Chapter 5

4.1K 48 2
                                    

Limang buwan na ang lumipas mula ng maging sila ni Lara. Masayang masaya si Shane lalo ngayon na monthsary nila. Pero naguguluhan siya kung anong regalo ang pwede niyang ibigay sa kanyang mahal.

“Hay, ano kayang magandang iregalo sa kanya?” kamot-ulo niyang tanong sa sarili.

Inisip niya ang mga iniregalo niya nung nakaraang mga monthsary nila – relo, kwintas, bracelet at hikaw.

“Aha!” bigla niyang sabi ng biglang may maisip. Nagmadali na siyang maligo.

Maaga namang pumunta si Lara sa Purple House para buksan ito. Magkatuwang na sila ni Shane sa pangangasiwa dito. Ayaw man niya nung una ay pumayag na rin siya dahil sa pamimilit nito. Tumingin siya sa orasan. Napabuntong-hininga siya ng makitang mag-aalas nuebe na ay hindi pa ito dumarating.

Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at dinial ang number nito. Nag-alala siya ng hindi nito sagutin ang tawag niya. Nag-iwan na lamang siya ng mensahe sa voicemail nito at inintay na lamang na dumating ito.

Napano kaya yun? Monthsary pa naman namin. Napabuntong-hininga niyang nasaisip. Lihim siyang nagtampo sa kasintahan at nagpatuloy nalang sa pag-aayos sa cafe.

Magpapananghalian na ng dumating sa cafe si Shane. Agad siyang yumakap kay Lara na alam niyang nagtatampo sa kanya. Nagkunwari siyang masama ang kanyang pakiramdam kaya ang pagtatampo nito ay napalitan ng pag-aalala.

“May masakit ba sa’yo? Napano ka ba?” sunod-sunod na tanong nito habang hinihipo ang noo at leeg niya kung may lagnat siya.

“Ito masakit o,” turo niya sa labi niya habang nakayakap pa rin dito. “Kiss mo,” ngumuso siya.

Natawa naman ito at palambing siyang sinampal. “Puro ka talaga kalokohan. Hmp!” sabi naman nito na muling sumimangot at umirap sa kanya. “Nagtatampo ako sa’yo. Monthsary na monthsary natin, na-late ka pa pagpasok,” litanya pa nito.

“Sorry na, Ma. Natagalan kasi ako sa pag-iisip eh,” paghingi naman nya ng tawad dito. Nakakunot-noo na ito ng muling lumingon sa kanya.

“Pag-iisip ng ano?”

Hindi na siya sumagot. Nginitian lamang niya ito at iginiya sa opisina niya sa loob ng cafe.

Nakangiti niyang binuksan ang pinto. Nakatitig lamang siya kay Lara na naiiyak na dahil sa kanyang sorpresa.

Pinaayos niya ang kanyang opisina. Pinalagyan niya ng white rose petals ang daan mula sa pinto hanggang sa malapit sa mesa. Petals naman ng pulang rosas ang nakapalibot sa mesa. Sa buong kwarto ay nakapalibot ang maraming scented candles. Iginiya niya papasok sa opisina si Lara.

                Lumapit sila sa mesa. Kinuha niya ang maliit na kahon na nasa gitna ng korteng pusong ayos ng mga rose petals at binuksan. Iniharap niya ito kay Lara. Hindi ito nakapag-salita. Kinuha niya ang singsing na nasa kahon at hinawakan ang kamay nito.

“Happy 5th monthsary, Ma,” sabi niya habang isinusuot ang singsing sa daliri ni Lara.

“Happy 5th monthsary din, Pa,” sagot ni Lara at yumakap ito sa kanya. “Kaso,” kumalas ito mula sa pagkakayakap nila. “Kaso hindi ganito ka-bongga yung regalo ko sa’yo,” nahihiya nitong sabi.

“Ano ba yun?” nakangiti niyang tanong dito.

“Sandali lang,” sabi nito na nagmamadaling may kinuha sa counter. Pagbalik nito, may iniabot ito sa kanyang booklet. Pagbukas niya dito, nakita niya ang mga pangalan nilang magkakaibigan. Nakalagay din dito ang date at oras ng flight nila papuntang Paris. Nagtatakang muli niyang binalingan ang kanyang kasintahan.

Butch and Femme (Book 1): My Fragile PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon