CHAPTER 1

37 8 0
                                    

"Gem, tara laro tayo!!" sigaw ng kaibigan ko, si Isabel

Dumating na naman ang tag-init na panahon, summer kumbaga. Naging kagawaian na namin nina Isabel ang maglaro umaga pa lang.

"Teka lang! Hinahanap ko lang yung tsinelas ko!" Sigaw ko mula sa loob ng aming bahay.

"Ah! Ganoon ba? Sige, una na muna kami nila Sanchi sunod ka agad ha?" Sabi nya at tuluyan ng umalis sa aming bahay.

Nang makita ko na ang tsinelas na aking hinahanap dali-dali akong kumuha ng bimbo at uminom ng tubig mula sa kusina bago tuluyang lumabas. Pag dating ko sa aming hacienda nandoon na ka agad ang mga kalaro ko at nag lalaro na ata.

"Uy! Sali!" Sigaw ko ng makita kong sine set-ip na nila ang chinese garter.

"Sakto! Ikaw daw ang mother sa kabila!" Nagulat na sabi ni Sanchi at mukhang ngayon lang ako napansin. Naglaro kami hanggang sa umabot na iyon sa pinakamataas.

"Go Gem! Kaya mo iyan!" Sigaw ng mga ka-grupo ko, lahat sila ay namatay na dahil hindi na nila kaya ang taas nito. Pagkatapos ng tatlong talon para sa mga kagrupo ko ay huminga ako ng malalim, bago pa man ako tumalon nag thumbs up ako sa kanila para sabihing kaya ko pa. Lumayo ako sa garter upang maka buwelo, at ng malapit na ako, tumalon ako sa pinaka mataas na kayo, ngunit bago pa ako makababa ng ere ang paa ko ay pumulupot sa garter dahilan ng pagkawala ng aking balanse at tuluyang bumagsak sa sahig. Agad na lumapit ang mga kaibigan ko para tignan kung okay lang ako.

"Hala Gem! Dumudugo iyang tuhod mo! may sugat ka ata!" ani Angel ng mapuna nyang may dugo doon, agad akong napitingin, hindi naman ganoon kasakit kaya, kaya ko pa itong tiisin.

"Teka! Meron ako ditong tubig, buhusan natin ng malinisan iyan," Sabi ni Kate at nagmadaling kunin ang bag nya "May panyo ka ba riyan?" Tumango ako, hinugot ko ang panyo sa bulsa ko at binigay ito sa kanya "Sabi ng mama ko, kapag nagkasugat raw ako ay buhusan ko daw ito muna ng tubig para daw matanggal ang dumi na maaring kumapit," seryoso ang bawat galaw ni Kate, tinupi nya ang panyong ibinigay ko at inilagay ito sa sugat kong dumudugo "tapos lalagyan daw ito ng panyo para hindi tumulo ang dugo" pag ka-ikot ni Kate ng panyo sa tuhod ko ay inilagay nya ang kamay nya sa likod ng tuhod para matali ito at hindi malaglag. "Ayan! Okay na! Pagdating nyo sa bahay nyo palagyan mo yan ng alcohol at betadine." Nakangiting sabi nya.

Lahat kami ay namangha sa sinabi nya, dati pa man palagi nyang sinasabi samin na paglaki nya gusto nyang maging doktor, siguro ay dahil parehas ng kanyang magulang ay doktor.

"Wow! Kate ang galing mo!"

"Manang mana ka kay tita!"

"Pwede ka na maging doktor"

Nahiya ng konti si Kate ng marinig ang pag pupuri ng barkada, ng makatayo ako lumapit ako sa kanya at nagpasalamat.

"Kate, salamat ha?" sabi ko ng buong puso.

"Ano ka ba? Wala lang yon, para saan pa't naging magkaibigan tayo?" Nangingting sabi nya.

Dahil sa sinabi nya ay agad akong napangiti at niyakap sya.


**

"Ahhhh!" sigaw ko ng buhusan ng nurse ni mama ang sugat ko "Ang sakiit!" angil ko at nilayo ang tuhod sa kanya ng ambangan nya itong lagyan ng bulak na may alcohol ulit.

"Ma'am Gem, kailangan po malagyan ng alcohol ang sugat nyo para mawala ang bacteria at germs na maaring pumasok" paliwanag ng nurse.

"Ha?! Pano naman ako? wala akong pake sa bacteria at germs na yan! 'di ko naman kilala 'yan!"paliwanag ko sa nararamdaman ko.

Started with You (You Series #1)Where stories live. Discover now