"Gem, pasama naman ako oh! sa library sana." pag-aya ni Sanchi sa'kin.
Kasalukuyan kaming naka-upo sa isa sa mga benches dito sa court ng school namin. Nagbabasa ako dito ng novel na kailangan namin para sa isang project at ito namang si Sanchi ay hindi mapakali sa kanyang inuupuan.
"Bakit? Anong gagawin mo doon?" Angil ko, imposible naman na kumuha sya ng libro doon sobrang tamad kaya mag-basa ni Sanchi.
"Don ka na lang kaya mag-basa?" Sabi nya na tila naka-isip ng magandang ideya
"Bakit nga? Ano ngang gagawin mo 'don? Pwede naman akong mag-basa rito, anlamig doon mahirap mag-focus."
"Eh kasi naman!" Pinag papadyak nya ang paa nya na parang batang di pinayagan ng magulang. "Pogi raw kasi yung bagong bantay roon!" sabi nya.
Jusme! akala ko naman kung ano.
"Please!"pag mamakaawa nya "Samahan mo na ako! Libre kita Milktea pa-uwi!" Pang-uuto nya sa akin.
"Sige na! Basta large ah?" Tawa ko.
"Oo sige!" Ani Sanchi sabay kuha ng backpack at gamit namin.
Nakadating na kami sa library, walang tao sa front desk kaya nag log-in na lang kami sa nakabukas na log book doon at pumirma. Dumiretso na kami ni Sanchi sa loob para makahanap ng upuan. Binuksan ko na ang librong binabasa ko kanina pa.
"Ano ba naman yan!" Pagdadabog ni Sanchi.
"Bakit na naman?" Kunot kong tanong, pano ba naman kanina pa ako ginugulo nito sa pag-babasa ko.
"Hindi ko makita!" sabi nya at ang ulo nya ay naka-angat na tila may hinahanap.
"Ang alin?"
"'Yung gwapong bantay!"
"Baka nandyan lang iyan nag-aayos ng libro," sabi ko sabay ayos ng salamin na nahulog na sa ilong ko.
"Sige, mag-iikot ako." Sabi ni Sanchi at iniwan ako. Buti na lang at umalis na sya. Makakapag-basa na ako ng payapa.
Pagkatapos ng ilang minuto, naka balik sa si Sanchi. Busangot ang mukha.
"Oh, 'bat lukot 'yang mukha mo?" sabi ko na natatawa.
"'Di naman pogi, maputi lang" asik nya. Natawa ako sa reaksyon nya, sobra syang apektado! "Sayang punta natin dito! Nag-ikot pa ako!" Sabi nya sabay kuha ng mga gamit nya na nasa lamesa.
"Oh alis na tayo?"Sabi ko.
"Tara na, uwi na tayo" Sabi nya, gamit ang tonong disappointed.
"Hoy! May milktea pa ako!" Pagpapaalala ko.
"Oo na sige na!" sabi nya at tuluyan ng lumabas ng library.
Ang gagang to! Iwanan ba naman ako dito!
Kinuha ko na ang mga gamit ko at dali-daling sinundan si Sanchi. Dumiretso kaming dalawa sa isang milktea shop malapit sa school ang pangalan nito ay TeaZone kung saan meron ding mga arcade games at library spot.
"Maya na tayo order, inatayin natin sila Angel and Kate susunod daw sila. Tawagan ko lang" Tumango ako.
Ginawa kong busy ang sarili ko sa pag laro ng mobile games sa cellphone ko, maya-maya nag chat na sa'kin si Jace.
Jayson Carmer Active now
Jayson Carmer: ano ginagawa mo? sabi sa'kin ni Sanchi nasa milktea raw kayo.
Me:Wala naman ako masyadong ginagawa, nag lalaro lang ako mobile games. Inaantay lang namin si Kate at Angel.
Jayson Carmer: ganon ba? sige, enjoy kayo! :)
YOU ARE READING
Started with You (You Series #1)
Novela Juvenil"Siya, kapag kasama ko siya. Nararamdaman ko na 'di ako nag-iisa, yung tipong kaya kong ibigay ang lahat ng kasiguraduhan ko sa kanya. Siya, siya yung taong 'di ko inaakalang makakasundo ko, sa saya at hirap ng buhay ko. Siya, siya yung pinaka unang...