Chapter 18: School Festival

6.7K 413 106
                                    

.



School Festival.




Before, the thought of attending that tires me. Kahit kailan ay hindi pa ako nakaka-attend ng mga gan'yan. Feeling ko kasi ay hindi naman ako matutuwa.




But now? I can't even hide my smile! It was like...they make the School Festival into another level. You can't see any simplicity on it. Everything is magical and even the curtains was sparkling. Ang pangalan ng booth ay lumulutang tapos may mga ibang letra pa ang nagzo-zoom in at zoom out. May nagba-bounce, nagfefade tapos lilitaw at marami pang iba.




Nakapwesto ang mga ito sa harap ng main building kaya ang dating malawak at mahawan na lugar ay puno na ng mga mapagkakatuwaan.




May mga palaro din na ginaganap sa field. Gaya ng physical combat, archery, illusional war, animal hunting na kung sino ang may pinakamaraming mahunt na animals ay siya ang panalo at lahat rin iyon ay illusyunal lamang.




Tapos may amusement park pa na puno ng iba't-ibang klase ng rides na sobrang ganda tapos may food station pa na parang street foods lang.




Hindi ko akalain na ganito pala ito kasaya.




"Punta tayong horror booth?" Aya ni Gino. Tila namulta ako sa sinabi niya. Bigla ko kasing naalala no'ng nakakita kami ni Jhea ng multo. Up until now I still can't forget the face of that ghost.




Narinig ko ang malakas na paghampas ni Jhea kay Gino na ikina-aray nito. "Gago ka ba?! Ikaw nalang kaya ang pumunta?! Nandadamay ka pa!"




I want to cover my ears because of Jhea's loud voice, but when Gino look at me, I shook my head. Ayoko ng makakita pa ulit ng ganoon kahit hindi totoo. Masyado na akong natrauma doon sa isa.




"Too bad. I wanna try it." Sabi naman ni Enzo. Magkasama kaming apat na naglilibot sa mga booth habang si Xavier at Blood naman ay hindi ko alam kung saan. Sabi lang ni Gino na may pinuntahan daw ang dalawa.




"Eh 'di pumunta kayo." Sambit ni Jhea at umirap sa dalawa habang nakacrossed-arms. "Ikaw, Zeilyn? May gusto ka bang puntahan?" Baling niya sa akin.




Oh. I have a place in mind.




Kanina ko pa ito gustong puntahan pero inuna naming mamasyal sa mga booth. "Food station." I answered. Sigurado akong napakarami at napakasarap ng mga pagkain doon.




"That's a great idea! So ano? Tara?" Nakangiting sabi ni Jhea at tinuro ang dalawa. "Kayo?"




"Sama nalang kami." Ani Enzo.




Nagkabit balikat lang si Jhea at hinila ako patungo sa aming pupuntahan, habang 'yung dalawa naman ay tahimik lang na nakasunod sa amin.




Nang makarating kami ay agad naming tinikman 'yung pagkain sa pinakaunang store.




Since I have no money with me, Enzo and Gino pay for all our expenses. Wala rin kasing dala si Jhea. Siguro nakalimutan niya sa sobrang excitement. Samantalang ako ay walang dala na kahit ano nang napadpad ako rito.




Porsha Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon