THE REASON

3.7K 65 6
                                    

SUE***

Im home.

Simula ng gabing yun ay naisipan ko munang umuwi para mapag-isa at kung gabi naman busy ako sa pagpapractice kasama sina Dew, Marielle at Leanne. Swimming ang naging hobby ko dito sa bahay.

Katulad ngayon habang nakatwo piece ay sinusuyod ko ang kailaliman ng hmmmm swimming pool na parang mermaid.

Ewan ko ba pero hanggang ngayon naaapektuhan pa rin ako ng malaman kong hanggang ngayon sila pa rin pala ng babaeng yun. Anu kaya ang pagmumukha ng Roxanne na yan? I would love to meet her in person. Gusto ko siyang pagbantaan na layuan si Gus. Gusto ko siyang sabunutan at samapalin.

Pero kahit gawin ko man lahat yun alam kong ang babaeng pa rin yun ang kakampihan niya. That girl is his whole life. May pagka-immature man siya minsan at nakikipaglaro ng apoy sa akin pero alam kung mahal na mahal niya ang babaeng yun.

I feel like crying pero hindi ko magawa dahil kasalukuyan akong sumisisid.

"Senyorita!"

I heard someone called me. Umahon ako ng pool at nakita ko si yaya Lina.

"Yes?" - I ask habang sinusuot ang bathrobe ko.

Napailing ito.

"Pinapatawag po kayo ng auntie nyo."

"Nasan siya?"

"Nasa office niya senyorita."

"Okay."

Agad ko naman siyang pinuntahan sa office niya.

She's my legal guardian at siya rin ang namamahala ngayon lahat ng mga ipinamana sa akin nina mom and dad bago sila namatay sa isang plane crash. Kasama na doon ang university na pinag-aaralan ko ngayon.

Busy ito sa kakasulat sa kanyang table.

"Whats up my dearest aunt?" Humiga ako sa sofa.

"One of your professors reported me this morning na ilang araw ka na daw na hindi pumapasok. Anong problema?" - Aunt Stella

"Im just tired." - pagsisinungaling ko.

"Tired or its because of Fergus?"

"Pwedeng both? Bakit ba kasi tinanggap nyo pa siya sa school in the first place?"

"Its his father's decision and we have a deal."

"Anong deal?"

"Were business partners right? So we decided na ipakasal kayong dalawa and if nagmerge na ang lahat ng mga companies na mamanahin mo at ni Gus when that time comes lalong magiging matibay ang pundasyon ng mga negosyo natin. At hinding- hindi na tayo mapapabagsak ng kalaban nating kompanya."

'That's sounds interesting. Pero panu nyo naman mapapasunod si Gus? He had a girlfriend."

"Yeah, we know that. And thats the reason why we put Fergus into our school."

"What do you mean?"

"At dahil may kasunduan kaming dalawa ng papa ni Fergus ibig sabihin hindi niya gusto ang girl para sa kanya. Danilo is doing his best para mapaghiwalay silang dalawa."

"Just go on."

"Sa iisang school lang sila nag-aaral kayat syempre lagi silang magkasama so para mailayo si Fergus sa girlfriend niya we decided to transfer him into your school. Una, para mapaghiwalay sila ng babaeng yun and second, para mas lalo kayong maging malapit sa isa't-isa."

"What a brilliant idea!"

Napangiti si Aunt Stella sa sinabi ko.

"Hay Sue ikaw pa lang ang unang babae na nakilala ko na nasiyahan dahil sa arranged marriage."

Sexy, Naughty, Bitchy.......ME!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon