Among the 3 of us, me, Mary and Eve, ako yung masasabi na expert sa relationship. Not because expert talaga ako pagdating sa field na ito, pero dahil ako yung may pinaka-maraming naging boyfriend kaya naging biruan na namin yun. All those relationships though, I ended up crying.
I had my first boyfriend when I was 19. Everything went well sa umpisa and our relationship also lasted for a year and a half. I was still young that time, I know, pero tinuring ko at hiniling ko na sana kami na ang end game. Ganun naman talaga diba? Di ka naman papasok sa isang relasyon if you don't see your partner as your future husband or wife. Apparently though, I was the only one thinking that way. He broke up with me just a few months after we graduated dahil may nakilala sya sa work nya. Iba pala talaga ang real world. Sa school kasi, parang kayo-kayo lang and noong may nameet sya na ibang tao sa bagong mundo nya, nawala na daw yung feelings nya for me. I was devastated that time but gladly I was able to move on.
Naranasan ko na ding ma-ghost at ma-catfished. One time, I also had a boyfriend na nagsuggest na maging open relationship daw kami. Like what the hell?! Kahit alam kong mahal ko sya, I broke up with him kasi mahal ko at may respeto ako sa sarili ko. I mean, di maiiwasan na gagaguhin ka ng iba nang di mo alam, pero ibang usapan na yung alam mo tapos papayag ka. Alam ko may mga taong na pumapayag sa ganung set-up at di ko sila masisisi. Iba na daw kasi talaga pag mahal mo ang isang tao, pero nung time na yun, I just know I will not let someone do that to me.
Before Mark, I had a boyfriend na niloko ako. He cheated on me, and when I asked him why, ang dating kasalanan ko pa. He said hindi ko daw sya natutulungan sa mga problema sa work nya at yung other girl daw ang gumawa noon. She made things easier for him daw sa work. Like how the hell can I help him sa work nya eh sa magkaibang office kami nagwowork? Also, iba ang field ng work nya but I know I was always supportive of him. I always help him the best way I can but not specifically made things easier for him. Kasi pano ko gagawin yun diba? Alam ko sa sarili ko na tinulungan ko sya. I always tell him how much I believe in his talents at alam kong kaya nya. The thing though is, he said that it was not enough. Pano ang gusto ata nya ako gagawa ng workload nya eh magkaiba nga kami ng lugar na pinagtatrabahuhan. When I asked him if ginagawa ba nung girl yung work nya, ayun, ganun nga pala ang nangyayari. Halos 50% ng quota nya sa work eh si girl ang gumagawa. That's why he fell for her daw. She was always helping him. Nakagago yung dahilan pero I was the one who begged him to stay given the condition na he will stop seeing her. It also came to a point na kahit sarili ko sinisi ko dahil sa nangyari. 3 years kami sa relasyon namin pero sa tatlong na yun, isang taon dun ay sabay na kaming dalawa nung girl. Ang mas nakakabaliw pa, the girl knows I exist. Alam nya na kabit sya pero pumayag sya sa ganung set-up. Bakit may ganung tao? Alam nila may masasagasaan sila pero tinutuloy pa din nila. I would understand if she was unaware, pero hindi. Sa simula palang alam nya na may gf yung boyfriend ko. Sobrang sakit para sa akin nun. Grabe ang iniyak ko sa ex ko na yun at alam yun nina Mary. Tatlong taon akong di nagkaroon ng bago after nya dahil nahirapan talaga akong magmove on. I am proud of myself though as I was able to let go. Di ko na rin pinilit kasi ayaw nya talagang hiwalayan yung isa. Ako pa ang pinapili at ang sabi, we can continue our relationship but tuloy pa din daw sila nung isang girl. He even use the 'ikaw ang mahal ko' card. The hell diba? My love for myself win that time again and I am so grateful it did. Ako nalang ang nagparaya at ako na ang nag-give way sa kanila. Ako ang legal at ako ang nauna, pero ako pa din ang naiwan.
Alas tres ng hapon nang nakarating ako sa province. Nadelay ang flight actually, pero thankful ako na isang oras lang. Nandito ako ngayon at naghihintay sa baggage ko. May check-in baggage ako kasi marami akong dinalang mga damit. Ayoko na kasing bumili pa kasi sayang naman sa pera. Unnecessary gastos yun kung saka-sakali. I have always been careful of my expenses kaya never akong nagkaissue sa finances ko.
Tinawagan ko ang pinsang kong si Tonie. Sa unit nya kasi ako titira since dalawa naman ang bedroom sa condo nya. Tonie is my cousin and may kaya ang pamilya nila. He insisted na tumira na lang ako sa unit nya kaysa maghanap pa ako ng apartment. He doesn't want me to pay for rent but I insisted. In the end, nagkasundo nalang kami na ako magbabayad sa utilities like electric and water bill and syempre, hati kami sa food expenses. And oh, Tonie is gay, too. Sa akin sya unang nagsabi about it dahil kami talaga ang pinaka close sa lahat nang magpipinsan. I actually knew about it but I waited for him to be ready to tell me. I am happy na wala naman naging issue sa family nya at kahit sa buong relatives namin.
"Gaga, anong petsa na. Akala ko kinain ka na ng eroplano."
"Nadelay nga ang flight. Nagtext ako sa'yo diba. Maka gaga naman!"
Ganito talaga kami magusap. Madami nga akong alam na gay lingo dahil na din sa kanya. Nung una di ko naiintindihan hanggang sa pinapaliwanag nalang nya sa akin ano meaning at minsan nagagamit ko na din.
"Eto na po, palabas na 'ko airport. Nasaan na ba yung boyfriend mo na susundo sa akin?"
"Nandyan na sya kanina pa kasi nga diba, 2 o'clock naman dapat talaga ang dating mo. Hanapin mo nalang. Red honda civic 2019 model ang car. Naka white polo shirt sya at naka khaki na shorts."
I was looking for the car na binanggit ng pinsan ko. I heard him saying the plate number pero di ko na din masyado narinig kasi nafocus na yung attention ko sa red honda civic na nakita ko. Yun lang naman ang red honda civic sa may harapan ng airport kaya I think eto na yung car na hinahanap ko. Also, yung guy na nakadantay sa may driver door ay naka white polo shirt at khaki shorts just like Tonie had described. Infairness sa pinsan ko, kyotie ang kanyang boyfriend. I am glad na makakaalis na ako agad ng airport. Nakakaramdam kasi ako ng pananakit ng tiyan and ayaw ko naman sa cr sa airport.
"Nakita ko na. Eto lalapit na ako. Alam naman nya ang about sa'kin diba?"
"Oo, alam na nyan. Sabihin mo lang pangalan mo. Oh, pano, kita nalang tayo sa office ha. Sa Tuesday pa balik ko at deretso na ako sa office. Dun na tayo magkita. May groceries na sa condo kaya may makakakain ka dun. Di na kita macocontact kasi walang signal sa pupuntahan naming isla. Babush na."
"Geh. Babush. Salamat. Ingat ka at enjoy sa swimming."
I ended the call and walked towards the guy leaning in the red honda civic. He was checking his phone kaya di nya napansin na nasa harapan nya ako. Probably texting my cousin. Tumikhim ako to make my presence known.
"Hi! Ako si Mirianne Ava Hernan, yung pinsan ni Tonie. Kaw yung boyfriend nya at yung susundo sa akin diba?"
The guy lifted his head and stared at me as if I am speaking alien. Sumasakit na talaga yung tiyan ko kaya lumakad na ako papunta sa passenger seat at nilagay ko na din yung gamit ko sa backseat.
"Tara na, gusto ko na sanang magrest. Medyo sumakit ulo ko sa flight eh." I also massaged my temple for acting effect kahit ang totoo yung tiyan ko talaga ang nasakit.
Tinitigan ako ng boyfriend ni Tonie but after a few, tumango na lang din sya at pumasok na sa kotse.
Hay. Thank God. Yung tyan ko sumasakit na talaga. Yung kalikasan tumatawag na talaga.
BINABASA MO ANG
Next to You (COMPLETED)
ChickLitIlang beses ko pa ba kailangang masaktan? Ghosted ✔️ Cheated on ✔️ Catfished ✔️ Open relationship ✔️ Ayoko na. Ayoko na talaga! Single forever na lang ako. When I have decided not to enter any relationship anymore and be just by myself, here you a...