Chapter 2
Natapos na yung first game ko nung morning and luckily nanalo ako nasa Jollibee kami ngayon nina Bella, kumakain ng lunch habang hinihintay na mag 1pm para sa mga laro namin.
"Saan kaya 'yun pumunta kanina si Jay nuh?" tanong ni Rey habang kumakain.
"Bakit ano pala nangyari?" tanong ko. Wala kasing laro kaninang umaga si Rey kaya nanood siya sa laro nina Jay habang sina Bella naman nanood sa akin.
"Biglang nawala babae, pagkatapos na pagkatapos ng game 'di man lang nag hintay na i-announce na kami ang nanalo biglang exit," saad naman ni Josh.
"Baka may emergency?" saad ko. Sayang baka hindi pa siya makakanood ng laro ko mamaya.
"Siguro," sagot naman ni Rey.
Hindi na din nag tagal at bumalik na ako sa pool para maka pag prepare na sa game ko, habang si Rey naman ay nag reready na rin kasi pagkatapos ng game ko ay game niya.
Wala pa rin si Jay sa bleachers hindi na nga talaga yata siya makakanood. Game ko na at hinihintay ko nalang ang signal na start na nang bigla kong narinig na may tumakbo papuntang bleachers na may hawak na tarp, si Jay.
"Go Cali!" malakas niyang sigaw na ikinalingon ng halos lahat ng tao.
Natatawa nalang ako sa hiya, sineryoso niya talaga yung pa tarp ah. At tsaka akala ko ba may emergency siya? Tumabi siya kina Rey, binalik ko na ang focus ko sa game at mas na motivate.
Fierce competitor ko yung grade 12, muntik nga siyang manalo kaninang umaga. Iba-iba ang style and techniques namin ng mga kalaban ko kasi wala namang concrete set of rules except sa scoring and yung do's and don'ts'.
No breathing ang ginawa ko para dire-diretso, kaya ko naman kasi nakapag ensayo naman ako ilang araw bago yung competition.
At ayun nga tulad lang ng kaninang umaga ako ang nanalo at sumunod naman ang grade 12. Nag bihis na ako at nakasalubong ko si Rey na nag congratulate at sinagot ko naman ng good luck.
Nasa may bleachers na ako ngaypn papunta kung asan si Jay at iba pa naming kaklase, 4pm na rin kaya andito na sina Rain tapos na raw laro nila at talo na naman daw.
Pag dating ko kung asan sila ay umingay agad sila bidding their congratulations, nag thank you naman ako at umupo sa tabi ni Jay na inabutan ako ng milktea.
"Thank you," I said.
"Welcome," he smiled.
Nag simula na ang game nina Rey kaya andun na ang atensyon naming lahat. Nangunguna ngayon yumg grade 11 na pinsan ni Rey at suminod naman siya.
"Akala ko may emergency?" tanong ko kay Jay.
"Ha?" takang tanong niya.
"Ah kanina kasi sabi nina Rey bigla ka daw umalis ng school," paliwanag ko. Tumawa naman siya, ano kayang nakakatawa dun? Napatawa nalang rin ako kahit 'di ko naman alam ang rason kung ba't siya natawa.
"Kanina kasi kinuha ko 'yung tarp kaya mag madali ako kasi baka malate ako sa game mo, edi sayang naman yung pa-tarp ko diba?" saad niya.
'Yun pala ang rason kung ba't siya umalis agad. Napansin ko namang lumingon sina Rain sa amin at tinapunan kami ng malisyosong tingin na itinawa ko nalang, mga siraulo talaga 'to.
Nakangiti akong tinitiggan ni Jay kaya maligaya ko ring binaling ang atensyon 'ko sakanya. Sobrang saya ko lang sa ginawa niya kanina, first time ko maka experience ng ganon kahit pa-tarp sa bahay 'di ko naranasan pero nakakahiya pa din kasi ang daming tao.
YOU ARE READING
The One That Got Away (The One Series #1)
RomansCaliyah Jade Peñaflor had it all figured out in the palm of her hands, her dreams and her future. She had her life all figured out but you can't expect perfect from no one. She lost track of almost everything, when she lost Jay Andrada. Would she ch...