Chapter 3

4.4K 49 2
                                    

Pagkasara ni Rian ng pinto matapos magpaalam ng kanilang mga kaibigan, agad itong lumapit kay Lara na umiinom ng martini at nakaupo sa stool. “What do you think of Shane, angel?”

Nagtaka siya sa tanong nito. “What do you mean?” balik tanong niya dito.

“I mean, what if she wants to court you? If she’s inlove with you?” magkakasunod na tanong nito. Natawa siya at umiling.

“That’s impossible, kuya,” nakangiti niyang sagot dito.

“Is it that or is it your fear?” tanong muli nito. Napatingin siya dito.

“Fear, I guess,” napabuntong-hininga niyang sagot. “Fear of being hurt,” dugtong niya at tumingin dito.

Umiling ito. “Shane is different, angel,” pumasok ito sa mini bar. “She’s like your handsome brother. Never made a girl cry. Kami pa nga ang iniiwan,” nakangiting sabi nito habang nagtatagay ng martini sa baso. “But I’m glad Gayle and I are happy with each other,” sabi nito habang nakangiti.

Inisang lagok lang niya ang natirang martini sa kanyang baso. Pagkalapag nito, naalala niya ang pagkanta ni Shane kanina. Pero hindi siya si Sean. Naisip niya at muling nagtagay ng martini.

Paulit ulit na binasa ni Shane ang offline message ni Lara sa kanya na isang linggo na niyang hindi nakikita. Ilang araw na rin siyang hindi nagpi-PM dito bilang Sean dahil pinanghinaan siya ng loob ng malamang ayaw nito makipag-relasyon sa gaya niya. Dahil dito, nawalan din siya ng lakas ng loob na amining siya at si Sean ay iisa. Napalingon siya ng may tumapik sa balikat niya.

“Dre, pasensiya na kung na-late ako ng pasok ha,” nagkamay sila. “Inasikaso ko pa kasi si Lara. Masama kasi pakiramdam niya,” sabi ni Rian. Lihim siyang nag-alala para dito.

“Huwag kang mag-alala,” sabi nito na parang nabasa ang nasa isip niya. “Hangover lang naman,” nakangiti nitong sabi.

He sighed in relief. Tumango siya.

“Nga pala, nagkausap kami kagabi,” sabi ni Rian.

“Tungkol saan?” kunot noo niyang tanong dito. Isinara niya ang kanyang laptop at humarap dito habang nakaupo.

“Tungkol sa nararamdaman mo para sa –”

“Pre naman, eh. Hinayaan mo man lang sanang –”

“Relax lang,” putol nito sa sasabihin niya. “Patapusin mo muna kasi ako,”

Napabuntong-hininga siya. Pagkatapos ay tumango.

“Tinanong ko siya kung paano kung ligawan mo siya,”

“Anong sabi?” nasaktan na siya hindi pa man niya alam ang sagot.

“Uhm,” huminto ito at tumingin sa kanya. “Natatakot daw siyang masaktan,” nakangiting sagot nito.

Muli siyang napabuntong-hininga at napayuko. “I knew it,” malungkot niyang sabi at tumayo.

“Pero pinagtanggol kita,” sabi nito na ikinalingon niya. Humarap siya dito.

“Paano?” tanong niya dito.

“Sabi ko, iba ka. Na magkapareho tayong hindi nananakit ng girls,” natawa ito. “Na tayo pa nga ang iniiwan,”

“Then?”

“Hindi siya sumagot,” sabi nito.

Tumango siya. “Let’s go back to work,” sabi niya at naglakad papalayo.

“But you can change that by telling her the truth,” pahabol na payo ni Rian sa kanya. Nilingon niya ito.

Lihim siyang nasaktan sa nalaman. Na ganun pa rin pala ang tingin ni Lara sa kanila. Pero lihim din na lumakas ang kanyang loob dahil sa payo ni Rian. “Let’s go,” sabi niya dito na hindi nagbabago ang ekspresyon sa kanyang mukha.

Butch and Femme (Book 1): My Fragile PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon