Bukas ang flight ko papuntang probinsya and on my last day sa city, I will meet my bestfriends Mary and Eve. Both of them have a a happy lovelife and ako nalang yung single. Eve is still with Ron while Mary is already engaged with Kelvin. I am happy for the both of them and last night, it just came to my mind na I won't look for a relationship anymore. Naisip ko na baka pinipilit ko nalang ang sarili ko sa isang relasyon at baka di naman talaga para sa akin. Kasi bakit lagi akong nasasaktan? I have always been a good girlfriend at di din ako nagger. I am not a demanding gf as well, so why? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Kaya ayun, bagong environment, bagong ako. NO.MORE.BOYS.
Kagabi, may nabasa ako na di daw talaga lahat ay magkakaroon ng asawa at meron talagang mga taong itinakda ang Diyos na maging single habangbuhay. Maybe I am one of those people and last night, I've come at peace with the idea of being single forever. Come to think of it, may mga pros din naman talaga ang pagiging single and last night, narealize ko na it will be better for me to stay as one. Siguro sa daming beses ko ba namang nasaktan, mas makakabuti na din talaga na ako nalang mag-isa. Magiging cat lady or dog lady nalang ako. At least sila, loyal! Also, pumasok din sa isip ko ang pag-aadopt.
I am on my way to Mary's house kasi dun nalang ang meet-up namin for my farewell party kuno. Pagdating ko dun, niyakap ako agad ni Mary.
"Mirianne! Di na ba talaga magbabago isip mo?"
"Nakakaloka ka Mary, pang ilang beses mo na tinanong yan. Mas makulit ka na sa 'kin ngayon? Yan ba natutunan mo kay chinito?"
ang sabi ko sa kanya habang nakayakap sya sa akin. Sobrang happy ko para sa baby namin na 'to. Sya yung may pinaka kaunting experience sa lovelife sa aming tatlo pero sya pa itong maunang ikakasal. Ako yung laging may boyfriend noon pero tingnan mo nga naman."Mejo malayo pa naman kasal nyo. At saka, lilipad ako sa kasal mo kaya wag ka na magmukmok dyan. Lilipat lang ako ng lugar pero pede pa rin naman tayong magusap araw araw."
Eve came after a while and nagkwentuhan lang kami hanggang dumating na din ang mga boyfriends nila. Ang mga magulang naman ni Mary ay marami ring reminders sa akin. Biniro pa nga ako ni Tito na baka daw doon sa probinsya ako makahanap ng magiging asawa.
"Nararamdaman ko, makikilala mo ang magiging forever mo dun, nak,"
"Ay naku Tito, di na po ako magjojowa. Nasabi ko na din po kina mama kanina. Ayun, tinawanan lang ako pero seryoso naman po ako. Nakapagdesisyon na ako tito, single na lang ako habangbuhay. Tapos pag medyo tingin ko handa na ako, mag-aampon nalang po ako." explain ko sabay tawa. Pero seryoso na talaga ako. Ilalaan ko nalang ang pagmamahal ko sa iba like sa pets or ayun nga, mag-aampon ako. Palagay ko kasi nasasayang lang 'pag sa lalaki tapos nasasaktan lang naman ako. Kung pede nga lang ibenta ang pagmamahal ko binenta ko nalang eh, nagkapera pa ako.
"Hindi mo yan masasabi, nak." ang sabi naman ng mama ni Mary.
"Ay no no no no tita. I am so decided na talaga. Single forever na me. Cross my heart, hope all of my ex die."
Sumabog ang tawa ng mga kaibigan ko dahil sa sinabi ko. Akala ata nitong mga to eh joke joke yun. Well, di ko naman hinihiling na matsugi ang mga hinayupak na yun pero bahala na si batman sa kanila. Pero ako, seryoso ako na di na ako maghahanap ng jowa or asawa.
Tuloy ang kwentuhan at asaran namin hanggang mag-gabi. Bago umalis sa bahay ni Mary ay nagyakapan muna kaming tatlo. Sila talaga ang pinaka-mamimiss ko sa lugar na ito. Bukas, bagong lugar at bagong ako.
Mirriane Ava, Single Lady Forever, here I come!
BINABASA MO ANG
Next to You (COMPLETED)
ChickLitIlang beses ko pa ba kailangang masaktan? Ghosted ✔️ Cheated on ✔️ Catfished ✔️ Open relationship ✔️ Ayoko na. Ayoko na talaga! Single forever na lang ako. When I have decided not to enter any relationship anymore and be just by myself, here you a...