Chapter 1

11 1 0
                                    

Chapter 1

"Twin, mali naman yang pag solve mo eh. Ganito oh, ganito ang pag solve," naiinis na saad ni Tebi, seatmate ko. Tinignan ko ang sagot niya at ang sagot ko.

"Same naman ang sagot natin eh okay na 'yan!" saad ko.

"Sa'yo okay na pero kay Ma'am Reyes hindi, takte ka! Gusto mo nanaman yatang masermonan mamaya!" nag roll eyes pa ang gagang bakla, natawa nalang ako.

"Aba! Pake niya ba kung gusto ko pahirapan sarili ko? Eh mas madali naman talaga para sa akin ang long method kesa short method niyo eh," sabay kampt ko ng ulo.

"Bahala ka nga dyan!" inirapan ako ng ate niyo.

At ayun nga pinagalitan ako ng algebra teacher namin at nagkaroon kaming dalawa ng debate sa harapan at yung bakla na sinasaway pag solve ko kanina ay panay tawa naman sa sagutan namin ni Ma'am Reyes ngayon.

Recess na at paakyat palang kami ng classroom ni Rain at Bella ay inuubos na namin yung binili naming pagkain kasi pag eto nakita ng mga lalake naming classmate ay nako ubos 'to, panigurado kakalam sikmura namin sa klase mamaya.

"Penge, thank you!" tae na, yan na ba ang sinasabi ko ni hindi ko pa yun nakakalahati ah nakakaiyak naman. Penge daw pero kinuha na lahat.

"Bwesit ka talaga, Gelo! Magka-LBM ka sana!" sigaw ko sa tumatakbo 'kong kaklase.

Tumawa lang siya ng malakas, sana nga talaga magkaroon yun ng LBM with almuranas.

"Kadiri ka, Cali," nandiriring saad ni Rain na parang nawawalan na ng ganang kumain. Agad ko namang kinuha ko naman ang pagkain niya.

"Akin nalang, hihi?" pa-cute 'kong sinabi kay Rain na tumango naman.

"Mga 'yun talaga! Palibhasa nauubos nila pera nila kakadota tsaka kakajowa 'yan wala ng pangkain nangaagawa nalang parang mga snatcher sa Quiapo," gigil naman na saad ni Bella.

Totoo 'yan! Pero 'yang mga lalake na 'yan mga uto-uto din sa jowa nagpapaka sugar daddy na para 'wag lang iwan ng mga jowa nila sa lower year level.

"Tanga!" sigaw sa akin ni Jay mula sa likod nung lumabas teacher namin.

"Ano?" sagot ko naman sabay lingon sakanya.

Tanga kasi tanga siya sa ex niya noon na madaming beses rin siyang niloko tapos binalikan, tinawag niya akong tanga habang hinihika ako nung nakipagbreak ex ko kaya 'yun naging parang endearment na, chos!

"Burger, oh! Alam 'kong inagaw na naman ng ulupong recess mo kanina," nilahad niya sa akin yung yum burger. May note pa bes, 'pataba ka, payatot!' Tae sweet na sana eh, epal na note 'to. Pero 'di ko pa rin mapigilang ngumiti kahit 'di naman ako mahilig sa burger.

"Thank you," saad ko at nag kunwaring pinapahiran yung imaginary luha ko.

Nag make face lang siya at bumalik na sa paglalaro ng ml. Tinignan ko naman si Tebi ayun galit na naman tingin sa akin. Nakakalimutan na kaibigan niya ako kasi crush nito si Jay eh, tampa pang kapatid lang turing niya.

Eh magkaibigan lang naman kami tapos pinapatay na ko sa tingin ng isang 'to kaya kami mas lalong inaasar sa isa't isa ni Jay eh dahil dito sa pikong 'to.

He even resorted to a very bad move para lang mapansin ni Jay. I can't and will never take that as a joke kaya minsan ay hindi ko nalang siya pinapansin kasi kahit ako ginagawa ko yun but not even once pinagsigawan ko yun sa buong school and I'm not proud of it kung kaya ko yung itago sa lahat gagawin ko ang lahat para itago yun, cuts not just sa wrist.

I love Tebi but I'm just disappointed na he takes that lightly. Jusko pag siya natuluyan hindi ko talaga alam anong gagawin ko. A lot of people are suffering from that kaya dapat we should take it seriously and not parang hindi siya mental illness na kumukuha ng buhay.

The One That Got Away (The One Series #1)Where stories live. Discover now