Prologue

13 1 0
                                    

This is a work of fiction. The names, characters, businesses, places, events, and incidents are either used fictitiously or the products of the author's imagination. Any resemblance to actual events, place and persons, living or dead, is entirely coincidental.

© May 2020

Nagising ako sa init ng araw na tumama sa mukha ko. Kelan ba ako huling nasiyahan sa pagkakaroon ng interaksyon sa araw? Parang 'di naman ganito noon ah.

Sa pagkakaalala ko may mga araw naman na masayang-masaya ako sa sinag ng araw. Ngunit bakit ngayon, lungkot at sakit nalang ang dulot nito sa akin?

"Bumangon ka na jan malelate ka na naman!" rinig 'kong sigaw ni mama.

Bumangon na nga ako dahil kahit gaano naman ang lungkot at sakit nadarama ko alam ko pa rin naman yung, "the world won't stop for you."

Nag ayos na nga ako para pumasok sa trabaho, sana nga ganito lang din kadali ayusin ang buhay ko. Hindi na ako nag almusal at nag madaling sumakay sa BMW ko na iniregalo ko sa sarili nung pasko, kung mag-aalmusal pa ay siguradong late na ako dahil sa traffic.

Nag patugtog ako ng mga kanta ng Rex Orange Country bago ko pinaandar ang sasakyan. Nag babasa ako ng mga kaso habang hinihintay na umusad ang traffic.

Hindi ko mapigilang hindi antukin dahil halos dalawang oras lang tulog ko dahil sa pagbabasa ng mga kaso at sa pag-iisip ng mga bagay na ayaw ko namang isipin. Dumaan ako sa isang coffee shop at nag order ng black iced coffee.

Nasa may bandang public market na pala ako, malapit-lapit na sa law firm na pinapasukan ko. Mga 30 minutes to 1 hour kasi ang byahe depende sa kung gaano kalala ang traffic.

Naisipan 'kong mag selpon muna para mag tanong kay Bella, buti naman at online siya.

Me:
Bes, andyan na si attorney?

Bella:
Sabi na nga ba magtatanong ka.

Swerte mo umalis, may emergency daw sa isa niyang client.

Me:
Swerte nga, salamaaaaat!

Binuksan ko muna ang facebook ko kasi traffic pa naman at may oras pa. Pinipigilan ko ang sarili pero ang hirap, pinindot ko ang search at sunod na pinindot ang pinaka-recent searched ko, Jay Andrada.

Shan Yap tagged Jay Andrada in a photo, "My hubby and my baby."

Napangiti nalang ako nang napansin kong may lumandas na luha sa mata ko. Masaya ako para sakanya, para sakanila. Wala akong galit o hinanakit na nararamdaman pero bakit ang sakit-sakit. Ang tagal-tagal na, akala ko habang tumatagal mawawala unti-unti ang sakit pero bakit ganito? Bakit parang mas lalong sumasakit?

Nadurog lahat eh, nawala lahat sa akin. Paano nga ba 'to nag simula? Saan ba 'to nagsimula? Ano bang nangyari?

Ang alam ko lang, ako si Caliyah Jade Peñaflor at siya naman si Jay Andrada―siya ang aking "the one that got away."

The One That Got Away (The One Series #1)Where stories live. Discover now