Chapter 4
Late na kami naka dating nina Bella at Rain kasi late na ako nagising dahil hindi ako makatulog kagabi, paulit-ulit kong binasa yung mga nasa screenshot. Papatayin niya daw ako, whatever it takes. Hindi ko alam kung seryoso ba siya dun o nadala lang talaga ng labis na galit. This is so childish.
Andun na silang lahat pero wala si Kier at Tebi. Si Kier baka na late lang kasi balita ko may emergency daw sa bahay nila at si Tebi naman hindi daw nag riring ang phone.
Ang iba ay naliligo na habang yung ibang lalake ay nag iinuman at meron namang mga nag luluto ng isda.Inilagay na namin ni Rain at Bella ang mga dala sa cottage at nag bihis na mag pipicture muna kami bago maliligo.
Nakita ko naman si Jay na nakatingin sa akin, pinapaypayan ang nilulutong isda. Ngumit siya at bakas sa mukha ang pag-aalala. Nag chat siya kagabi na kwinento daw ni Gelo sakanya 'yung nangyari, hindi rin siya makapaniwala kasi kapatid naman talaga ang turing niya kay Tebi.
Nginitian ko siya pabalik, naligo na siya bago pa kami dumating kasi naka topless na siya at basa ang buhok, may mga tumutulo pang tubig sa katawan niya, yum, char. Hindi ko maitatangging ang hot siya, naririnig ko pa ngang sumisigaw ang abs niya sakin, 'eat me, mommy!' chareng.
I slightly laugh at that thought. Napataas ang kilay ni Jay namula naman ako at umiwas ng tingin, napa face palm sa utak, nakatitig ako sa katawan niya habang iniisip ang malalaswang bagay na 'yun, jusko.
"Anong nakakatawa, girl?" Nagtatakang tanong ni Rain, napalingon naman siya hinahanap kung ano 'yung tinawanan ko. Napa iling nalang ako, 'di ako mag kwekwento 'no, nakakahiya kaya.
"Asus, ang haliparot mo 'te!" natatawang saad naman ni Bella na nasaksihan ata ang kalaswaang ginawa ko.
Nag ikot-ikot kami sa resort tatlo naghahanap ng magandang spot para mag picture. Napansin naman namin yung mini playground at dun ko napagpasyahang mag picture. Nang napagod na kami ay bumalik na kami sa cottage.
Pag dating namin dun saktong binubuksan ni Jay ang isang malaking fish cracker, agad akong kumuha favorite ko 'to eh.
"Sabi ko na nga ba," tumawa pa si Jay. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Umupo muna ako para mag pahinga, tumabi namn sa akin si Jay kaya kumuha ako ulit ng fish cracker. Tinitignan ko 'yung mga picture ko na kinuha namin kanina, nag hahanap kung anong magandang i-post sa Instagram.
Sumilip naman si Jay sa phone ko, "Ayan oh, maganda."
"Eto?" maikling tanong ko. Tumango naman siya.
Eto yung picture ko sa slide, candid siya tumatawa ako. Suot ko ang cropped rash guard ko at naka maong shorts. Ginawa 'kong headband ang shades, habang yung mahabang natural wavy hair ko ay makalat dahil sa hangin.
I couldn't deny isa nga 'to sa mga pinakamaayos ko na picture kaya napagpasyahan ko na 'yun ang i-post.
"Thank you," saad ko sakanya at sinuklian niya naman ako ng ngiti.
Hindi rin nag tagal ay hinila na ako ni Bella para maligo na. Sumama na rin ang iba, nag laro kami ng chicken fight at kami naman ni Jay ang mag partner. Sumampa na ako sa taas niya napansin 'kong medyo nahirapan siyang kargahin ako.
"Mabigat ba?" alaganin 'kong tanong.
"Oo, bigat ng buto mo ah, wala ka namang laman pero ang bigat mo," natatawa niyang sagot.
"Aba ganon?" mas binigatan ko ang sarili.
"Sorry na," natatawa niya namang sabi.
At dahil nag chikahan pa kami tungkol sa bigat ko natulak na ako ni Alleah. Nahulog ako pero agad-agad rin namang sumampa sa balikat ni Jay, competitive ako 'no! The word defeat is not included in my dictionary. I looked at my friends and laughed evilly, they laughed too.
YOU ARE READING
The One That Got Away (The One Series #1)
RomanceCaliyah Jade Peñaflor had it all figured out in the palm of her hands, her dreams and her future. She had her life all figured out but you can't expect perfect from no one. She lost track of almost everything, when she lost Jay Andrada. Would she ch...