparasyong ito, hindi na masyadong nakikita ni Lara ang kuya niyang si Rian. Madalas itong umuwi sa bahay ni Gayle. Kapag nakita naman niya ito sa bahay, hindi ito masyadong nakikipag-usap sa kanya at kadalasan ay nagpapahangin lamang sa hardin.

“Besxie, mamili ka na ng design ng gown mo dito, oh,” nakangiting sabi ni Ashley.

Napalingon siya dito. Bumuntong-hininga siya.

“Besxie, okay ka lang ba? Gusto mo na ba magpahinga?”

Tipid siyang ngumiti. “Okay lang ako, besxie. Stressed lang siguro ako sa dami ng ginagawa natin,” pagdadahilan niya.

“Sa preparation ba talaga? O dahil hindi na kayo madalas magkita ni Rian?”

May bahagyang kirot siyang naramdaman sa kanyang puso pagkarinig sa pangalan ng kanyang kuya. Muli siyang bumuntong-hininga.

Tinapik ni Ashley ang kanyang balikat. “Namimiss mo na si Rian ano? Bukod sa ang totoo eh mahal mo pa rin siya hanggang ngayon gaya nung mga bata pa tayo. Tama ba?”

“Besxie, gusto ko nang kalimutan iyon. Ayokong masaktan si Shane. Mahal ko siya,” pagpapaliwanag niya.

“Mas mahal mo ba si Shane kesa kay Rian? Halos kasal na rin itong holy unity na pinaghahandaan natin, Besxie. Hindi mo dapat ipasok ang sarili mo sa ganito kung hindi ka sigurado sa nararamdaman mo kay Shane,” pagpapayo ni Ashley.

“Mas mahal ko si Shane. Hindi kami pwede ni kuya dahil legally adopted ako. Magkapatid kami sa mata ng maraming tao kaya hindi kami pwede. Hindi pwedeng maging kami kahit kailan,”

“Ikaw bahala, Besxie. Basta dapat, kaya mong panindigan kung anuman ang maging desisyon mo. Andito lang ako para sa’yo,” nakangiting sabi ni Ashley.

“Salamat, Besxie,” nakangiti niyang sabi at saglit na niyakap ito.

“Wala iyon, Besxie. Teka nga, nasaan na ba yung mga groom natin? Bakit tayo lang ata ang andito ngayon?” pag-iiba ni Ashley ng usapan.

“Nasaan na nga ba ang mga iyon?” palingon-lingon niyang sabi.

“Hon?” paghahanap ni Ashley sa kasintahang si Ice. “Wait lang besxie. Hanapin ko lang sila,”

Tumango siya. Pag-alis nito, kinuha niya ang catalogue na iniaabot sa kanya nito kanina. Nilipat lipat niya ang pahina hanggang sa makita niya ang dalawang design ng gown na nagustuhan niya. Nakaisip siya ng magandang idea.

Kinuha niya ang kanyang sketch pad at pencil sa kanyang kwarto at saka bumalik sa hardin.

Pinagmasdan niya ang dalawang design ng gown at gumuhit ng isang babaeng walang mukha. Dinamitan niya ito ng isang wedding gown.

Pinagsama niya ang mga design ng gowns na kaniyang nakita sa catalogue. Isang corset, off white na wedding gown ang kanyang iginuhit. Nilagyan niya ito ng mga maliliit na bulaklak na gawa sa lavender sequence sa bandang laylayan.

Nilagyan niya ng manipis na lace ang pinakaibabaw ng tela sa itaas na bahagi ng gown. Sunod niyang iginuhit ang likod ng gown. Ang ribbon nito ay off white din. Ang mga butas na pagsusuotan niyon ay may haplos ng lavender ang kulay. Iginuhit din niya maging ang tiara at lace na veil na katerno ng wedding gown. Pati na rin ang magiging ayos ng buhok ng babae.

Sa sumunod na pahina ng kanyang sketch pad, iginuhit niya ang isang lalaking walang mukha. Iginuhit niya ang magiging ayos ng buhok nito na sa tingin niya ay bagay dito. Dinamitan niya ito ng puting tuxedo. Ang panloob na chaleco nito at necktie ay may bahid ng lavender ang kulay.

Butch and Femme (Book 1): My Fragile PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon