Chapter 24: South

6.2K 317 34
                                    


.

Gising na ako bago pa suminag ang araw at naglinis ng katawan. Sobra ang pagpipilit ko sa sarili ko na matulog kagabi upang makapagpahinga ang katawan ko.


Suot ko ang isang denim jeans at pinaresan ito ng itim na rubber shoes tsaka puting tshirt na may print ng logo ng school, at tsaka ko sinuot ang hoodie na sky blue ang kulay. It was the upper part of our P.E uniform.


Sabi kasi ni Ma'am Trecia ay suotin namin ito upang malaman ng mga tagabayan na galing kami sa school at para na rin hindi kami paki-alaman sa aming mga gagawin. Makakatulong rin daw sa amin ito when 'that' time comes.


Hindi ko na siya tinanong kung ano man 'yon. Siguro dahil napapagod na akong magtanong. Tsaka malalaman ko rin naman kapag dumating na ang oras na 'yon. Ang naging problema ko lang dati ay ang pagiging atat ko. Ngayon ko lang 'yon narealize.


Pero hindi ko naman sinisisi ang sarili ko, kung bakit ako naging ganoon. I mean, that's normal. Wala akong alam at masyadong naging eager ang curiosity ko. I want to know everything in an instant. Matagal ko ng gustong malaman ang mga bagay na 'yon.


Sighing, I went to the kitchen. Good thing I brought instant coffee when I go groceries with the members way back in december. Nilabas ko rin sa fridge ang tatlong macaroons na iba't-iba ang flavor bago umupo sa stool sa counter table.


I let the time pass while having my small breakfast and thinks about the mission. My mind should be also resting but keeping it busy is my way of getting rid of him in my mind.


Six in the morning is our call time, pero five thirty palang ay lumabas na ako at imbes na maghintay sa labas ng main building kagaya ng napag-usapan ay pumasok ako sa loob at nagtungo sa rooftop. Pero bago iyon ay iniwan ko muna ang travel bag sa labas.


Wala namang kukuha no'n kaya kampante ako.


When I arrived, I stilled when I saw the familiar figure of a man. Nakasuot ito ng itim na hoodie at pants. His built is someone I knew very well, specially his dress code.


Black.


"Blood..."


It was only a whisper. A very low one that made me think only I can hear.


But no. I know he already feel my presence the moment I step my foot into the rooftop. But I think he didn't expect that I will call his name because I saw him stilled.


Gusto ko siyang lapitan at kausapin pero...pero ayoko. Natatakot ako.


Before I let myself be controlled by my heart, I turn my back to him. Gusto kong umalis pero naninigas ang mga paa ko at parang nastuck ito sa simentong kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw hindi dahil pakiramdam ko ay may kumokontrol sa katawan ko, kundi dahil mas nananaig ang sigaw ng puso ko na muli siyang harapin.

Porsha Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon