067 // narration.

23 7 0
                                    

"Gago panic mode talaga kami nun"

"Onga, bigla ba naman na wala pagkatapos niyang mag lasing at mag wala"

"Mga bisita iniwan hahahahaha"

"Bakit naman? San pumunta?" Tanong ni Lucas kina Ten na kinukwentuhan siya.

They shrugged.

"Ewan pero mabuti naman 'yon kasi pag kabalik niya naging maayos kausap"

"Baka nag unwind or something"

"Parang bakla ka mag salita"

"Ikaw bobo baka di mo lang alam ang meaning"

I just rolled my eyes and shook my head at pinagpatuloy ang pag gawa ng activity. Wala talaga silang paguusap na di natatapos sa kagaguhan.

"Anong nagyayari dito?" Tanong ni Jake na kakadating lang dito sa may tambayan.

"San ka galing?" Tanong ni dominic.

"Dun sa--"

"Club?" Troy cutted him off kaya napatawa kami.

"Gago"

Nag asaran pa sila kaya nairita ako at nag paalam na lang para umalis. Sinundan ako ni Lucas at hinatid sa room tapos nag paalam na din umalis.

I slightly smiled when I saw the milk ice cream on my table.

How does he do that?

Nilapag ko muna yung mga gamit ko bago ako umupo at kinain 'yon.

Nung naubos ko 'yon pinaglaruan ko 'yon out of boredom. Kumunot ang noo ko nung napansin na may nakasulat sa ilalim nun. Nagtaka ako kun meron din kaya nakasulat sa previous na mga containers.

imysb.

Huh?

naputol yung pag iisip ko nung bigla na pumasok ang prof. at nagsimula na mag klase.

Di pa dismissal ni Lucas at nag kita kami ni Jeno kaya kami ang sabay pauwi, nag uusap lang kami ng kung ano ano.

"Malapit na pala graduation niyo, anong first mong plano, jenduck?" tanong niya habang kumakain ng fishball na binili namin. Nag palibre na ang dami dami pa, kapal.

"Mag iipon to get my own condo" sagot ko.

"Di naman pwede na doon padin ako mag stay sa bahay tapos aalis kapag nandoon sina tita. Para akong tumatakas" natatawa kong sinabi that made him give me a sad smile.

"pwede ba ako doon?"

"Pwede basta may duct tape yang bunganga mo" medyo binangga nita ako sa balikat ng konti kaya napatawa ako.

Nag usap pa kami nun may tunawag sa kaniya kaya sinagot niya 'yon.

"Oh kelan daw? Huh? Ang bilis naman, bukas agad?! Hay sige sige" pinatay niya na yon at sinuot sa bulsa niya.

"Aalis raw si Ty, he's been processing everything at last na 'yon kanina. Dumaan lang siya saglit sa school"

Kaya pala di siya madalas pumapasok these days.

"Saan daw siya pupunta?" Tanong ko.

"Ibang bansa, di niya sinasabi kung saan" natatawa niyang sinabi.

"Ang bilis, di na lang inantay hanggang graduation niyo" natatawa niya paring sinabi pero halatang medyo nalulungkot siya. Sigurado sila rin, masyado silang close lahat.

Nabigla rin ako kasi ngayon ko lang nalaman. I tried my best not to be bothered by it, makakatulong din naman ito sakin sa pag kalalimot sa kaniya. Nilagay ko na rin siya sa ignored messages.

After nung gabi ng birthday niya na pumunta ganun pa rin yung treatment sa amin sa isa't isa, parang invisible. Sobrang nagtaka ako kung bakit niya ginawa at sinabi ang mga salitang 'yon pero mababaliw lang ako sa kakaisip ng sagot dahil kung makaacto siya para namang di 'yon nangyari kaya sinunod ko nalang. Di rin naman ako makakuha ng sagot eh.

I smiled bitterly.

Kinabukasan, afternoon lang yung klase ko. Nadaanan ko sina Ten na ngumingiti naman pero halatang may halong lungkot at naiintindihan ko naman so I tried to cheer them all up. Inexpect ko na na wala na si Ty at sa mga susunod na araw. Pagkapasok ko sa room meron ulit ng milk ice cream kaya kinain ko 'yon at naisipang tignan sa baba nun.

I'll be back.

jade ➼ taeyongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon