069 // narration.

25 7 0
                                    

"So why did you take me here?" Tanong ko ky Jake habang lumalakad lakad kami.

Dinala niya ako dito sa part ng beach na pinag aari niya, may maliliit na mga beach house, merong mga fairy lights sa mga kaunting puno at sa kalayuan may nakikita akong liwanag pero di ko makita ng maayos dahil nga malayo galing dito.

"I just wanna talk to you about some things" sabi niya habang nakapamulsa at nakatingin lang diretso kaya kumunot ang noo ko,

"Like?"

He smiled,

"Have you ever thought about him?"

Ty? Always.

Pero bakit niya naman tinanong 'yon out of nowhere? Medyo bumilis agad ang tibok ng puso ko. Nakamove na ako ng kaunti but I still miss him.

"Bakit mo naman tinatanong?" Kunot noo kong sinabi.

"Like, don't you ever wonder why na kahit na sa'yo na palage ang attention niya pinili niya parin nun si Nessa?"

Aba hindi ko alam! Malay ko pero napaisip ako, I never expected him to choose me but I did hope a bit. Nako! Ayaw ko 'to pag usapan, palagay ko makakaramdam na naman ako ng sakit masisira yung pag momove on ko.

"That was years ago why are you bringing that up" pinilit kong tumawa.

"Just answer my question" natatawa niya ring sagot.

Hay, I guess wala namang masama doon. Isa pa, matagal na rin kaming mag kaibigan kaya sige na nga.

"Di ko 'yon napansin but now that you've mentioned it, I kinda do"

"Do you wanna know why?"

Ewan, baka masasaktan lang ako sa isasagot niya. Pero bahala na.

Tumango ako sa kaniya

"Habang nag uusap kayo, 'yon yung ang time when Ty finally decided to break up with her"

Huh? So matagal na silang wala?

"Sa mga na gagawa ni Nessa unti unti na siyang inaayawan ni Ty kahit ilang beses na siya binigyan ni Ty ng pag kakataong mag bago, he was always in a bad mood. Araw araw, pansin namin 'yon"

Nagagawa? Was she cheating on him?

"Tapos habang nag uusap na kayo, na pansin din namin parang ang saya niya na araw araw ng gagong 'yon" natatawa niyang sinabi kaya napatingin ako sa kaniya.

Wtf.

"Then one night nung umiinom kami he came up to me and said he was falling, hard.. he was smiling and was like 'I think mahal ko na siya, pre'"

Tumingin ako sa kaniya, trying to process everything.

"si Jade"

Napaawang ang bibig ko. I didn't know what to feel. Totoo ba 'yan? At kung oo, ganun na pala ang nagyayari noon ni wala akong clue. Sa isip ko lang talaga noon magkaibigan kami na minsan magkaaway while there I was falling for him, only to know that he was too. Ang dami dami kong tanong.

"Even though you acted like a war freak, he still sees how great you actually are, defense mechanism mo lang daw 'yon" he chuckled.

"He said he never thought he'd like you and your personality, you just seemed different daw"

"Th-then why did he choose her?" Nauutal kong tanong.

"di niya matanggap na nakikipag hiwalay siya sa kaniya and she knew na intresado sa 'yo si Ty so she started threatening him, may sinasabi siyang mga bagay na gagawin niya raw sa 'yo and Ty knew kun gaano ka bayolente si Nessa, hindi siya mapapigilan kaya pinili niyang lumayo sa'yo"

That explains everything.

"For him the least thing he could do was to buy you milk ice cream kaya 'yon ang ginawa niya at nilalagay palage sa table mo, minsan naman kung nakabantay si Nessa ako yung pinapalagay niya" he chuckled.

Napangiti ako. Sa kaniya nga 'yon, I knew it. Kaya lang naisipan ko na na siya 'yon nung last time na niyang bilhan ako nun.

I don't know why pero naluha ako, I can't figure out kung bakit. Joy? Sadness? Pag hihinayang? Ewan.

What makes me sad is that, now that I know everything wala na siya dito. Baka nga hindi na rin babalik. Ang lungkot, sobra. Yung tipong medyo naka move kana tapos isasampal naman sa'yo ang sobrang rami na information na di ko alam kung paano ihahandle. What makes it worse is that the person he's talking about is no longer here. Yung taong palaging laman ng isip at puso ko. Yung palaging nag pa-pop up.

"Bakit mo pa ba sinasabi sakin lahat 'yan? It's not like he'll come back" I said while wiping my tears off.

"And that was years ago he probably doesn't feel the same way anymore"

Huminto siya sa paglalakad and then he pursed his lips,

"I wouldn't say that"

"Bakit?"

Ngumit siya tapos tumingin sa likod ko kaya kunit noo akong tumingin sa kaniya bago tumingin din doon.

"Hey"

jade ➼ taeyongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon