Chapter 15

2.8K 32 0
                                    

Maagang nagising sina Shane at Lara. Baclaran day ngayon kaya’t magsisimba sila.

Pagkagising ay mabilis silang bumaba papunta sa dining. Siya na ang nagtimpla ng kape at si Celine naman ang nagsilbi ng mga ito. Dinala niya ang kape na para kay Lara na nakalagay sa isang itim na tasa.

Tahimik silang kumain palibhasa ay mga antok pa ang karamihan sa kanila. Pagkatapos ay nagsibalik na sila sa kani-kanilang kwarto upang maligo at magbihis.

Pagdating sa simbahan, agad na naghanap ng komportableng pwesto si Shane. Umupo siya malapit sa aisle at sa tabi niya ay si Lara. Katabi naman nito ang kapatid na si Rian na katabi naman si Gayle. Sumunod na naupo dito ang mag-asawang Betancourt at ang kanilang driver.

Lord, please make her the girl destined for me. Please make us strong enough to make it through whatever that’s gonna happen. Please give me strenght to protect her from every harm. Amen. Taimtim niyang panalangin habang hawak ang kamay ng kanyang kasintahan.

Matapos magsimba, nagsindi muna sila ng kandila at saka nag-ikot para mamili ng mga damit. Hindi siya makapaniwala na si Lara ay mahilig ring mamili sa mga lugar na gaya nito at maging sa Divisoria.

“Mura kasi ang mga damit dito pero wala ring pinagkaiba ang tela sa mga branded na damit,” katwiran nito. Maging siya ay pinamilhan rin nito ng gamit at damit from head to foot.

Natutuwa rin siya sa itinuro ni Doña Veronica na diskarte sa paghingi ng tawad sa presyo ng mga bibilhin.

Nagpunta sila sa MOA para sa pananghalian. Pumunta sila sa paborito nilang kainan, ang Tokyo Tokyo.

Napapangiti siya habang pinagmamasdan si Lara sa maganang pagkain nito. Maging siya ay ginanahan ding kumain.

Pagkatapos mananghalian ay namasyal sila sandali sa mall at umuwi na rin.

“Mam Lara, nakita po namin ito sa mailbox kanina. Hindi po namin alam kung sino ang nagpadala,” sabi ni Celine na iniaabot sa kanya ang isang CD. Maagap na kinuha ito ni Shane.

“Salamat, Celine,” sabi nito sa dalaga. Nag-bow ang dalaga at pumunta na sa kusina. Hinawakan naman ni Shane ang kanyang kamay at iginiya sa Home Theater room. Sumunod naman dito sina Rian at kanilang mga magulang.

Isinalang nito ang CD sa player at naupo sa harap ng TV. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang eksaktong pangyayari ng panghahalay sa kanya ni Devon. Mabilis na tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Kitang kita niya ang kahayupang ginawa sa kanya nito at ang mukha nito na nag-eenjoy pa sa ginagawa sa kanya.

Niyakap siya ni Shane na naiiyak din. Maging ang kanyang ina ay naiyak din sa napapanood.

“I’ll be giving you a nice revenge,” sabi ng isang boses sa bandang dulo ng video na halatang dinaya.

I’ll be giving you a nice revenge. Paulit-ulit na sabi ng kanyang isip.

“We gotta find whoever this motherfucker is,” galit na sabi ni Rian. “I’ll be giving this to the private investigator and see what he can do,”

“I’ll ask your Tito Morris as well kung anong nangyari noong araw na iyon,” sabi ni Don Jaime na dali-daling lumabas sa kwartong iyon kasama ang umiiyak pa ring si Doña Veronica.

“Mga hayop sila,” umiiyak niyang sabi. Nakatulala pa rin siya sa TV na kahit patay na ay umuulit-ulit ang mga eksenang kanilang napanood kanina lamang.

“Ssshhh,” sabi ni Shane na agad yumakap sa kanya. “We’re just here for you, Ma. We will protect you,” sabi nito sa kanya.

“Pasasaan ba’t mahahanap din natin sila. Don’t lose hope, angel. Just be strong,” sabi naman ni Rian na hinahaplos ang balikat niya. “They will pay for this,” mahinahon pero malamang sabi nito.

Butch and Femme (Book 1): My Fragile PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon