Chapter 7
Free time namin ngayon at mag-isa akong nag stu-study sa kiosk kasi masyado maraming nag lalandian sa library, mabibitter lang ako.Tsaka si Rain at Bella ay may group meeting sa isang subject namin, hindi kasi kami magkagrupo.
"Hi miss, penge number," inangat ko ang tingin sa nag salita. Si Jay, naka ngisi habang minamasdan ang reaction ko."Ay, ang sungit naman ng mukhang 'yan.'"
"Trip mo?" sa maling side ako ng kama nagising kaya wala talaga ako sa mood ngayon. Uminom ako ng chuckie habang nagtataka pa ring nakatingin sakanya.
"Ay taray talaga," he chuckled softly."Sige, hindi na ako mag didistorbo pero sagutin mo muna ang tanong ko," he continued.
"Ano 'yun?" takang tanong ko.
"Free ka ba sa Saturday?" kumalbog ng malakas ang puso ko. Takte, why does he have this bizarre effect on me?
"Ewan, bakit?" maikli kong sagot trying to hide my nervousness.Kinagat ko ang ibabang labi ko anticipating what will happen next.
Etong feeling na 'to, yung unfamiliar feeling I like and dislike it at the same time. I like it, sobrang sarap niya kasi sa pakiramdam, 'yung tipong kahit na pangit ang gising ko o hindi maganda ang takbo ng araw ko tapos nakita ko siya parang biglang nawawala lahat ng pangit at napapalitan ng ganda. Ngunit, nakakatakot rin kasi para akong nakikipaglaro sa apoy, alam kong delikado at masasaktan ako pero eto masaya pa rin akong sumasayaw sa init nito.
"May bagong bukas kasi na coffee shop malapit lang dito sa school tapos alam ko na mahilig ka sa kape kaya naisipan kitang ayain," paliwanag niya.
Bakit ka ganyan? Gusto kong itanong ngunit wala akong lakas. Bakit siya ganito? Pinipigilan ko na nga ng husto ang sarili ko na tuluyang mahulog sa bangin na parang sadya niyang ginawa na patibong sa akin pero heto patuloy pa rin siya sa pagpapaenganyo sa akin na mahulog.Teka, hindi pa nga ba ako nahulog?
Tumango ako at umakto na para bang wala lang sa akin ang ginagawa niya, "Sige, para dun nalang rin ako mag review para sa exam."
Gusto ko mang tumanggi ay hindi ko nagawa. Hindi ko alam bakit 'di ko magawa siguro nga ay gusto ko naman ding makasama siya.
"Sino-sino ba tayo?" sana ay may kasama kami para kahit papaano ay hindi ako mag mukhang tanga.
"Tayo lang dalawa? Okay lang ba 'yun? Susunduin nlang kita sainyo." kamot ulo niyang saad, cute.
Tumango naman ako. Nang makaalis siya ay hinawakan ko agad ang dib-dib ko, nag huhurmentado eto kahit na malayo na siya.Takte. Hindi ko alam bakit parang nasiyahan akong marinig na kami lang dalawa sa sabado kahit na natatakot ako pag kami lang dalawa ay wala akong ibang gawin kundi titigan siya.
Delikado na 'to.
Mabilis lumipas ang araw at hindi ko namalayan na Friday na pala at bukas na 'yung date namin ni Jay. Well, hindi niya naman sinabi na date yun pero I just assumed syempre paasa rin yung isang 'yun eh.
I was thinking of possible scenarios kung ano pwedeng mangyari bukas katulad ng lilinisan niya yung gilid ng bibig ko kasi lumampas yung kape ko or hindi pagkain na kinakain ko.Napapatili ako sa mga ka kornihang naiisip ko ng biglang tumunog ang alarm ng phone ko.
Muntik ko na makalimutan mag-aaral pa pala ako, ano ba naman 'to si Jay hindi ko mawari kung inspiration or destruction, char, of course the latter.
Nag-aaral na ako at bigla nalang nag pumasok na parang kabute sa isip ko si Jay, para akong tangang nag stustudy.Ako lang yata makikita mong masaya habang papalapit na ang hell week. Ano bang ginagawa mo sa akin Jay, jusko.
Hindi pa ako nakakatatlong oras sa pag-aaral ay biglang naisip ko kung anong susuotin ko bukas. I could wear my usual clothes kasi coffee shop at mag stustudy lang naman kami. Pero I can't help but feel anxious kasi I wanna look extra on an extra special day, sige aaminin ko na special day yun for me.
So I decided to finish studying para maka prepare na ako bukas. Naka tayo na ako ngayon at pinagmamasdan ang mga damit ko.Should I wear dress para mag mukhang cute? Masyado naman yatang oa hindi naman din talaga ako komportable mag suot ng dress.
Sobrang kalat na ng kama ko dahil sa mga damit na hinalughog ko. Pagod na ako pero wala pa rin akong nahahanap na susuotin bukas.
Napahiga nalang ako sa gitna ng kalat na nagawa ko, sighing heavily. Sana ay bumili nalang ako kaninag umaga baka mas madali yun.Hindi ko namalayan na sa sobrang pagod sa kaka-study at sa paghahanap ng damit ay nakatulog ako kahit ang kalat ng kwarto ko.
Nagising ako dahil sa lakas ng katok sa pintuan ng kwarto ko.
"5 more minute, please!" antok na antok pa ako at walang plano ang kama ko na pakawalan ako.
"Andyan si Jay sa baba!" sigaw ni Chi. Napabangon naman ako bigla dahilan ng pagkahulog ko sa kama.
"Ano?!" nanlalaking matang tanong ko kahit hindi naman ako nakikita ni Chi.
"Ay, paulit-ulit ka teh? Nasa baba nga, may lakad daw kayo eh," shit, oo nga pala.Ano na bang oras? Bakit parang ang aga-aga niya?
Napalingon ako sa orasan at literal na nataranta ng mapagtantong 10am na. Sabi niya pala na 10 niya ako susunduin eh, naka limutan kong mag set ng alarm takte.
"Paki sabi baba na ako within 10 minutes!" saad ko.
" Scam!"
Sinubukan ko naman na matapos mag ayos ng 10 minutes pero inabot pa rin ako ng 30 minutes kilay at liptint nalang nga nilalagay ko sa mukha ko nahihirapan pa ako sa kilay.Usually ay 1 hour bago ako matapos mag ayos kaya achievement na rin 'to na half lang ng usual pag-aayos ko.
Nahirapan din kasi ako sa susuotin ko hindi naman ako naka hanap kagabi eh wala na nga akong oras para ayusin ang kwarto sana lang ay hindi pumasok dito si mama mamaya kundi malilintikan na naman ako. Aayusin ko lang din naman 'to pag-uwi ko.Wala na akong choice kundi suotin nalang yung cream sweater na ininsert ko sa boyfriend jeans at sinuot ko naman ang white sneakers ko. Habang naka ponytail naman ang buhok ko.
Bumaba na rin ako at nakitang nakaupo si Jay sa kitchen namin habang nag kwekwentuhan sila nina mama at Chi.Niligon naman nila ako at tinapunan ko ng masamang tingin sina mama malay ko ba kung anong baho ko na ang sinisiwalat nila kay Jay. Nilipat ko naman ang tingin ko kay Jay na nginitian ko ng matamis. Narinig ko namang umubo-ubo ang epal kong kapatid na hindi ko nalang binigyang pansin.
"Good morning," saad ni Jay.
"Good morning din, tara na?" kating-kati na akong makatakas sa mga tingin ng pamilya ko buti nalang at wala na si kuya. Mamaya panigurado papaulanan ako ng tanong ng mga ito.
"Ano ba naman yan Cali, kumain ka muna ng breakfast," ani mama.
Nilingon ko naman si Jay na tinaguan ako.Umupo nalang ako sa tabi ni Jay at nag simulang kumain ng sandwich, eto lang laging kong kinakain 'pag walang klase pero pag may klase kumakain talaga ako ng kanin mahirap tumakas kay mama eh.
Iniwan naman kaming dalawa ni mama at Chi rason nila ay papatulong daw si mama kay Chi na mag garden, kung alam ko lang pinagchichismisan lang ako ng dalawang 'yun.
Kumakain rin ng breakfast si Jay napilit ni mama. Nilingon niya naman ako para ngitian at ngumiti naman ako pabalik. Sana ay hindi puro ngitian lang ang maganap sa araw na 'to, crossed fingers, ang awkward kaya pag ganon.
"Sensya na ah? Nalate ako nang gising," nahihiyang ani ko.
"It's fine ," nakangiti niya saad.
Nagpaalam muna kami kay mama bago umalis. Sumakay ako sa sasakyan niya, nag patutog siya ng kanta ng Kodaline.
Pag dating ng café ay sinamahan ko muna siyang mag order, sinabi ko sa cashier ang order ko habang ang lagkit ng tingin niya kay Jay, napakunot ang noo ko. Sinabi din naman ni Jay ang order niya nag order din siya ng dalawang slice ng blueberry cheesecake. Hindi man lang niya pansin ang malagkit na tingin nung cashier sakanya.
Nang makahanap na kami ng uupuan ay nagtataka akong minamasdan ni Jay na dahilan nang pagangat ng kaliwang kilay ko, nagtatanong.
"Are you okay?" he asked, puzzled.
True nawala mood ko dahil sa cashier na yun at mas naiinis ako ngayon kasi parang wala lang sakanya yun at mas naiinis pa ako kasi bakit apektadong-apektado ako, eh hindi ko naman siya jowa.What's with the possessiveness, Cali? Aghh, now I'm frustrated.
"Bakit ba kasi ang gwapo mo?" mahina na iritadong saad ko pero enough lang yun para marinig niya.
Nanlaki ang mata niya sa gulat kaya lumipad ang mga kamay ko sa bibig ko. What the? Bakit walang filter 'tong bibig ko?Nakakahiya, takte.
YOU ARE READING
The One That Got Away (The One Series #1)
Roman d'amourCaliyah Jade Peñaflor had it all figured out in the palm of her hands, her dreams and her future. She had her life all figured out but you can't expect perfect from no one. She lost track of almost everything, when she lost Jay Andrada. Would she ch...