CHAPTER 4

15 6 0
                                    

"Jace! Claire!"

Lumapit sila sa amin at yumakap. Tinanggap ko iyon ng buo. Ang ideyang kasama sila sa aming party next week ay nakakatuwang isipin. Lahat kami ay dumiretso sa isang resto. Sila Sanchi na ang bahalang umorder para sa amin. Mailap parin sa amin si Claire, siguro ay ngayon lang kami nakita. Pero ang mas nakakagulat ay sobra ang pag ka-ilap nya sa akin. Sa tuwing mag bubukas ako ng topic ay tinatpos nya lang ang usapan namin sa isang pangungusap lamang.

"So, kumusta studies, ate Claire?" I said, initiating a conversation. Again.

"Good. Sakto lang, medyo mahirap kasi ang mga subjects ko, pero keri lang." She said then inverted her gaze into her phone again freezing our convo.

Dumating na sila Sanchi dala ang food namin.

"Hey, sorry matagal." Sabi ni Sanchi.

"No, okay lang. Here, let me help you." Sabi ni ate Claire at tinulungan sila Sanchi. Naiingit ako sa kanila dahil sobrang comfortable ni ate Claire kila Sanchi. Samantalang ako. Sobrang iwas.

Habang kumakain kami ay nararamdaman ko ang titig ni Jace sa'kin.

"What," I said, brows up. Confronting him.

"Nothing. Bakit 'di ka namamansin?" Puna nya.

What the hell? Ako pa ngayon ang di namamansin. Samantalang yung jowa nya yung 'di ako pinapakisamahan.

Inirapan ko na lang si Jace at tumuloy sa pagkain.

"Nako! Huwang mong pansinin yan. Paano ba naman, naputol namin yung landian nila nung grade 9 student." Paglaglag ni Angel sa'kin.

"Hoy! Ang kapal mo, di ko kalandian 'yon! Partner ko lang 'yon sa prom dance," pag dedepensa ko.

"Partner pero may kitaan after class?" gatong ni Kate.

"Alam mo ikaw, 'di ka naman ganyan kadaldal e. Kakadikit mo yan kay Angel." Akusa ko.

Nagtawanan silang lahat. Pinagtulugan ba naman ako! Anong laban ko don.

"Grade 9? Mas bata sa'yo?" Jace brows furrowed.

"Mas matanda sa'kin 'yon, late lang sya nag aral dahil 'di marunong mag-english. Pero mag aaccelerate yon next year." Pagpapliwanag ko.

Tumango lang sa'kin si Jace at nagpatuloy sa pag-kain.

Lahat kami ay kumain na. Pagkatapos pumunta kami sa TeaZone. Tambayan namin ni Sanchi at nag-arcade games.

"Hoy, ano ba! Napakadaya mo, Jace!" Sabi ko sabay busangot.

"Ako pa ngayon ang madaya? binigay ko na nga sayo halos lahat ng puwesto rito e," angal nya sa sinabi ko.

"Ano naman ngayon," tinaasan ko sya ng kilay "eh ikaw nga itong nangungurot e!" irap ko tsaka tumingin ulit sa screen.

"Oo na, sige na. Ako na madaya," pagsuko nya.

"Aww," si  Angel, Kate, at Sanchi.

Napatingin kaming dalawa ni Jace sa tatlo naming kaibigan.

"Nakaka-miss naman ang summer days natin," si Angel.

"Oo nga, halos araw-araw mag-away yang dalawang yan," gatong pa ni Kate.

"Tapos," si Sanchi. Nagtinginan silang tatlo.

"Hindi naman mapag-hiwalay!" Sabay-sabay na sabi ng tatlo.

"Tigilan niyo ako ha," pag-irap ko sa kanila.

"Grabe kayo sa amin ah, parang kayo 'di ganon," pag de depensa ni Jace saming dalawa.

Lahat kami ay nagtawanan. Napatigil sa biglang pagtikhim ni Claire sa amin.

Started with You (You Series #1)Where stories live. Discover now