HE'S AVOIDING ME!

3.5K 71 0
                                    

SUE***

We have our P.E. class today kayat naka-P.E. uniform ako ngayon with matching headband pa sa ulo.

We are going to play volleyball today. How exciting. Kahit pagod ako dahil sa mini concert namin ng saturday sa boracay ay hindi ko alintana dahil sa tuwing maalala ko ang nangyari samin ni Gus last friday ay napapangiti ako at na-e-energize. Lalong lalo na nang dun siya natulog hanggang almusal. Actually ginamit ko lang naman nang time na yun ang acting skills sa workshop namin ng girlfriendz last last year. Galing ko diba? Paniwalang-paniwala si Gus.

Maya-maya ay nakita ko siyang pumasok sa gym. Tumabi siya sa kay Nicole, isa sa mga kaklase namin. Di ko naman mapigilang mapakunot-noo.

Nang sinabi ni Prof Jordan na maghanap ng partner ay agad akong nilapitan ng mga kaklase kong lalaki. Hay...magiging partner ko pa nga lang sa volleyball marami ng yumayaya sakin nu pa kaya kapag ball na.

"Excuse me."

Hinawi ko ang mga kalalakihan sa harap ko at nilapitan si Gus.

"Gus, partner tayo." - I said then hold her hands para hilahin siya papunta malapit sa volleyball net.

Bago ko siya hilahin ay tinanggal niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.

Nagulat ako at medyo nasaktan sa ginawa niya.

"Sorry Sue may kapartner na kasi ako ehh. Si Nicole." - Gus.

Napatingin naman ako kay Nicole at halatang nagulat ito pero napangiti rin pagkatapos.

Ngumiti ako to hide the pain.

"Ahhh..okay." - ako.

Umalis din ako agad at pinagkaguluhan nanaman ulit ng mga boys dahil wala pa akong partner.

"I choose Mike." -I said bago umupo sa bleachers. Agad din namang tumabi sa akin si Mike with matching akbay pa.

"Thanks for choosing me sexy." - Mike.

Ewan ko ba pero parang nakita kong tiningnan kami ng masama ni Gus.

Aba't ako na nga ang napahiya sa pagyaya sa kanya, siya pa ang galit?

Nasa kalagitnaan na kami sa paglalaro at pagpapraktis ng volleyball nang bigla kaming pinagbreak ni prof Jordan. Agad naman kaming nagsipagpuntahan sa cafeteria para magrecess.

Magkasama pa rin kami ni Mike habang si Gus naman ay nag-iisa na lang na kumakain sa isang table.

Minsan naman ay pasulyap-sulyap siya sa akin at di nagtagal ay di ko na napigilan ang sarili ko. Umupo ako sa mesa niya.

"Hi..pwedeng makishare sayo ng table Gus?" - ako

Ngumiti naman siya kayat nabuhayan ako ng loob.

"Okay lang total tapos na rin naman akong kumain. Maiwan na kita diyan ha? At babalik na ako sa gym." - Gus

Umalis rin naman agad ito at naiwan akong nag-iisa sa table.

Nilapitan naman agad ulit ako ni Mike at mga barkada niya.

Nilalayuan ba ako ni Gus?

Ano ba ang nagawa kong kasalanan?

Napakabipolar talaga ng lalakeng yun.

Ang kaninang masaya kung mood ngayon ay napalitan na ng lungkot.

Halos di ko naman naubos ang kinakain ko. Nawalan ako ng gana. Bumalik ako sa loob ng gym kasama sina Mike.

Bakit kaya ganyan ngayon si Gus?

Okay naman kami nung friday ah. Sa tingin ko nga nag.enjoy pa siya sa ginawa namin that time. Hindi lang enjoy, enjoy na enjoy.

Sexy, Naughty, Bitchy.......ME!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon